Oo nga naman. Bakit hindi nalang ipadeliver dito ang pagkain? Bakit kailangan pa naming magpunta sa bibilhan namin? Gusto ko sanang umangal pero ayokong masira ang mood ni Ma'am. Baka bigla nalang dumilim ang paningin nito sa akin eh.

"Ingat kayong dalawa ha..." Ani Ma'am V habang papalabas kami ni Zae ng hall.

Pagkalabas namin ng hall ay nagulat ako nang bigla akong hinila ni Zae papalapit sa kaniya pero ang nangyari ay napasubsob ang mukha ko sa malapit sa leeg niya. My eyes widened when I realized it.

"May-"

Nagsalubong ang mga kilay ko at agad na humiwalay sa pero hinila nya ako pabalik! What the hell is he doing?!

"A-Ano ba!!"

"Shit. Bahala ka na nga dyan!" Aniya at binitawan ako.

Dali dali akong umatras pero sa hindi inaasahang pangyayari, bigla akong nadulas sa sahig!

"Ah!"

Yumukot ang mukha ko sa sakit sa pwet. Buti nalang napigilan ko ang sarili bago pa ako mabagok!

"See? Nadulas ka pa..." Aniya. I looked at him. May pag-aalala sa mukha niya bago bumalik sa dati.

Hinila niya ba ako kasi maka madulas ako? Tsss. Thanks for him, hinila niya nga ako, nadulas naman! Bakit kasi bigla nalang? Wala ba siyang bibig para magsalita?

Natigilan ako at napatingin sa kamay niyang naka lahad sa harap ko. Unti unti kong pinagmasdan 'yon hanggang sa mukha niya. Naghihintay ang mga mata niya sa akin. I looked away and sighed.

He's like... too much. Kung hindi ako iiwas ng tingin, baka... baka matutunga ako. Hindi ko alam.

"Let me help you," aniya.

Napalunok nalang ako at unti unting nilagay ang kamay ko sa kamay niya. It was warm.

Pagkatayo ko, awtomatiko akong naglakad palayo. Ayoko na magpasalamat. Ahh. Bahala siya dyan.

Nakarating na ako sa parking lot at sigurado akong nakasunod siya sa 'kin dahil naririnig ko ang mga yapak ng sapatos niya. Bakit ba kasi nangyayari 'to?! Ang daming puwedeng estudyante na sumama sa kaniya...

But on the other hand, ako lang dapat ang sumama sa kaniya. I mean, puwede namang may iba siyang kasama pero dapat kasama rin ako. It's part of the mission...

"Saan kotse mo?" Tanong ko nang hindi tumitingin sa kaniya. Malamig ang pagkakasabi at medyo nagtataray.

Pero syempre, alam ko na naman kung nasaan ang kotse niya. As his protector, I should know details about him that'll give me advantage.

Doon na mismo ako tumayo sa harap ng kotse niya at nagkunwaring hindi ko alam kung nasaan iyon.

"Tsss." I heard from him before he went to his car.

"Sakay na," aniya. He started the engine.

"Hmp..."

I know he's not in the right age to drive but they're also allowed to. They have the privileges and as far as I know, puwede naman iyon sa kanila dahil sa koneksyon ng paaralan. Mga mayayaman at makapangyarihan nga naman...

Bumuntong hininga ako at binuksan ang pintuan pero hindi pa man ako nakakapasok, napahinto ako at tumingin sa paligid. Parang may naramdaman akong nakamasid sa 'kin o sabihin nalang natin na may nakamasid sa 'min. I can feel it.

Napalunok ako at sumakay na ng kotse.

Sobrang bango sa loob ng sasakyan niya. Parang nakakahiya na nandoon pa ako pero alam kong mabango naman ako.

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now