'Ano pong nangyari?' Tanong ko.

'Hindi ko rin alam pero baka dahil sa pagsabog iyon. Baka nabulabog ang mga spirit na iyon.' Sagot niya.

Sa pag alis ng mga Devourer bat ay lumabas ang isang nakakasilaw ma liwanag.

'Master! Nasa dulo na tayo !' Sabi ko.

Nagmadali akong tumakbo doon at namangha ako sa aking nakita!

Napakaganda ng lugar na aking nakikita. Sa loob pala ng kwebang ito ay may ganitong uri ng lugar.

Sa itaas ng kweba ay may butas at doon mo makikita ang langit. Ibig sabihin, ang malaking butas na ito ay isang daan palabas ng kweba pero masyadong mataas ito. Sa malaking butas na ito, dumadaloy ang tubig. Lumikha ito ng isang talon mula sa labas ng kweba papasok dito.

Sa pagbagsak ng tubig sa loob ng kweba, nakagawa ito ng maliit na sapa. Sa paligid ng sapang ito ay napapaligiran ng kaunting puno't mga halaman at damo. Nakakagala din ang mga Spirit Monsters dito sa loob ng kwebang ito.

Napakaganda ng lugar na ito na naging dahilan sa hindi ko pagrinig sa mga sinasabi ni Val.

'Hoy Kid! Nakikinig ka ba sa akin? Ang sabi ko, pumunta ka sa tayo ngayon sa ilog. May kukunin tayo.' Sabi niya.

'Ano po iyon?'

'Basta. Pero matutulungan ka ng lugar na ito sa pagpapalakas. Pati na rin sa kung ano ang nasa gitna ng ilog na iyon' sabi niya.

'ano po ba ang lugar na ito Master? Paano nyo rin nalaman ang kung anong bagay ang mayroon sa ilog na iyon?' Tanong ko sa kanya.

'Matagal nang panahon ang nakalipas nang nakarating ako dito sa lugar na ito. Isa ito sa mga tinatagong yaman ng mundo natin. Pati na rin ang mundo ng mga Spirits. Ang tawag dito ay 'Paradise'. Ito ang lugar kung saan malayang nakakagalaw ang mga Spirit. Walang gumagambala sa lugar na ito sa napakahabang panahon kung kaya't huwag ka nang magugulat kung nakakita ka ng mga 10,000 o kaya 50,000 year Spirit Beasts ha!' Sabi niya.

'T-teka,10,000? 50,000?! Grabe!! Malalakas ang mga Monsters na iyon!'

'Huwag kang mag alala. Hanggat hindi mo sila ginagalaw, hindi ka nila susugurin.' Sabi niya.

Pumunta na kami sa ilog nang makasalubong ako ng isang napakaganda at isang Rare na Spirit.

'Master Val! Isang Rainbow Pegasus!' Sabi ko.

Napatingin siya sa pwesto ng Spirit at nagulat sa nakita.

'Oo nga! Isang Rainbow Pegasus!' Sabi niya.

Lumapit ako ng kaunti para makita ito ng malapitan.

Agad kong nakita na mayroon itong tatlong kulay sa kanyang buhok sa buntot. Kulay pula, asul at dilaw.

Agad kong naalala ang aking nabasa tungkol sa spirit na ito.

Sa buong mundo, minsan lang sa iyong buhay ang makakakita o makakaharap ng isang rare Spirit. Kung kaya't maraming mga Spirit Bearer ang sumusugal kapag nakakakita sila ng isang Rare Spirit.

Papakawalan nila ang dati nilang spirit at kukunin ang Rare Spirit na ito.

Ayon kasi sa aking nabasa, ang bawat Spirit Bearer ay may kakayahang makakuha ng 1 hanggang 2 Spirits na kaya nilang makuha. Ngunit ang pagkontrol sa dalawang Spirit ay hindi madali. Mahirap ang kumontrol ng dalawang Spirit lalo na kung magkaiba sila ng Types.

Ang Type ang tawag sa kung anong uri ng Spirit ang iyong makikita. Ang mga pangunahing Types ng Spirit ay Fire, Earth, Water, Wind, Beast, Dark at Light Types.

Ang Fire ay may malakas at mabilis na mga atake ngunit mababa ang depensa nito kumpara sa iba. Karamihan sa mga Fire Type Spirit ay nasa loob ng mga Bulkan o di kaya ay nasa gubat.

Ang Earth Type Spirits naman ay may Mataas na depensa pero medyo mababa ang Atake at ang bilis ng mga ito. Karamihan sa kanila ay nakakalat sa mga kweba at bundok.

Ang Water Type Spirits ay may katamtamang Atake ,Bilis at Depensa. Tinatawag din silang 'Healers' o kaya 'Supports' dahil mayroon silang kakayahang magpagaling ng mga sugat.

Wind Type Spirits naman ay may kakayahang lumipad. Sa apat na ito, siya ang pinakamabilis ngunit mababa ang atake at dipensa.

Ang Dark at Light Type Spirits ay mga Rare na Spirits. Mayroon silang mataas na Atake, Dipensa at Bilis. Kung kaya't matami ang naghahangad sa mga Spirit na ito.

At isa na nga sa mga Light Type Spirits ay itong Rainbow Pegasus.

Sa aking pagkakaalala rin, ang bilang ng kulay sa buntot ng isang Rainbow Pegasus ang magsasabi kung ilang taon na ito.

At base na aking nakita, nasa 30,000 years na ang iaang ito. Sa dulo ng kanyang buntot ay naglalabas na ng kaunting kulay Ube. Ibig sabihin ay malapit na itong maging 40,000 years!

'Master Val! Pwede ko bang makuha ang Spirit na iyon!?' Tanong ko kaagad sa kanya.

'Hindi ko alam Kid kung kakayanin mo ang isang yan. Nasa rurok na siya ng 30,000 years At sa tingin ko ay hindi ka niya papayagan.' Sabi niya.

'Paano nyo po nasabing hindi niya ako papayagan na maging Spirit ko siya?' Sabi ko.

'Ang mga Rainbow Pegasus ang pumipili ng kanilang magiging Bearer.' Sabi niya. 'Kung gusto ka niya, dapat ay nilapitan na niya tayo kanina pa.' Sabi niya.

Agad naman akong nalungkot sa sinabi ni Val. Siguro nga ay totoo ang sinabi niya. Hindi ako gusto ng Spirit na iyon. Napatingin ako sa pwesto ng Raindow Pegasus at nakita kong nakatingin siya sa akin.

Nanlaki ang aking mga mata nang napansin kong naglalakad ito papalapit sa akin. Ito na ba ang kauna- unahan kong Spirit?! Sabi ko sa sarili ko.

SpiritsWhere stories live. Discover now