16

2.1K 29 3
                                    

I talked to Celine ng malaman kong magi-stay pa si Ian dito para itrain si Sharene. Hindi ako makakapayag na maiwan silang dalawa dito. So I decided to train Sharene myself.

Nagstart din ang pag-iwas sa akin ni Ian. Biglang naging mailap na siya. Kahit magkasama na kami sa iisang bubong sa office na kami madalas magkita. Inaabot na ako ng umaga pero parang hindi man lang siya umuuwi.

Naging madalas ang pagsama niya kay Sharene. I cannot question him. Wala naman namamagitan samin. It's all my fault. Ako lang naman ang nagbigay ng kahulugan sa mga pinapakita niya sakin. Bestbud lang kami. That's it.

I never felt this need in my entire life. Kahit sa dad at mom ko hindi ko sila hinanap ng ganito. To think isang buwan ko palang nakakasama si Ian.

I sighed. I am not giving up without a goddamn fight. Sabi nga nila know your enemies before you attack. Kaya sinearch ko ang tungkol kay Sharene.

She was branded as the playgirl of the Century sa isang business magazine. Maliban doon wala ng masamang nasabi tungkol sa kanya.

Siya ang unica hija ng kilalang pamilya dito sa Japan. They own chains of construction firms here and in Phi. In short they're filthy rich. Sila din ang sole construction company na naghandle sa lahat ng mga buildings nila Ian. No wonder kaya sila nagkakilala.

Meron pang isang construction firm na pag mamay-ari ng mga Miyagi na share holder din ang dad ni Ian.

Wala akong panama sa yaman nila. I search more of her pictures on facebook ayoko siyang ifollow sa IG. Ano siya artista. I have never been this insecure in my entire life.

Everyday, she's posting her OOTD's. And napakalayo ng fashion statement niya sakin. She's branded by LV, Gucci, Givenchy and all the expensive clothing line you can tell.

Napapalunok nalang ako. My most expensive shoes cost 10 thousand na 10 times mas mura sa suot niyang damit. She's simply incomparable. Sa ganda lang ako lumelevel sa kanya.

But we're different, she's more asian tulad ni Christian and ako Latina beauty ako. Kung titignan mas bagay sila ni Ian. I sighed in frustration. Pero atleast dapat hindi ako magmukhang dukha sa paningin ni Ian. I decided to take a break today and go shopping.

Bilang isang designer, hindi ako dapat nagiging simple. I should be a model of my own clothing.

Nakakalula ang mga presyo sa Gucci and LV, darn! Mauubos savings ko dito. Kaya imbes na mamili ng damit I decided to buy new shoes nalang much sensible pa. Bumili ako ng 5 pairs which cost almost 50 thousand or more each.

Nakakalurkie! Ang bigat sa bulsa teh! Para kay Ian. I want to look more beautiful in his eyes. Kaya napangiti narin ako and kahit napagastos ako nakakagaan talaga ng pakiramdam at nakakatanggal ng stress ang pagsashopping.

The next day meron kaming lunch meeting nina Ian at Sharene sa Shinjuku at Girandole a french restaurant. It's a meeting requested by herself. Meron daw siyang proposal. Ang tigas ng mukha! Kakarating mo palang teh! Proposal na kaagad. Nangigil tuloy ako lalo.

But I can't let hell break loose. This is where the war starts. And I will not come lame. I've prepared extra bullets for her.

Drunken Lady (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon