Chapter III

12.4K 338 22
                                    

Aria Sy :)

Kinabahan ako sa sinabi ni Caden. Ramdam ko talagang seryoso siya sa pag rerevenge saakin. Sana wag niya naman ako pahirapan na aabot na sa mag 50/50 buhay ko.. Nagpapanic na ako dito. Kailangan kong makalabas dito, kailangan tong malaman ni Mia. Huhuhu. Ay teka, icontact ko nga.

[Oh bestie? Asan ka na? Andaya mo ah nakaka sampung classroom na ako sa highschool building wala ka pa din. Nakakatampo.] Sabi ni Mia sa kabilang linya na parang nag dadabog ngunit hindi ko ito pinansin dahil mas importante ang sasabihin ko sakanya.

"Mia, may tumawag nanaman sakin."

[Ano sinabi? Ang pangit mo nananaman? Humanda ka na nanaman?] Sabi nito. Yung mga sinasabi saakin ng mga unknown caller ko ay sinasabi ko kay Mia. Iba't ibang bosses ang mga tumatawag saakin ngunit yung ngayon, siguradong-sigurado na ako na si Caden yun at wala ng iba.

"Let the revenge begin daw.. Mia!!! Tulungan mo naman ako oh, alam kong si Caden yun." Banggit ko habang di mapakali, di ko mag iwasang tumingin sa paligid ko dahil baka bigla na lang sumulpot si Caden.

[Katangahan mo kasi bestie eh pero...  sige tutulungan kita. Asan ka ba?] 

"Nakakulong ako sa opisina namin ni Ethan wala pa naman saakin yung susi ko. Aba nag sagutan kasi kami nun kanina, ayun sabi niya dito raw muna ako kung gusto ko pa mabuhay. Kaya bestie sorry di ako nakapunta jan. Huhuhu tinopak si Ethan eh"

[Ayos lang, teka si Ethan ba? Wala siya dito kanina pa. Kaya nag simula na lang kami] Sabi nito kaya nag taka ako.

"Teka san yun pupunta kung wala siya jan?" Tanong ko kay Mia.

[Malamang sa secret place nila]

"Ninong nila?"

[The royals. Hello? Kumpleto na ulit sila.] Huminga ako ng malalim. Edi hindi malabo na naandun siya nung tinawagan ako ni Caden.

"Ano ba yan di na nga ako magtitiwala kung kahit kani-kanino." Pag dadabog ko. "Baka mamaya alam na ni Caden yung dahilan eh pero sana wag naman, baka mapahamak yung mga kasama sa issue na to. Nakakatanga pero, naaawa ako sakanila at natatakot na rin para sakanila."

[Loko ka, edi mas masaya kung malaman ni Caden. Para naman maturuan ng leksyon yang mga nang-aapi sayo.]

"Alam mo naman siguro kung paano magalit yang si Caden, Mia. Hindi okaaayy! Baka pahirapan niya ng sobra yung mga yun."

[Pag usapan natin to mamaya ha? May mga ginagawa kasi kami dito, I love you bestie. Mamayang uwian kita tayo sa quadrangle.]

"Okay bestie, good luck." Binaba na niya kaya humiga ako sa sofa na malapit sa aircon. Hindi ba ako magklaklase ngayon? Hays.. pinikit ko na lang mga mata ko at natulog.

~~~~~

"Wake up"

"Gising na mahal."

"Mahal." Yung call sign na yan, yung bosses niya. Nakakamiss...

"Mahal tanghali na kumain ka na." Pero diba wala na kami?.. teka. GISING ARIA. Minulat ko mata ko at nakita ko siyang nakangiti sakin. Napa-upo ako at lumayo dito.

"B-bakit ka andito?! Pano ka nakapasok dito?!"

"Ethan." Banggit niya habang hindi naaalis yung ngiti niya sa mga labi niya. 

"Bwisit labas! Bastos to, di marunong kumatok!" Tumayo siya at lumabas. Sinara niya yung pintuan at kumatok. Pumasok siya na abot langit ngiti niya.

"Di na ba ako bastos mahal? Kumatok na ako oh." Napahilamos ako ng mukha ko dahil sa ginawa niya.

"Isip bata."

"Masyado ka namang real talk mahal.." Sinara niya yung pinto at tumabi sakin kaya lumipat ako ng upuan.

"Allergic ako sayo."

"Nawala lang naman ako ng isang taon allergic ka na sakin? Mahal naman walang ganyanan." Nag pout siya kaya nandiri ako.

"Kadiri ka! Lumayas ka dito!" Sita ko. Tumawa naman siya.

"Pano ba yan opisina ko na to uli mahal. Haayyy King Caden is back." Nagulat ako.

"H-hala?! Paano?! Imposible!" Napatayo ako sa narinig ko.

"Posible ang lahat kay Caden Castro, posible ding maibalik ko ang dating tayo, Aria Sy."

~~~~

"Queen bilisan mo naman." Aba gaga to. Ikaw ba naman pabuhatin ng sandamakmak na papel, eh siya nasa unahan ko ang sarap ng buhay.

"Di mo ko tutulungan?!" Sigaw ko. Tumawa lang siya.

"Tutulungan kita? Ha.ha. No way. Bilisan mo na double time na daw sabi ni Principal." Sabi niya. Pano ko ba to sinagot noon?! Bwisit.

Kasi ang sweet niya...

Kasi maaalahanin siya....

Kasi matalino siya....

Kasi ang gwapo niya...

GAGA KA KONSENSIYA MANAHIMIK KA.

Nagpatuloy lang kami sa pag lalakad hanggang sa makaabot na kami ng principal's office. Nilapag ko agad yung mga papel sa taas ng lamesa ni principal at agad na umupo sa sofa na malapit sa aircon.

Need. Fresh. Air.

"Hello Aria. Oh, Caden! Welcome back. Nakuha mo agad yung pagka King kay Ethan ah. You never failed to impress me, Caden." Nag tawanan at nag kwentuhan sila Caden at Principal na para bang hangin lang ako dito, di nila ako pinapansin eh. Maya-maya napapansin ko itong Caden na todo pa-cute sakin. Konti na lang matataasan ko na to ng middle fingger eh, pero mabait ako kaya di ko yan magagawa.

Pagkatapos ng 1234567890 years tapos na din sila mag usap kaya umalis na kami dun ni Caden. Dinala niya ako sa isang patagong lugar at nagulat ako ng nakadating kami sa tambayan ng The royals. Nung pumasok siya sa pintuan naiwan ako sa labas. Parang ayokong pumasok dahil parang may masamang balak siya sakin.

Shonga. Alis na jan Aria kung gusto mo pang mabuhay.

Tama tama, may silbe ka din pala konsensiya. Tatalikod na sana ako ng may humatak sakin papasok.

"Welcome back Aria." Bati nilang lahat saakin except pala kay Caden na nakangiti lang sa unahan ko at kay Ethan na nakaupo lang sa sofa habang nagkakalikot ng cp niya.

Isa kang taksil, hmp.

Natatandaan ko pa sila. Tandang tanda ko pa. Isa sila sa dahilan kung bakit naging miserable buhay ko. Mga hinayupak kayo, akala ko ba di ko na ulit kayo makakapiling pero mali pala ako. Bakit kasi bumalik ka pa Caden!

Tantanan niyo na ako, nakikiusap ako.

A/N

Jemina_Minseok again

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now