Chapter XLI

5.3K 158 22
                                    

Aria's PoV

Isang buwan na ang nakalipas at bakasyon na ^_^ O my Aria Sy! Ang bilis ng araw! Nakaupo lang ako sa sofa habang hinihintay ko na yayain ako nila Mia magbakasyon. Wala sila mama eh, balik trabaho na sila kaya si kuya lang kasama ko ngayon dito sa bahay. Speaking of kuya, nandito na siya sa sala habang may bitbit-bitnit na popcorn, kinuha niya yung remote at in-on yung tv sabay upo.

"Kuya.' Tumingin siya saakin.

"Oh?" Umiwas na siya at binalik niya yung tingin niya sa tv at nilipat-lipat yung channel.

"Kelan ipapaayos paa ko?"

"Diba pagkabalik agad nila mom? Kelangan nga after few days nung pagkapilay mo yan pinaayos." Huminga ko ng malalim. Kaya ko to, kaya ko to. Ready na ako ready na.

"Sorry naman" tiningnan niya ako

"Hahaha, mungtanga."

"Salamat ha, ang bait mong kapatid"

"Welcome." I rolled my eyes. Aba hinahamon nanaman ako.

"San balak mo mag bakasyon kuya?" Pag chechange topic ko.

"Sa Boracay daw."

"Wow sosyal U_U"

"Oo naman" tumawa siya.

"Babankruptin mo nanaman sila mama kagaya nung nangyari last year" aba pumunta ba naman siya sa Davao kasama mga kaklase niya. Feeling rich si kuya.

"Di yan."

"Aish.."

"Ikaw? San balak niyo magbakasyon?"

"Ayun nga. Wala pa kaming plano."

"Weak niyo naman."

"Tae ka!" Sigaw ko, tumawa siya.

"Boyfriend mo na uli si Caden no?" Bigla niyang tanongg sakin.

"Ofo."

"Last month pa diba?" Tanong niya sabay subo ng popcorn.

"Oo."

"Congrats, wag na kayong mag brebreak ha." Parang wala siyang pake sa mga sinasabi niya, no emotions ganern. Sana ang sasabihin ko ay "nga kuya eh, daming epal eh"

"Sana nga." Natahimik kaming dalwa kaya nagcellphone na lang ako. Nagulat na lang ako na nag message sakin si Mics. Tiningnan ko yung message niya.

Mics:
Wag kang masyadong "feeling safe" di pa ako tapos.

Bigla na lang akong nagkagoosebumps. Di pa din ba siya masaya? Nagka temporary amnesia si Caden habang ako napilay. Kamag anak niya ba si Satanas?

"Kuya." Tumingin siya saakin. "Alam niyo na ba kung sino nagdradrive nung truck na nagtatangkang banggain kami?"

"May na-gather na daw na information yung mga pulis at may mga suspects na din sila."

"Pwede bang pumunta tayo sa prisinto kuya? Tingnan lang natin kung sino mga suspects." Huminga siya ng malalim at tumayo siya.

"Oh tara." Tumango ako at nilagay niya na ako sa wheelchair at dumiretso kami sa kotse ni kuya, binuhat niya ako at pinaupo niya ako sa upuan at nilagay sa tabi ko yung wheelchair ko, pumunta na siya dun sa driver's seat. "Isuot mo yung jacket mo jan para di ka mabastos ng mga nandun." Sinuot ko na yung jacket ko na nakastock dito sa kotse pero infairness mabango pa din naman eto. Ini-start na ni kuya yung kotse niya at mabagal niya etong pinaandar. Tumitingin lang ako sa labas, inaadmire ko yung mga nadadaanan namin maslalo na yung mga puno at mga bulaklak. Pero may bumabagabag sakin, di ko alam kung ano yun, ang uncomfortable lang. di ko alam.

"Andito na tayo." Pinark na ni kuya yung kotse niya sa harap ng prisinto at tinulungan niya akong maupo sa wheelchair at sinara niya na yung pinto ng kotse at pumasok na kami sa prisinto. Sumalubong samin ang mga pulis na may kanya kanyang mundo. Inapproach ni kuya yung isang pulis.

"Titingnan po namin yung mga nakuha niyo pong mga suspects dun po sa nangyari ki Aria Sy." Kinakamot ni kuya batok niya.

"Ah yun. Tara, sundan niyo ko." Sabi nung pulis at sinundan lang namin siya hanggang sa maka abot kami sa isang office, pumasok kami dun at may nakita kaming lalake sa isang lamesa na napapalibutan ng mga drawer na puro papeles lang ang laman. Lumapit kami dun at ngumiti siya samin.

"Magandang araw sainyo." Bati nung pulis. "Upo kayo." Umupo si kuya

Nakaupo na po ako.

"Ah magandang araw po. Pwede pong tingnan yung mga suspects kung sino yung nag dradrive nung truck na nag tatangkang banggain sila Aria Sy at Caden Castro?" Tanong ni kuya.

"Ahh! Sy at Castro.. Sandali" kinuha niya yung envelope sa may drawer at binigay iyon kay kuya. "Ayan. Lahat yan may kinalaman sa kaso. Iinbestigahan pa namin sila. Base kasi sa resulta ng inimbestiga namin, hindi lang isa ang may kinalaman dun. Kundi higit pa sa isa." Nagulat naman ako sa sinabi nung pulis. Nakatingin lang ako sa pulis, may pinipirmahan siyang mga papel na sobrang dami.

"Aria." Napatinin ako ki kuya.

"Po."

"Look at this." May pinakita siyang papel na may picture ng isang babae.

"Si Mia yan diba?"

"Oo." Nagulat na kang ako pero maya-maya natawa ako.

"Sir. Are you serious? She's my bestfriend, di niya sakin magagawa yun." Tumingin yung pulis sakin.

"Expect the unexpected." Napalunok naman ako. "Hindi lahat ng kaclose mo ay mananatiling anjan sa tabi mo para supportahan ka. Yung iba, palihim ka na palang sinasaksak."

A/N

Sorry ngayon lang ako naka ud. Busy po ako eh pasensya. 😊

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now