I sighed heavily and calmed the loud beating of my heart. Inalis ko lahat nang 'yon. Wala akong pake alam. Wala na akong pake alam kung ano man ang sasabihin ng ibang tao. Bahala sila basta ang totoo, wala kaming relasyon ni Zae!

Tahimik lang ako hanggang maka-abot kami sa school. Lunch time na at hindi ko alam kung bakit pa kami pinabili ng meryenda gayong lunch time naman. Parang joke 'to si Ma'am.

Bumaba agad ako ng sasakyan at dire-diretsong pumasok ng building. Wala akong pinapakitang ekpresyon sa mukha habang naglalakad ako patungong hall. Maraming nakatingin na mga estudyante sa 'kin at alam ko na kung bakit. Sinabayan pa 'yon ng bulong pero agad na tumahimik ang lahat habang nakatingin sa likod ko.

I almost rolled my eyes. Zae. Bakit ba kasi parang baliw ang mga 'to sa kaniya? Narinig ko ang yapak ng sapatos niya kaya napalingon agad ako roon. Seryoso pa rin siyang nakatingin sa 'kin habang nakapamulsang naglalakad. Nagsalubong ang mga kilay ko at hindi na napigilang inirapan siya.

Tumatahimik lahat ng mga estudyanteng nadadaanan namin pero naririnig ko agad ang mga bulungan nila tuwing malalagpasan na namin sila.

"They look good together pero ayokong magka girlfriend si Zae.."

"Omygosh!"

"How?"

"I still can't believe that they're together na..."

"Totoo daw ba 'yon?! Sila na? Ang bilis ha!"

"Ang guwapo talaga ni Zae..."

"Mine."

Napabuntong hininga ako sa mga bulungan nila. Hindi pa rin ako nagsasalita. Pagkarating namin sa hall ay agad napatingin sa 'min ang lahat. Para akong nabunutan ng tinik dahil wala duon si Ma'am V pero agad din nagsisi kung bakit pa bumalik dito dahil sa mga tingin nila.

"Axiesse!" Salubong sa 'kin ni Sasha. Nasa likod niya sina Yumie, Zell, Arjie, at Cherwin na parehong nakangiti.

Nakita kong sinalubong rin si Zae nina Wayne, Klenth, at Marx. May mga sinabi sila sa kaibigan bago lumabas ng hall.

"Omygod! Kayo na ni Zae!?"

"Seeesh! Axiesse! Kailan lang?"

"Nag I love you ka na ba sa kaniya?"

"Nag kiss na ba kayo for the second time? Kailan? Kanina? Kahapon? Saan?"

"Teka nga!" Inis na sabi ko sabay pigil sa kanila habang ang dalawang palad ko ay nasa ere na. "Una sa lahat, hindi kami ni Zae," Sabi ko at bumuntong hininga. Ayoko nang magpaligoy-ligoy pa eh totoo naman.

"WEH? Wag ka ngang mag deny!" Si Sasha. "Kinakahiya mo ba ang isang Zae Maximo?!"

"Oo nga! Kitang kita na nga eh!" Si Yumie.

"Congrats..." Sabi lang ni Zell at ngumiti ng tipid.

"Harujusko naman oh! Umamin ka na kasi Axiesse!" Si Cherwin. "Ano na? Share naman dyan kung paano kayo nag-umpisa!"

"Oo nga! Naku kinikilig 'yan eh!" Sabi naman ni Arjie. "I can't believe it! Ang bilis! Nakuha mo agad ang hari! Natikman mo na rin ba ang ar-"

"Hindi nga kami sabi! Tssh-" Matalim kong tiningnan si Cherwin. Ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko. What was that!?

Rinig ko ang tawa ni Yumie at Sasha. Si Cherwin naman ay napahampas kay Arjie.

"Eh bakit kayo magkahawak kamay? Bakit siya nakaakbay sa 'yo? Bakit hinihila mo sjya habang siya naman ay ang ganda ganda ng ngiti?" Ani Cherwin na para bang nandoon din siya kanina sa mall.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now