Chapter XVIII

8K 213 9
                                    

Aria Sy :)

"Ang malas mo best." Nandito ako sa kwarto namin ni Caden, nakahiga sa kama namin. Ehem. KO pala KO.

"Oo na lang." Dumapa ako at sinubsob mukha ko sa unan ko.

"Craving for something best? Bibili ako." Tanong niya saakin ngunit umiling ako.

"Okay lang ako, you should join them there. Just call me kung kakain na ng tanghalian." Sabi ko.

"Okay best. Call me kung may kelangan ka. May napk---"

"Meron na! Geez."

"Sino bumili?" Tanong niya. Sasabihin ko ba yung katotohanan? Oh well,

"Caden."

"OMAYGAD!"

"Layas."

"Best naman..." Tiningnan ko siya.

"Sige na Mia. I'm fine." Nginitian ko siya para matauhan na siya. Huminga siya ng malalim.

"Sige. Just call me ha?" Tumayo na siya at umalis. Nakahinga na ako ng maayos. Maya-maya may pumasok.

"Caden? Bakit nandito ka?" Umupo siya sa tabi ko.

"Do you need something?" Napakamot naman ako sa batok. Trinatrato nila akong buntis eh. Period lang to.

"Ano ba! Grabe kayo, trinatrato niyo kong parang buntis. Period lang to, keri ko to." Nagtakip ako ng unan at nanahimik.

"Mahal."

"Mahal."

"Mahal!"

Inalis ko yung unan na nakatakip sa mukha ko. "Ang ingay mo! Ano ba yan!"

"Tinatawag kita eh. Di mo ko pinapansin." Sabi niya.

"Aria pangalan ko. Aria Sy, Caden." Sabi ko.

"May sasabihin lang ako then I'll leave." Sabi niya, kaya umupo na lang ako.

"Ano ba yun?" Tanong ko.

"About tonight's event." Nanlaki mata ko.

"Anong event?!"

"Well this is one of the Chua's property right? They've prepared an event for us. Neither Ethan didn't know about this event." Tiningnan ko. Hala? Seriously?!

"Edi sino nag plano netong event na to? Tsaka anong klaseng event?" Tanong ko. Tiningnan niya ako at umiwas. Ay sungit.

"His dad did. Isasabay na natin dito yung exchange of gifts."

"Teka, anong klaseng event ba?" Tanong ko. Napakamot siya.

"Ball."

"Again?!" Napahilamos siya ng mukha.

"Oo, no worries. Hindi naman siya pagandahan, simple dress will do." Napahinga naman ako ng malalim.

"Wala.akong.bestidang.dala." Humiga siya sa tabi ko at saglit kaming natahimik.

"Tara, I'll buy you a dress. I'll pay." Tumingin ako sakanya.

"Nakakahiya. Wag na." Nginitian ko siya.

"Wag ka na mahiya, tara na. Last ko na to, then I'll continue my revenge." Teka, akala ko nag rerevenge na siya? Hindi ba to kasama sa revenge niya?

"Akala ko nag rerevenge ka na? Diba sweet rev---"

"Akala mo lang yun. Wear my jacket, ayokong mabastos ka sa mall, I'll wait for you outside." Tumayo na siya at tumingin siya sakin. "I'll make you mine again." Dumiretso na siya sa labas at sinarado yung pintuan.

My Ex's Revenge (Under Editing)Where stories live. Discover now