28

1.5K 26 2
                                    

UNEDITED PEEPS.

DUMADAMI READS KONTI NG VOTES. >.>

KAYA VOTE!!!

************************************************************

Pandora's POV

"Girl! Pakatatag ka. Alam mo naman na wala si Liah." pag-aamo ko kay Maxine. Andoon siya sa Japan ngayon at stress na stress na kay Celine. Pinipiga kasi siyang magpasa ng mga bagong designs. Wala sa forte ni Celine yun hanggang marketing and sales strategy lang talaga siya.

"Bakla!!! Ayoko na. Gusto ko ng umuwi. Alam mo naman na stick drawing lang kaya ko." muling hagulgol pa nito.

"Ang chaka neto! Isipin mo nalang teh pianghirapan nating tatlo na makarating tayo diyan. Ako ng bahala sa mga proposal mo." kumbinsi ko pa sa kanya.

"Maxine!"

"Max!"

"Oi babaita!"

Tut.. tut.. tut..

Abat ang impakta pinagbagsakan ako ng phone. Napa 360 tuloy ang mga eyeballs ko.

Hindi pa ako nakapag move on stress ko kay Maxine ay syang pag dating nitong secretary kong si Yanyan.

"Madam! Kaloka!" humahangos siya papalapit sa mesa ko. Tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Madam! Bad news! Wag sana masira ang beauty mo." tuloy pa nito.

"Diretchahin mo ako bakla! Wala ako sa mood baka hindi kita matantsa at saksakit kita ng titi sa lalamunan mo!" gigil ko sa kanya.

Kunwaring lumunok pa habang hinimashimas ang leeg niya. "Ano?!" bulyaw ko.

"Eto na nga madam! Dumating na ang mga monthly reports." iniabot niya sa akin ang isang makapal na folder.

Nakakapanlambot ang mga numbers na nakikita ko. Bumagsak ng 50 ang income ng Lush for the past 3 months. Ganun kabilis? Napahawak nalang ako sa matambok kong noo.

"Paano nangyari ito?" tanong ko sa kanya."Imbestigahan niyo nga."

"Naisip ko na yan bago ko pa ibigay ang reports sayo, madam!" abat nag-iisip ang baklang to ah.

"Ayun na nga. Meron bagong labas na clothing line at dinudumog ito. Magaganda ang designs nila madam." iniabot niya sa akin ang ipad at ipinakita ang mga designs.

"Sharene's" basa ko sa pangalan ng brand.

"Yes, madam! Anak yan ng isa sa mga mayayamang negosyante dito da Pilipinas. Unica Hija siya. Nakipag collab siya kay Liz Uy kaya mabilis pumalo ang benta nila." kung retoke lang pati ang mukha ko ay nadeform na ang mga collagen at silicon sa fez ko. Kaloka! Collab with Liz?

Hindi pa man kami tapos mag-usap ay nagring na ang phone ko. Guess who? Yes ang mahaderang si Celine. Ilang linggo na niya kaming inisstress ni Max dahil nga sa pagbagsak ng benta.

"Hello" sagot ko.

"50% depreciation? This is too much Pandy!" sigaw niya sa kabilang linya. Kaya inilayo ko sa tainga ko ang phone baka lumabas pa ang mga tutuli ko. My Goodness!

"Nakakuha na ako ng report. I'll forward an e-mail." mahinahong sagot ko kahit pa gusto ko na talaga siyang bulyawan at sabunutan.

Drunken Lady (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon