Chapter XVII

7.3K 192 3
                                    

Aria Sy :)

Grand Almayatross? Ganda naman ng pangalan at ang ganda din ng tanawin dito paarang Boracay din ang vibes eh. Ang ganda. 

Nandito na ako sa tabing dagat, habang tinitingnan ko yung mga babaeng nag sasaya sa dagat. Yung mga lalaki daw pupunta sa arcade, mag lalaro daw muna sila. Eh kaming mga babae, babad agad sila. Habang ako, wala akong balak mag swimming eh. Tsaka ayoko isuot yung bikini na binigay sakin ni Mia nung isang araw, baka may manyakis dito eh. Nakasando lang ako tsaka nakashort ngayon. Lumapit sakin si Mia tsaka umupo sa tabi ko.

"Aria! Tara na!" Sabi ni Mia. Ang sexy tsaka ang ganda niya, nakakainggit.

"Ah sige lang, ayoko muna mag swimming. Mamaya na lang ako sasabay sainyo." Ngumiti ako.

"Sige. Oh eto." Sinuot niya yung sunglasses niya sakin, tumayo na siya. "Tawagin mo na lang ako kung may kailangan ka best ha?" Tumango na lang ako tsaka umalis na siya. Pumunta ako sa long chair na malapit sa isang payong na malaki.

Payong na malaki?!

Manahimik ka konsyensya. Malaki naman talagang payong eh.

Humiga ako doon at pinikit ang mga mata ko.

"Pst. Aria."

"Lumayas ka Caden."

"Caden?"

"Wag mo ko utuin Ca--" Minulat ko mata ko at tiningnan ko yung kumakausap saakin. "Caden, kung iinisin mo ko. Wag ngayon"

"Si Aiden to."

"Aiden?! Bakit di mo suot salamin mo?! Napagkakamalan tuloy kita na si Caden. Suot mo nga!" Utos ko.

"Eh sa ayoko?" Umupo siya sa isang long chair sa tabi ko at tumahimik na lang kami ng konting oras.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko.

"Just having a vacation. It's really nice to see you here, Aria. What a coincidence." Tumawa siya at humiga. Umupo naman ako.

"Eh pano kung makita ka ni Caden? Mag aaway nanaman kayo?" Pag susungit ko, natawa naman siya.

"No need to worry. I won't fight him." Di na ako humiga kasi di na ako komportable.

"Did you ate already?" Tanong niya.

"Oo na."

"Tara, I'll show you around." Umupo siya at iniabot niya kamay niya sakin. Nag dadalwang isip ako kung sasama ako. Baka hanapin nanaman ako nung Caden tapos mag aaway nanaman tong dalwa. Tsk

"Kelangan ko palang pumunta sa kwarto." Sabi ko. Humiga siya at pumikit.

"Okay. " tumayo na ako at tumalikod mag lalakad na sana ako ng biglang sumigaw si Aiden

"A-aria!" Sigaw niya tsaka niyakap niya ako sa likod.

"Anong ginagawa mo!?"

"Stain. Hurry up and go to your room and take a
shower." Nanlaki mata ko. BAT NGAYON PA?! "I'll tell your ex about t---"

"No, wag na, umalis ka na maslalo ka lang mapapahamak. Kaya ko na to." Pinakawalan niya na ako. Tinakpan ko yung likod ko. You know.

"Go ahead. I'll get going, just text me kung kelangan mo ko"

"Alam ko number mo?" Huminga siya ng malalim.

"I'll just text you then---"

"ARIA!" May sumigaw sa gilid namin. Naglakad na ako papalayo pero hinatak niya ako sa tabi niya. "Ano ginagawa mo dito Aiden?"  Tinakpan ko agad 'likod' ko. Bwiset kelangan ko na talaga mag shower. Huhu.

"Bawal ba mag bakasyon?" Nginitian niya si Caden. Mamatay na kayong dalwa.

"Bakit dito pa?!"

"Alam ko bang dito din kayo nag babakasyon?"

"Sana di na lang dito"

"PUSANG GALA NAMAN OH. LALAYAS NA AKO. BYE." Tatakbo na sana ako kaso hinatak nanaman ako ni Caden.

"ANO BANG PROBLEMA MO? KUNG MAG BABANGAYAN KAYO, WAG NA KAYONG MANGDAMAY!" Sigaw ko sakanilang dalwa.

"K-kalma" Sabi ni Caden. Sinuntok ko si Caden sa tiyan kaya napahawak siya dito.

"Ikaw! Gustong gusto ko na talagang umalis kaso ikaw, epal ka! Meron na ako kaya pusang gala---" Hinawakan ni Caden kamay ko at tumakbo kaming dalwa papunta sa hotel nag elevator na lang kami.

"Takpan mo likod mo. Mag shower ka agad pag dating natin dun." Sabi niya. Tinakpan ko at tinignan ko siya, nakatingin lang siya ng diretso, kaya umiwas na lang ako. Nandito na kami sa 7th floor. Dumiretso agad kami sa kwarto namin at nag shower agad ako.

"Bibili ako ng ano mo..."

"BUMILI KA NA. LAKI LAKI NG KASALANAN MO SAKIN!"

"Eto na eto na." Narinig ko yung pag bukas at pag sara ng pintuan. Napahinga na lang ako ng malalim at napangiti.

~flashback~

"Ano yan mahal." Sabi niya, humarap naman ako.

"Anong ano?" Pinatalikod niya ako.

"May ano. Mahal tara, di muna tuloy date natin. Iuuwi muna kita sayino, mag shower ka." Kinabahan naman ako kaya sumunod na lang ako. Di pa naman kami masyadong malayo sa bahay kaya naglakad na kami pabalik. Di niya ginamit yung kotse niya dahil may diperensya daw.

"Oh bat kayo bumalik?" Tanong ni mama. Nilapitan ni Caden si mama at kinausap. Ako? didrediretso lang papunta sa kwarto at nag shower. Nakakahiya naman!

"Mahal. Meron ka bang ano?"

"Anong ano?"

"Yung---"

"Ah! Meron mahal. Ako na kukuha mamaya,"

"Ako na mahal. Asan dito?"

"Ahhh sa cabinet mahal."

"Sige, ilan kukunin ko? Dalwa? Tatlo?"

"Mahal! Isa lang!"

"Hehe. Sabi ko nga."

"Mahal. Ako na mag hahahanap ng dadamitin mo ha?" Napahinga naman ako ng malalim.

"Sige mahal tapos lumayas ka muna sa kwarto ko ah?"

"Oo mahal, gusto mo nga lumayas na ako sa bahay mo."

"Mahal naman."

"Oo na mahal hintayin kita sa sala."

"Sige mahal, salamat pala ha"

"Ikaw pa ba mahal ko. I love you"

"Layas na."

~end of flashback~

Bumabalik na siya.

Caden.

Ayoko ng ganito.

A/N

Hehehehehehhehe :) mwa

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now