Chapter IV

11.6K 317 16
                                    

Aria Sy :)

"Tantanan niyo na nga ako pwede ba?!" Napasigaw ako at nagulat naman sila. Ano to acting-actingan? Don't me. Alam kong parte to ng plano niyo. Naka upo ako ngayon sa sofa na pang isahan lang at nasa harap ko si Caden, nakaupo siya sa sahig habang pinagmamasdan pag mumukha ko, habang sila nakaupo dun sa mahabang sofa.

"Hala? Wala naman kaming gagawin sayong masama. Dito ka lang naman kakain ng tanghalian." Sabi ni Jacob. Jacob Hare buo niyang pangalan, gwapo, siya ang pinakamakulit sakanilang tropa, pero may tinatago din etong kabaitan sa katawan niya kaso sobrang nakatago eh kaya di namin makita :), maimpluwensiya din ang pamilya niya. Kumbaga mayaman sila, lahat naman sila mayaman eh. Pero ang pinakamayaman at maimpluwensiya ay yung pamilya ni Caden.

"Ayoko baka may lason pa yang ipakain niyo sakin." Pagtataray ko.

"Ano tingin mo samin, mamamatay tao?" Tanong ni Riley. Riley Louise naman buong pangalan neto. Eto yung madaling maasar sakanilang tropa, pero eto yung pumapangalwa sa katalinuhan ni Caden. Mabait din to kaso nakatago talaga masyado sa katawan niya, di ko makita :)

"Oo." Matipid kong sagot at tinarayan niya naman ako. Kung ipagkukumpara mo kaming dalawa kung sino mas mataray. Siya malamang, talo niya pa ang babae mag taray eh.

"Manang, yung pagkain nito ni Aria paki lagay na sa mesa. Aria, kain ka na. Wala yang lason." Sabi ni Noah. Noah Fred, siya ang pinaka mabait at pinaka gentleman sakanilang lahat. Sana siya na lang yung naging boyfriend ko, hindi na tong si Caden. Charot -_- seryosohin niyo ah? Masaya yan -_-. Sumunod na lang ako at dumiretso sa mesa kung san nilapag yung pagkain ko. Wala din naman akong magawa kasi pipilitin lang nila ako hanggang mamaya. Tiningnan ko yung pagkain na para sakin daw..

Holy Aria Sy!

Pati ba naman paborito kong pagkain alam nila?!

Oo nga pala, dati ko silang kaibigan.

Nasira lang dahil nakipagbreak ako ki Caden.

Pero, bakit nila ko ginaganito? Akala ko yung revenge na sinabi ni Caden, yung mapapatago na lang ako sa itaas ng puno pero parang iba yung ginagawa niya eh.

Is this what you called a "sweet revenge"?

~~~~~~

Uwian na at hinihintay ko si Mia dito sa quadrangle. Buti nga di ako sinundan ni Caden, nauna na eh.

Rule 345 chapter 40- The King and Queen should always be together.

Paki ko jan sa rule na yan, bwisit. Umupo ako sa bench at tumingin sa langit, malapit na pala mag alas-sais kaya medyo dumidilim na, tiningnan ko yung relo ko at nakita kong 5:45 na. Edi 45 minutes na akong naghihintay kay Mia? San na ba yang gagang yan, naloloka na ako dito kakahintay. Hindi ko naman matextan kasi kakaexpire pa lang ng load ko kani-kanina lang. Napapikit ako ng mata at huminga ng malalim. Aria be careful..

Right! Kailangan kong mag ingat. 

Maya-maya, may nag text sa cp ko kaya kinuha ko yung cp ko sa bulsa ko.

From: Miayayayaya💩
To: ARIA DA DYOSUGH❤️

Bestie, nauna na ako kasabay ko yung bagong Prince, si Ethan. Ay teka, alam kong di mo pa alam kung sino nanalo sa bagong Princess at Prince, alam ko kasing ninakaw ka ni Caden eh tas dinala kung saan-saan bwahahaha mwa bestie. Kasi ganito yan, actually si Caden ang Prince pero nakipag change place si Ethan sakanya, eto namang si Caden laki ng ngiti, ay sorry, ngisi pala. Mukhang planado to bestie ingat ka. Tsaka ako pala ang NEW PRINCESS OF GEORGE HIGH ❤️ Imbitado ka dito sa bahay ko mamayang 8, may maliit na celebration na mangyayari mamaya, saturday naman bukas eh. Tsaka wag kang mag alala pumayag naman na sina mama't papa mo pinaalam na kita kanila tito. Susunduin ka ng driver ko at exactly 8 ha? Be prepared na mwa. ❤️

From: ARIA DA DYOSUGH
To: Miayayayaya💩

Kasama ang TheRoyals?
(Failed)

Kabastusan ng mundo.

Napahinga na lang ako ng malalim at ilang sandali ay napatayo ako at nagsimulang nag panic.

Oi oi oi halaa, ang layo-layo pa naman ng bahay ko dito sa school, letse naman oh. Wala nang tricycle papunta dun samin huhuhu. Maglalakad ka Aria. Sa ayaw at sa gusto mo. 

Nag simula na akong mag lakad

~~~~~

Malapit na ako sa bahay konting kembot na lang.

From: ARIA DA DYOSUGH❤️
To: Miayayayaya💩

Gaga!
(Failed)
I hate you
(Failed)
Paasa ka!
(Failed)
Tinuring pa naman kitang bestfriend..
(Failed)
Tas gaganunin mo lang ako? Alam mo bang halos amagin na ako kakahintay doon tapos magtetext ka na hindi ka makakapunta?
(Failed)
Pakyu ka, ampanget mong bruha ka. Mamatay na u :(
(Sent)

Ay po--

From: Miayayayaya💩
To: ARIA DA DYOSUGH❤️

Ano yun bestie? :>

From: ARIA DA DYOSUGH❤️
To: Miayayayaya💩

ANG GANDA MO MWA.

In-off ko na yung cp ko at nag focus na lang sa daanan. Para na akong zombie dito na nag lalakad, pano ba naman eh halos 1k nilakad ko eh IKAW BA NAMAN MAGLAKAD NG GANYAN KA LAYO. Huhuhu fats ko, okay ka pa ba jan?

"Hoyyy mahal!" Nagulat ako ng may sumigaw sa likod ko. HALAAAAA! Napatakbo na lang ako. Pero sa bilis niyang tumakbo at dahil wasted na ako, nahabol niya ako. Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin mula sa likod.. "Iiwan mo nanaman ako?"

Bumilis tibok ng puso ko ngunit umangal naman isip ko.

"Bakit mo ko niyayakap!?" Sigaw ko sakanya, kumawala ako sa yakap niya saakin at tumalikod ako upang makita ko pag mumukha nito. Nakangiti siya, yung ngiting nakakatunaw.

"Masama na bang yakapin ang mahal ko?" Sabi nito at nagkunot noo naman ako.

"Mahal? Sinong mahal? Hindi kita kilala! Pwe." Nag walk out ako.

"Ang sakit naman nun mahal!" Sigaw niya sa likod. Wala ba tong magawa sa buhay niya?! Kainis. "Kitakits sa party mamaya. Sana mag mukhang tao ka naman dun!" Sigaw niya sa likod at napatalikod ako nakita ko siyang tumatakbo na papalayo.

"GAGA KA! WAG KANG MAGPAPAKITA SAKIN MAMAYA!" Napasigaw ako at dinalian ko na ang pag lalakad ko patungo sa bahay namin habang nakabusangot. Sira na nga ang araw ko, sisirain mo pa.

A/N

Jemina heree

My Ex's Revenge (Under Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon