Chapter XL

5.5K 171 15
                                    

Aria's PoV

Binaba na ni kuya yung tawag kaya humiga ako sa kama. Kamusta na kaya si lola? Okay lang ba siya? Sana okay lang.

"Aria." Tawag ni Mia sa may pintuan.

"Ow." Umupo ako, tumabi siya sakin.

"Kakain na bes. Ako nagluto ahe." Sabi niya. Marunong palang magluto tong babaitang to.

"Baka naman na overcooked mo?" Hinampas niya naman ako ng malakas. "Aray ko!"

"Bat ang sama mo sakin?" Nag pout siya, nag roll eyes lang ako.

"Wala lang trip ko lang." sabi ko.

"Ewan ko nga sayo! Pasalamat ka talaga mahal kita! Halika na nga!" Inalalayan niya na akong makaupo sa wheelchair at dumiretso na kami sa kusina. Aba, kumpleto na sila kami na lang hinihintay. Umupo na ako sa tabi ni Caden at tumabi naman si Mia sakin. Sabay-sabay kaming nag dasal bago kumain.

"Lets eat.' Sabi ko at nagsimula na kaming kumain. Nung kumakain kami di namin maiwasang matawa dahil di nauubusan ng kwento sila Noah. Kwinento nila kung pano sila nagkakilakilala, nabanggit din nila na naging miyembro din ng The Royals si Aiden.

Sabi na eh. Galing ko talaga.

Pagkatapos naming kumain, nag volunteer sila Jacob, Noah at Aiden na sila na bahala sa paghugas ng mga ginamit namin sa pagkain. Si Ethan at Mia pupunta lang daw sa may sentro para bumili ng pagkain para mamaya, may gagawin daw kami mamaya eh. Kung nagtataka kayo kung san si Caden? Missing siya. Kanina ko pa siya hinahanap. Pero baka tumatae lang. Ako? Andito lang ako sa terrace habang tumitingin lang sa kalayuan hanggang sa naalala ko yung sinabi sakin kanina ni kuya naipapaayos ko daw binti ko sa lalong madaling panahon. Pero bat biglaan naman siguro? Napahinga ako ng malalim.

"What's with the sigh Aria Sy?" Napatigin naman ako dun sa lalakeng nagsalita sa likod ko. Si Caden lang pala.

"Hays! Akala ko kung sino!" Nginitian ko siya sandali. "Wala naman, san ka ba galing? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ko. Di siya umimik pero tinulak niya yung wheelchair papuntasa tabing dagat at lumuhod siya sa harap ko. "What're you doing? Tumayo ka nga." Sabi ko kaso di siya nakinig. Nanatili pa din siyang nakaluhod habang nakayuko.

"Aria, mahal mo na ba ako ngayon?" Napalunok ako sa tanong niya.

"Oo Caden, mahal na mahal na kita." Wala pa din siyang imik. Nag indian seat siya at tumingin siya sa buwan.

Nakita ko siyang ngumiti. Yung ngiting hindi peke, yung papaniwalaan mo agad eto pag nakikita mo eto. Yung ngiting nakakatunaw. Yung pag nakita mo yung ngiting eto, maiinlove ka na lang bigla sakanya, yung titibok ng sobrang bilis yung puso mo. Yung mapapasabi na lang yung Hypothalamus mo na "mahalin mo tong lalakeng eto, kakaiba eto."

"I'm glad." Di pa rin naaalis yung ngiti niya sa mga labi niya, sa tingin ko namumula na ako. Ambilis ng pag tibok ng puso ko. This scene is just.. perfect...

"Bakit Caden?" Tanong ko sakanya. Tumingin siya sakin habang yakap-yakap na niya ngayon yung mga binti niya dahil sa sobrang lamig ng simoy ng hangin.

"Ibig sabihin tapos na ako sa pagrerevenge.." di ako umimik.

"Tapos na ang pagkukunwari. Tapos na ang kalokohan." Tiningnan niya ako sa mga mata. "Mahal na mahal na din kita Aria Sy. Pwede bang... Tayo na lang uli?"

Ngumiti ako, siguradong sigurado na talaga ako sa sagot ko noon pa. Tumango ako at niyakap niya ako ng sobrang higpit.

A/N
Di pa po katupasan mga bessy. Pero I'll end this soon. Mga 20 chapters pa ganern😂. What do you think? Vote and comment guyssss.❤️💓

Short ud sereh.

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now