Chapter XXXVII

5.3K 141 5
                                    

Aria's PoV

Waahh! Busog na busog na ako! Pag nauubos ko kasi yung pagkain ko sa plato ko lalagyan nanaman 'yon ng pagkain T_T tataba na si acoe. Pagkatapos agad ng welcome party, habang kinakausap nila Caden yung President nagpaalam muna ako kanila Aiden na iihi muna ako. Kaso di naman talaga ako iihi, gusto ko lang talaga makapunta sa likod netong cafe. Grabe pag sumapi curiosity ko eh. At yun na nga lumakbay na ako papunta sa likod ng cafe. Pagkadating ko sa likod ng cafe, puro puno lang nakikita ko. Parte pa ba to ng West High? Nag simula akong maglakad papasok sa mala-gubat na ito. Ang kapal ng hamog, nakakatakot, may ganito pala sa Pilipunas? Ang creepy masyado. Maya-maya tumunog cellphone ko, sinagot ko eto agad at tinapat sa tenga ko.

"Hello? Aiden? Bakit?"

[Asan ka?]

"Ah...."

[Asa----]

Tiningnan ko yung cellphone ko kung bakit namatay yung tawag. Walang signal?

Ang creepy na talaga, kelangan ko ng bumalik baka kung ano pang mangyari sakin dito. Binilisan ko ang paglakad ko kahit medyo nahihirapan ako.

"San ka pupunta?" Tumalikod ako at may lalakeng naka uniporme ng pang West High pero di ko nakilala dahil may takip siya sa mukha niya. Di nag tagal may pinaamoy siya saakin na panyo.

Ano to?

~~~~
Caden's PoV

"Asan na ba siya?" Tanong ni Aiden saakin habang lakad lang siya ng lakad sa unahan ko. Kanina pa siya ganito ng ganito, nakakahilo na masyado. Andito kami sa office ni Aiden.

"Ano ba? Nahihilo na ako sayo!" Reklamo ko.

"Nag-aalala ako! Ano ba?!" Sigaw ni Aiden. Huminga ako ng sobrang lalim at tumayo.

"Tara hanapin na natin siya baka kung ano pang mangyari sakanya. Andito lang yun sa loob ng campus sigurado ako." Sabi ko, inayos niya salamin niya at tumango.

~~~~

Naandito kami ngayon sa cafe, ang huling paalam niya kasi nasa C.R. Siya eh, baka may nakakita sakanya. Natanong tanong kami sa mga staff. Kaso lahat ng sagot nila ay "hindi po". Mamamatay na ako dito eh. San ka na ba Aria Sy?! Kukutusan kita pag nakita kita! Umupo muna kami para mag pahinga. Mag iisang oras na din kaming naghahanap sakanya eh.

"Hay! Sang lupalop kaya napadpad si Aria?" Sabi ko sabay punas ng pawis. Huminga na lang ng malalim si Aiden. "Kung ipahanap na lang natin si Aria sa mga guards tas kapwa schoolmates? Mukhang nakikilaro ng taguan yung Aria Sy-ng yun eh." Sabi ko.

Nagulat na lang ako nung bigla siyang sumigaw. "Hindi pwede!" Nagkasalubong dalwa kong kilay. "Papagalitan ako nun ni sir" sabi niya. Napataray na lang ako.

"Bahala ka ng--"


"Sino po hinahanap niyo? Si Ms. Aria Sy po ba?" Napatingin kami sa janitress na nagsalita.

"Oo." Walang galang kong sagot. Kay cool kong tao eh. (A/N: line ni /roll eyes;)

"Mukhang nakita ko po siya pumunta sa likod ng cafe."

"Ah salamat po--"

Tumayo si Aiden at sumigaw na para bang mabibiyak na yung mundo kada sigaw niya ng isang salita. "Ha?! Diba bawal pumunta dun?!" Bakla talaga tong Aiden na to. Pero, bat bawal pumunta sa likod ng cafe? May sikreto ba dun?

"Sorry po, pipigilan ko nga po sana kaso madami po akong ginagawa kanina eh. Tsaka po wala po si Welbert, yung isa pa pong janitor kaya po pati yung mga naka assign sakanyang mga tasks niya ako na po gumawa." Nanahimik na lang ako dito dahil wala naman akong alam at walang balak alamin ang pinag uusapan nila. Wala akong pakialam, gusto ko lang makita nanamin si Aria.

"Salamat sa impormarsyon." Nagulat na lang ako ng hawakan ni Aiden yung braso ko. Binigyan ko siya ng "Bat-mo-hinahawakan-braso-ko?-close-ba-tayo?" Look at nag reply siya sa pamamagitan ng pagsalita.

'Halika na! Ayaw mong mahanap agad si Aria? Nag-aalala ka---"

'Halika na nga! Mag speespeech ka nanamang loko ka." Nag simula na kaming tumakbo papunta sa likod ng cafe

~~~~

Mag-iisang oras na kaming nakatunganga dito sa likod ng cafe. Tinititigan lang namin ang gubat. Kaya pala di pwede pumunta dito dahil kagubatan na eto tsaka di na ito parte ng West High. Nag suggest na daw sila na pagakuran na ito kaso ayaw ng President ng school na to. Kalokohan.

"Tutunganga lang tayo?" Tanong ko napakamot siya ng ulo.

"May storya kasi tong gubat na to eh." Tiningnan ko siya habang magkasalubong ang dalwa kong kilay.

"Ano naman?"

"Kasi ganito yan... Noong---"'

"Summary mo na lang, papahabain pa kasi eh."

"Madami na daw nawala jan tas pinatay" sabi ni Aiden. I rolled my eyes.

"Naniwala ka naman?" Nagkasalubong yung mga kilay niya habang nakatingin saakin.

"Malamang! Di naman magsisinungaling samin yung president ng school na to. Kay bait nung tao eh!" Pag dedepensa niya.

"Abnormal talaga" pabulong kong sabi.

"Ano sabi mo?" Tanong niya sakin.

"Hay nako." Tumayo ako.

"Ano balak mo?" Tanong niya. Tiningnan ko siya.

"Papasok sa gubat para hanapin si Aria, ano pa?" Nagulat siya,

"Sigurado ka? Masyadong delikado." Sabi niya.

"Para kang bakla" sabi ko habang naka ngisi.

"Salamat." Huminga naman ako ng malalim at tiningnan ko siya ng masama, tumingin din siya saakin.

"O tara na bro!" Inakbayan niya ako habang papasok ng gubat, agad ko etong inalis. Ang kapal ng hamog, nakakakilabot. Tumigil si Aiden at nagtaka ako kaya nilingon ko siya. Hinugot niya cellphone niya sa bulsa niya at nilapit niya eto sa tenga niya, kaya lumapit ako sakanya,

"O? Tomas ano kelangan mo?" Tinitingnan ko lang ekspresyon niya. Maya-maya nakita ko yung gulat sa mukha niya. "Wag mo siyang sasaktan! Hayop k-!" Di niya na naipagpatuloy yung sinasabi niya dahil mukhang binabaan na siya. Nag katinginan kami.

"Aiden.."

"Hawak ni Tomas si Aria."

A/N

ANNYEONGWALANGSAYO 💔. Tadaaaaa. I hope you like it 💓 🤙🏻🤙🏻💓. So yes, andyan na nga po pag mumukha nila Noah. (Ang gwapo po ni Noah, crush ko siya. Chos) Pashout out po pala sa lablab ko. Uwi ka na di na ako galit. Chos lang uli 😂

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now