I sighed. Kinabahan agad ako pero umupo nalang sa tabi nila Mommy.

"How are you, Zell?" Si Papa.

"I'm fine..." Sagot ko lang at pinaglaruan ang pagkain gamit ang tinidor.

Hindi ko alam na may pagkain na pala sa plato ko at bigla akong nawalan ng gana.

"Ohh, stop playing with your food," suway ni Lolo sa 'kin.

Itinigil ko ang ginagawa ko at bumuntong hininga. Pinilit kong kumain at hindi na sila pinansin. Ano bang ginagawa nila rito? Ngayon lang talaga sila bumisita at hindi ako nakaramdam man lang ng excitement dahil sa wakas ay nandito sila.

"What are you doing here?" Malamig na tanong ko habang kumakain.

Tumikhim si Daddy.

"Uhm." Lolo cleared his throat. "I want you to date Mr. Gibrel's son," diretso niya kaya nanlaki ang mga mata ko.

What?!

"Pa... is it too early?" Mahinang sabi ni Mama.

"She's 17 and when her debut party comes, we'll announce her engagement with Mr. Gibrel's son."

Kinuyom ko ang mga kamay ko. Bakit? Bakit sila nandito? Nandito lang ba sila dahil may kailangan sila sa 'kin? And what? Engagement?

Kung makapagsabi sila na ide-date ko ang anak ng kilala nila ay parang gano'n lang kadali, ah? Tapos ngayon engagement?

"Yvo Gibrel is a good man. I'm sure you will like him. Magkasing edad lang kayo-"

"Are you here to talk about that shit?" Hindi ko mapigilan ang mainis!

Nakakasama ng loob! Nandito sila dahil may kailangan sila! Kailangan lang nila ako para sa kanilang business o kung ano dyan. Hindi bilang anak. At sa tingin nila gano'n nalang kadali 'yon, na itatali sa hindi ko naman gusto?

"Stawnzell!" Suway ni Mommy.

"What, Mom?" Inis kong binalingan ng tingin si Mommy.

"For Pete's sake, Zell, please do something about your family! Do something that can make us proud!" Si Lolo.

Tahimik lamang ang mga magulang ko. Alam ko kahit na anong gawin o sabihin ni Lolo ay hindi ako papayag sa gusto nilang mangyari. May sarili akong desisyon.

Bumuntong hininga ako at tinignan si Dean Stewart habang nakaka-kunot ang noo. I gritted my teeth.

"Mr. Gibrel is our business partner. You have to marry his son as soon as possible, Zell. I'm being straightforward here-"

"No." Matigas kong sabi. "Why me? Bakit hindi si Ate Staynzell?" I'm referring to my sister. Nasa ibang bansa siya. "Sa tingin niyo ba gano'n lang kadali 'yon?"

"Bakit ang Ate mo pa? She's doing great in New York kaya hindi namin siya papake-alaman," ani Lolo. Mas lalo akong nainis sa mga sinasabi niya.

"Sinasabi nkyo na hindi ko pinagbubutihan ang pag-aaral ko rito? Is that what you wanna say? Na kaya niyo ako nirereto sa iba dahil hindi ko pinapabuti ang pag-aaral ko? Na kaya ako 'yong binibigay niyo sa iba dahil wala akong ibubuga?" Hindi ko napigilan ang panggigilid ng mga luha ko.

"Yes." Sagot ni Lolo.

Tahimik pa rin ang mga magulang ko. Bakit? Bakit hindi nila ako ipagtanggol? Sabagay, dapat masanay na ako. Ang dami nila pero pakiramdam ko hindi pamilya.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko. Akala ko nandito sila para kamustahin ako. Akala ko nandito sila dahil gusto nila akong makita. Akala ko... 'Yon pala binibigay nila ako sa iba. Ni hindi nga nila ako tinuring na parang anak tapos eto pa ang gagawin nila sa 'kin? Ipapakasal sa iba? Bakit hindi nila ako hayaang mapunta sa kung sino man ang mamahalin ko?

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now