Chapter XXXVIII

5.5K 163 17
                                    

Aria's PoV

Unti-unti kong minulat mga mata ko. Nasa isang madilim na lugar ako, nakatali ang mga kamay at paa ko, may panyo pang nakatali sa bunganga ko. Di naman ako makahingi ng tulong dahil di naman ako makatayo dahil wala saaking yung tungkod ko, di din naman ako makasigaw dahil wala saakin yung tungkod ko, di din naman ako makasigaw dahil may panyong nakatali sa bunganga ko.

Maya-maya narinig kong bumukas yung pintuan. "Hi Aria Sy, remember me?" Tumingin ako sa lalakeng papalapit saakin. Di ko makita mukha niya pero nung inano niya yung kurtina (A/N: yung ginanern, basta ganern na yun) at nasinagan ng araw mukha niya, bigla akong nagulat. Siya! Siya yung lalakeng umaaway sakin kanina! Maya-maya tinanggal niya yung panyo na nasa bunganga ko kaya nag salita ako agad.

"Ikaw! Ikaw yung lalakeng umaway sakin kanina!" Sigaw ko, tumawa naman siya. Aba, nagpapatawa ba ako?

"Ako nga, buti nakilala mo agad ako" ngumisi siya.

"Ano ba atraso ko sainyo at kinidnap mo ko?!" Sigaw ko. Natawa siya uli. Ang seryoso ko dito tas tatawa tawa lang siya?

"Wala kang atraso sakin, si Aiden meron." Nagkasalubong yung dalwa kong kilay nung sinabi niya yun. Ano naman kasalanan ni Aiden dito?

"Ano ba atraso niya sayo?" Umupo siya sa harap ko.

"Mahal na mahal siya ng kapatid ko. Tapos nung umamin yung kapatid ko sakanya, tinanggihan siya ni Aiden. Ayun, kinabukasan nalaman ko na lang na nag laslas siya. Dinala namin siya sa ospital pero wala na talaga." Sabi niya habang sobrang seryoso ng mukha niya. Nakatingin lang siya sa isang sulok habang sinasabi niya yun.

"Dahil lang tinaggihan siya ni Aiden nagpakamatay na siya? Is she insane?"

"She is insane"

"Huh?"

"May sakit siya sa utak. In other words, baliw siya. Mahal na mahal namin siya kahit ganun siya. Inborn na kasi yong sakit niyang yun, pero tanggap na tanggap namin kung ano siya ngayon kasi kahit balibaliktarin pa ang mundo, kapatid ko pa rin siya, anak pa rin siya nila mama, pamilya pa din namin siya." Nanahimik na lang ako. I heard enough. Siguro kakamatay pa lang nung kapatid niya.

"Condolence." Tumingin siya sakin habang ngumiti ng sandali. Tumayo na siya at ginulo niya buhok ko at lumabas na siya sa kwarto kug san ako naroroon. Naaawa ako sakanya. Humiga na lang ako ng malalim.

Alam kong wala siyang gagawin sakin. Kaya kumalma na lang ako at sumandal sa pader. Hihintayin ko na lang sila na pumunta dito at sunduin ako.

~~~~

"Asan si Aria?!" Minulat ko mga mata ko nung may narinig akong sumigaw.

Pamilyar yun ah. Si Ethan ba yun?! Sinama sila ni Aiden dito?!

"Oh bat may kasama kayo Aiden? Duwag ba kayo?" Sabi ni Tomas.

"Diba hanap mo lang naman ay away? Tara." Boses yun ni Aiden ah. Pero kay Cadrn yun eh. Pero sa tono ng boses si Aiden yun. Gumalaw-galaw ako at bigla akong natumba. Sinubukan kong lumabas sa pintuan habang nag snesnake style. Bes lang ang peg ganern.

Naka labas na ako. Nasa second floor pala ako habang sila ay nag feface to face sa baba. Tinitingnan ko sila Ethan, ang seryoso ng mga mukha nila. Kasama ba si Aiden noon sa The Royals? Parang ang astig kasi kung kasama si Aiden.

"Oh ano? Magtititig---" bago pa man tapusin ni Tomas yung sasabihin niya ay sinuntok na siya sa mukha ni Aiden.

Marunong pala makipag away si Aiden, akala ko libro lang inaatupag niya lagi eh.

Marami yung kakampi ni Tomas habang sila Caden ay lilima lang, ang infair no? Kaya di malabong magkakapasa silang lahat, ayan na nga oh, may mga pasa na sila sa mukha. Pero nung nakita ko si Caden, parang wala lang sakanya, chill chill lang. Walang ka sugat sugat eh. Nakaka-aliw silang panoorin kaso kelangan ko na silang patigilin.

"Tama na!" Napatingin silang lahat saakin.

"Aria!" Sigaw ni Aiden at Caden ng sabay. Tataas na sana sa hagdan si Caden kaso maraming humarang sakanya kaya humanap siya ng ibang daanan, habang humahanap ng daanan si Caden sila Ethan yung nakikisuntukan dun sa humarang kay Caden. Tumaas si Caden sa may mga shoe rack at nakataas na siya. Inalis niya yung tali sa kamay at paa ko at dali-dali niya akong binuhat. Bigla na lang siyang tumakbo patungo dun sa bintanang naka bukas. Tumalon siya pababa. Di nakan masyadong mataas yung 2nd floor kaya kayang kaya etong talunin ng isang tao. Kung di lang sana ako pilay. Nako.

Nung nandito na kami sa may kotse, tinitingnan niya ako sa mga mata at inaayos niya buhok ko.

"Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong ni Caden.

"Okay lang.'

"Akala ko na iihi ka lang? Bat ka pumunta dun sa likod ng cafe? Halos matuluyan ng maging bakla si Aiden kakaalala sayo. Tsaka wala bang ginawa sayo si Tomas? Sabihin mo lang." sabi niya habang nakatingin lang siyang diretso sakin. Ang awkward naman.

"Sorry, nacucurious kang talaga ako kanina. Walang ginawa sakin si Tomas. Wag ka mag-alala, parang display lang ako dun. Tsaka salamat pala dahil sinagip mo nanaman ako." Ngumiti siya.

"Di ka na talaga hihiwalay sakin." Nag seryoso mukha niya.

"Sorry." Di nag tagal. Dumating na sila Aiden. Dumiretso agad sakin si Aiden.

"Okay ka lang? Wala bang ginawa si Tomas sayo?" Umiling lang ako habang nakangiti. Nag alala nga sila sakin. Hays naguiguilty ako. Napahinga siya ng malalim dahil sa relief nung umiling ako.

"Aria Sy! Nakakamiss ka." Sabi ni Jacob.

"Nga eh. Bat ka ba kasi lumipat?" Tanong ni Riley. Di nila alam na nakick out ako sa George High? Ang outdated nila.

"Haha. Basta. Secret na lang yun. Namiss din kita Jacob. Namiss ko kayong lahat na naandun." Sabi ko habang tinitingnan ko mukha ni Jacob at ni Riley.

"Hahahaha, bat parang nasa tabi mo lang ata si kamalasan at si kamatayan? Lagi kang pinagtutulungan nung dalwa eh"

"Ewan ko sainyo." Natawa sila.

"Tara na. Punta tayo sa Rest House nito ni Riley. Maganda dun." Yaya ni Caden.

"Naandun ba sila Mia? Teka pano ako makakalakad?" Tanong ko.

"Andun sila Mia. Kanina pang umaga. Wag ka mag alala, may wheelchair sa kotse ni Riley." sagot ni Noah

"Wag niyo sabihin na nakidnap ako, mag oover react nanaman kasi yun eh kaya please lang." pag mamakaawa ko sakanila. Nagkatinginan sila sandali at nag iwasan sila ng tingin.

"Okay fine whatever. Tara na." Sabi ni Riley at dumiretso naman suya sa montero niyang sasakyan, sumunod sila Aiden. Nagtaka naman ako nung di gumagalaw sa pagkakatayo si Caden kaya napatigin ako sakanya.

"Caden salamat uli ah." Sabi ko habang nakangiti. Hinalikan niya ako sa noo sunod sa ilong tas sunod sa labi.

"Walang anuman. Mahal na mahal kita Aria Sy." At naglakad na siya papunta sa kotse ni Riley habang karga karga pa din ako at pumasok.

Mahal ko na talaga siya..

I lose.

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now