Chapter XVI

7.4K 199 5
                                    

Aria Sy :)

Kung masyado kaming tahimik kanina, ngayon, super duper na bonggang bonggang na pak na pak na awkward kami ngayern. Bwiset kasi, Ayan kasi Aria flashback pa bwiset.

Pero kahit na ang tahimik namin, nakikita ko siyang nakangiti. Bakit kaya siya ngumingiti?

"Staring is rude you know." Sabi niya sakin habang busy siyang nagdradrive kaya napaiwas ako ng tingin.

"Staring mo to." Pag susungit ko, tumawa naman siya.

"Mahal. Pft." Ayan natawa na siya.

"Nadulas lang naman ako eh!" Sigaw ko. Napatakip ako ng bunganga. Gaga pahamak ka. Tumawa siya.

"Hahahaha, ako iniisip mo kanina ano?" Napa roll eyes na lang ako.

"HA HA HA HA HA. Dream on" sabi ko. Tumawa naman siya.

"Kunwari ka pa." At tumawa uli siya. Nakakairita na ha? Kanina pa to tawa ng tawa!

"Bakit ba tuwang tuwa ka?!" Sigaw ko. Sumeryoso naman mukha niya.

"I miss you.. Miss ko na yung dating tayo.." Natiigilan ako sa sinabi niya.

Alam mo? Miss na din kita.. Miss ko na din yung dating tayo. Pero tama yung ginawa ko. Tinantanan na nila ako nung brineakan kita, lahat ng masasakit nilang salita, tsaka yung mga ginagawa nila sakin na pang aabuso, tinigil na nila. Pero nag sisimula nanaman sila, dahil bumalik ka na.

"Ano ba kasing rason---"

"Please, ayokong pag usapan yan." Napahinga siya ng malalim.

"Sige, matulog ka na. 9 na. Madaling araw pa tayo makakapunta dun." Sabi niya.

"Sige."

"Good night mahal"

Good night din.. Mahal..

~~~~

"Aria."

"Caden. Salamat"


"Mahal na mahal kita. I'll do anything for you. Always remember that." Niyakap ko siya ng mahigpit

"Salamat." Tumulo mga luha ko.

Minulat ko mga mata ko. Salamat? Para san?

Nevermind.

Teka asan ako? Bat kayakap---

"LUMAYO KA SAKIN" Sinipa sipa ko siya pa baba ng kama at nag kumot.

"Good morning din." Sabi niya habang kinakamot mga mata niya.

"Bat.. Bakit.."

"Bakit mo ko katabi? Bakit mo ko kayakap? Bakit tayo nasa isang kwarto lang?" Tumayo siya at dumiretso sa sofa para humiga.

"Bakit kita katabi? Kasi binuhat kita all the way up here and I didn't know that you're so heavy tsaka pagod na din ako nun kaya nakatulog ako sa tabi mo. Bakit mo ko kayakap? Ikaw ang unang yumakap. Bakit tayo nasa isang kwarto lang? You ask them." Pinikit niya mga mata niya.

Ako unang yumakap?! Nakakahiya naman oh. "Tanghali na oh?! Matutulog ka pa?!" Sigaw ko. Napatingin naman siya sakin. Tiningnan niya ako ng walang ekspresyon.

"Paki mo." Matipid niyang sagot. Tumayo na lang ako at pumunta sa C.R.

Binuksan ko yung faucet at nag hilamos ako. Nakakairita naman ngayon si Caden. Di naman siya ganyan eh. Ano kaya nakain niyan?

AH!

Siguro gutom na to. Yayain ko kaya na kumain na.

Lumabas ako habang di pa nagpupunas ng mukha kaya sobrang basa pa ng mukha ko. Tumakbo ako papunta sa sofa at hinawakan ko mukha niya gamit ang basa kong kamay kaya napamulat ito.

"Ang lamig!" Inalis niya mga kamay ko sa mukha niya. Ngumiti naman ako.

"Tara kain na tayo. Siguro gutom ka lang kaya ang sungit sungit mo." Pag yayaya ko sakanya. Tiningnan niya lang ako at pinikit niya uli mga mata niya. Ay bastos. "Bastos to. Kinakausap kita!" Sigaw ko. Minulat niya mga mata niya at umupo.

"Sige tara." Tumayo na siya at kinaladkad ako papunta sa restaurant sa loob ng hotel na tinutuluyan namin. Pagkapasok pa lang namin nakita namin sila sa isang mahabang lamesa at trinatrato sila na para bang VIP kaya dumiretso ako papunta kanila at tumabi ako ki Mia. May nakahanda ng pagkain sa lamesa kaya di na kailangan mag order. Tumabi naman si Caden sakin. Amp.

"Bakit tayo trinatratong parang VIP dito?" Tanong ko sakanila. Tinusok ko ng tinidor yung burger steak. Wala akong makitang spoon kaya. Isusubo ko to ng---

"Baboy." Bulong niya sakin. Inagaw niya yung tinidor sakin at nilagay niya yung burger steak sa plato ko at hinati gamit ang tinidor at kutsilyo. Edi ikaw na psh.

"I didn't ask for your help." Bulong ko

"This is a 5 star hotel tapos ganyan asal mo?" Sumimangot na lang ako.

"Di ko ba sinabi sayo? Pamilya ni Ethan ang may-ari netong resort na to kaya talagang itratrato nila tayong parang VIP dito." Proud na sabi ni Mia. Nanlaki mata ko.

"Ano pangalan ng resort na to?"

"Welcome to Grand Almayatross Resort, Aria Sy. Enjoy your stay." sabi ni Ethan sa tabi ni Caden.

A/N

Almayatross is the yes😂😂 pinaghalo po ng section naming tatlo wahahah. Maya and Albatross❤️

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now