Prologue

27K 585 80
                                    

Naglalakad ako sa park ng biglang masira yung takong ko.

"Ay bastos naman oh." Bulong ko sa sarili ko. Umupo ako sa pinaka malapit na bench at inalis yung sapatos ko. 

Bastos bat ngayon pa?

Napahinga ako ng malalim at inalis yung kabila ko pang sapatos. Pagabi naman na at wala ng masyadong tao. Nakakainis naman bat parang ang malas ko ngayon. Wag mo sabihin may mas malalang mangyayari pa sakin mamaya? KAMALASAN BAT AKO PA?!

Tumayo ako at kinuha ko yung sapatos ko at naglakad ng nakapaa. Di ko mapigilang mahiya dahil halos lahat ng taong nadadaanan ko nakatingin sakin.


"Konting kembot na lang Aria, malapit ka na sa sinilangan mo." Nag simula na akong tumakbo ng may nakita akong grupo ng lalaking naglalakad kaya napatago ako sa likod ng puno.

"Caden buti bumalik ka dito sa pinas. Akala ko ba dun ka na titira sa U.S." tanong ng isang lalake. Caden? Teka.. CADEN CASTRO?! Patay ka Aria. Mag tago-tago ka na.

"May kailangan akong gawin dito sa Pinas." Tumingin yung Caden sa bahay namin. H-hala kinakabahan ako.

"Revenge."

A/N
AKO NGA DAW KASI MAG AANO NG PROLOGUE KAYA here it is. 😊

My Ex's Revenge (Under Editing)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora