Chapter I

19.4K 453 33
                                    

ARIA SY :)

"Wag kang maingay Mia bwisit to, itikom mo nga bunganga mo. Marinig ka pa" Saway ko sakanya habang tinatakpan bunganga niya. Nandito kami ngayon sa canteen sa parteng patago. Inalis niya yung kamay ko sa may bunganga niya at tumayo siya sa kinauupuan niya

"P-pero totoong bumalik na si Caden? Hala bestie, patay ka. Tumago ka na. Alam kong lilipat yun dito sa school kasi, andito ka tsaka yung mga katropa niya. Di malabong mangyari yan." Napahinga naman ako ng malalim sa sinabi niya.

"Totoo ngang bumalik na siya, pakinggan mo lahat ng mga makakasalubong natin mamaya puro bukang bibig niyan yung pag balik ni Caden dito sa pinas. Tsaka malabong mangyari yan! Tingnan mo oh, November 29 na. Di na tumatanggap ng mga transferees tong school na to pag sapit ng October pa lang. shonga ka ba?" Napahilamos siya sa mukha niya habang ako patuloy pa din sa pagkain.

"Ikaw ang shonga Aria! Alam mo naman kung gano kayaman at gano kaimpluwensiya yang pamilya niya. They can do anything they want. Jusko bestie." Napaface palm siya at nagpatuloy sa pag kain. May point siya pero think positive Aria, di yan lilipat dito. Nanahimik na lang kaming dalwa.

I'm Aria Sy, 15 years old, an ordinary girl, nasira na lang ang pagka ordinary girl ko nung dumating si Caden sa buhay ko, ginulo niya buhay ko. Ang pagiging ordinaryo ko naging mas mataas ang ranggo ko dito. Kunbaga ako ang Queen ng school. At di kayo nag kakamali, siya ang King.

Sa school na to kailangan pumili ng Queen ang King ng school, sa kasamaang palad, ako ang karelasyon niya nung time na yun kaya ako ang pinili niya. 

Akala niyo madali lang maging Queen ng school? No.

Halos karamihan tumanggi na ako ang gawin na Queen, halos reklamo narinig ko sa tenga ko nung pinili niya akong maging Queen, tsaka inaabuso nila ako lagi nila akong inaapi lalo na yung mga admirers netong Caden. Jusko, sila ang nangunguna sa pang aapi sakin mapa-pisikal man o emosyonal.

Kaya para tumigil na sila sa pang aapi saakin ay gumawa ako ng paraan para lumayo siya sakin. Sinabi ko na may sakit ako at may taning na buhay ko. Nung narinig niya yun, brineakan niya ako. Natuwa ako pero nakonsensiya ako dahil, dahil dun di ko namalayan na sobra ko pala siyang nasaktan at pumunta siya sa ibang bansa, at nang dahil din dun maslalong dumami bashers ko (famous ako eh may bashers).

Pero di pa din naaalis ang pagiging Queen ko, dahil may pumalit sa pwesto ni Caden at yung katropa niya yun na si Ethan Chua, mag bestfriend ang tingin namin sa isa't isa pero "more than that" ang tingin nila samin, akala nila kami na daw pero hindi naman talaga, wala kaming balak lumagpas sa pagiging mag bestfriend. Alam niya ang dahilan kung bakit ko brineakan si Caden at dahil mabait siya di niya iyon sinasabi kay Caden. Ayokong malaman iyon ni Caden.. Nakita ko ng magalit si Caden, sobrang nakakatakot kaya mas maganda ng itago ko muna yung dahilan.

"Tara na nga sa classroom." Di ko namalayan na tapos na pala kaming kumain, kaya tumayo na lang ako at sumunod sakanya.

Siya si Mia de la Cruz. Eto yung kaibigan kong kasama ko simula nung bata pa lang kami hanggang ngayon. Nakakatuwang isipin dahil lagi lang siyang nasa tabi ko. Mahal na mahal ko siya kahit ang tanga. Tanga neto minsan, siya yung tipong nakakita lang ng gwapo crush agad, ako naman tong nagrereto sakanya. Makalokohan tong gaga na to pero maganda ito at matalino.

Sa mangyayaring botohan sa magiging Princess and Prince dito sa university siya agad ang pambato ko. Ang role ng Princess at Prince sa university ay sila yung tatayong secretary naming dalwa ni Ethan. Malapit naman na oh. December 1 mangyayari yung votation.

Nagulat na lang ako ng may bumangga sakin at nagulat ako na nandito na siya, nakatransfer na siya.

Nagulat na lang ako dahil na buhusan ako ng malamig na juice. Hindi mali, Binuhusan ako.. Napatingin sa direksyon ko si Mia at pinagtitinginan kami ng mga tao sa paligid namin, tumakbo si Mia sa tabi ko at hinawakan braso ko. Namumula na ako sa galit ngayon at maya-maya, sasabog na ako. Kahit siya ang kailangan kong takbuhan at katakutan ngayon, nawala iyon dahil ipinahiya niya ako sa madaming tao.

Tumawa siya sa ginawa niya saakin, nakita ko si Ethan sa tabi niya at hinihiling ko na sana hindi na hindi niya sinabi yung totoong dahilan kay Caden, ayos lang na kampihan niya si Caden pero sana naman ay di niya sinabi. Ngunit nakaramdam din ako ng galit noong tinitigan lang ako ni Ethan na para bang wala siyang pakialam saakin at sa ginawa ni Caden saakin kaya nakaramdaman din ako ng tampo sakanya. Nabuo na sila ulit...The Royals, they're back.

"Opps.. sorry, di ko nakitang may dumadaan. Ang liit kasi eh." Sabi niya, kinuha ko yung plastic na baso sa kamay niya at nilagyan yun ng tubig sa faucet at binuhos sakanya.

"Alam mo? Pusang gala ka! Bakit ka ba nagtanim ng sama ng loob saakin!" Nakita ko sa mga mata niya ang galit kaya nilagyan niya ng tubig yung plastic na baso tsaka binuhos sakin simula sa ulo. Nilalamig na ako pero ayokong urungan to, sino pa bang di mabwibwisit sa ginawa niya.

"Wag ka ng magpatay malisya Aria Sy. You lied to me! Pinaniwala mo ako sa sabi mong may sakit ka tsaka may taning na buhay mo at aba, nakuha mo pang umiyak." Kinuha ko yung plastic na baso at tinapon iyon, kumuha ako ng lupa. Pumitas ako ng rosas at pinayid ko sa mukha niya at sa uniporme niya ang lupa na nasa kamay ko at binigay sakanya ang rosas.

"Ayan mukha ka ng hampas lupa, ay teka. Hampas lupa ka na noon pa, ang selfish mo masyado, sarili mo lang ang parati mong iniisip! Sana inalaman mo na muna yung dahilan ko bago ka nagtanim ng galit sakin, BOBO!" Diniinan ko yung pagkasabi ko ng bobo at hinatak ko na paalis doon si Mia. Habang naglalakad kami papalayo, kinain na ako ng kaba dahil sa ginawa ko.

Shonga ka Aria. Shonga shonga shonga.

A/N

Jemina_minseok here! What do you think? Wahahaha

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now