Tampuhan

3.9K 344 53
                                    

October 9, 2017, after Sugod Bahay:

R&M: *sit in different parts of the holding area, busy with their own conversations with others and their phones*

Jose: Pssst... *calls in a hushed tone* Tisoy.

R: *looks up to Jose who is sitting just a couple of feet from him* Po?

Jose: Kayo ba? *points at M who is unaware of the secret conversation behind her then R, joins his two fore fingers then separates them and clashes them against each other, implying that the two are fighting*

R: *shakes his head* Hindi po.

Jose: Ah akala ko kasi dahil sa usapan kanina nagkatampuhan kayo. Pasensiya na ha? Sobra ba ako magtanong minsan? Nako-korner kayo?

R: Hindi naman. Ayos lang po. Maganda din minsan nalalabas namin yung mga ganoon.

Jose: So gusto niyo na ilabas?

R: Parang oo na hindi. Oo kasi para mas malaya na kaming kumilos at sino ba namang ayaw na ipagmalaki sa buong mundo yung taong mahal niya.

Jose: Uuuy... Mahaaaal... *grins*

R: *blushes and chuckles* Alam niyo naman po yun.

Jose: Oo nga. Nakakatuwa lang kayo talaga. Nagba-blush ka pa. Ganyan talaga tayong mga tisoy eh noh?

R: *laughs*

Jose: O yung hindi? Bakit naman?

R: Hindi kasi masaya kami sa privacy namin, dun sa mga bagay na sa amin lang. Kasi parang pag in-announce namin ang relasyon namin, binibigyan na din namin ng karapatan ang lahat na maki-alam sa lahat. Hindi man po manghimasok pero yung alamin ang lahat ganoon. Eh si Meng po ako din naman mas gusto na sa amin na lang yung mga ganoon.

Jose: Sabagay. Pero manghihimasok pa din naman ang iba. Kayo yan eh. Kasing gwapo pa naman kita at itong si Meng sa ganda niyan parang anak ko na talaga. *chuckles* Marami talagang makikialam.

R: Kaya nga po hanggang may maisasarili kami, sasarilinin po namin.

Jose: Pero di talaga kayo tumatangging sumagot sa mga tanong na pang-mag-asawa. *laughs* Iba din. Pati tampuhan sinasabi.

R: Alam niyo naman po. Open naman po kami sa ganoon. Wag lang yung tanong na kayo na ba? Ano nang status ng relasyon niyo? Given na po yun. *laughs*

Jose: Ayos. Pero totoo nga na si Menggay ang laging nagso-sorry?

R: *nods his head* Opo. Madalas po. Pero hindi naman talaga kailangan ng sorry minsan. Mas madalas po kasi na hindi lang magkikibuan tapos siya po ang unang magsasalita o lalapit. Ganoon po.

Jose: Eh bakit ganoon? Pride? Insecurity? Takot?

R: Pwede po. May pride, may insecurity pero mas maraming takot. Takot na masaktan, takot na makasakit. Iba po kasi si Meng minsan pag galit o nagtatampo sobrang tahimik, nakakatakot sa katahimikan. Ang sakit po kasi pag ready na akong makipag-usap tapos siya hindi pa. Masasaktan ako tapos ang ending ako na mapipikon, may masasabi ako na makakasakit sa kanya tapos lalaki yung maliit lang na tampuhan. Ganoon po. Kaya mas hinihintay ko na lang po na siya ang mauna.

Jose: Ganoon pala. Paano kung wala ka nang hinihintay?

R: Po?

Jose: Mahal mo?

R: Opo. Sobra.

Jose: Naks! Takot kang mawala sa'yo?

R: *sighs* Opo.

Jose: Oh eh di wag ganoon. Wag ganoon palagi. Paano kung mapagod siya? Paano kung maramdaman niya na sa mas mahalaga sa kanya ang relasyon niyo at sa'yo wala lang dahil siya lang ang palaging nagso-sorry at umaayos ng problema niyo?

R: Hindi naman po yun totoo.

Jose: Alam ko. Alam ba niya?

R: Opo.

Jose: Gaano ka kasigurado? Ako. Hindi perpekto ang buhay ko. Alam niyo yan pero madami na din akong napagdaanan. At alam ko na sa relasyon dapat nagbibigayan, dapat minsan lulunukin ang pride, minsan isasantabi ang insecurities at madalas kakalimutan ang takot para sa taong mahal mo kasi mahal mo.

R: Alam ko naman po yun. Ginagawa ko naman po kaya lang sa mga sitwasyon po na may konting tampuhan, ganoon po ang nagwo-work.

Jose: Hanggang kailan? Mahal ka niyan. Sobrang bait niyan. Sobrang pasensiyosa at maunawain, pero tao yan. Lahat ng tao, may hangganan. Ako. Hindi kita tinatakot. Ang akin lang, pag-isipan mo. Habang maaga pa.

R: Opo, Kuya Jose. *sighs* Opo. Hindi ko po hahayaan na mapagod siya at mawala siya sa akin.

Jose: Yun. Ganyan. Teka, ang seryoso ng usapan. Menggay! *waves at M to call her over*

M: *approaches them with a smile* Bakit po, Kuya Jose? *looks at R* Oh bakit mukhang kunsumido ka? Kunot na naman noo mo? *runs her thumb over his eyebrows to straighten his frown*

Jose: Wala yan. Wag mong pinapansin. Kinuwentuhan ko nang nakakatakot.

M: Horror? Kuya, Jose?

Jose: Oo. Matatakutin pala tong asawa mo eh.

M: Ano pong kinuwento niyo?

Jose: Si Wally. Katakot di ba? *laughs*

Wally: *yells from across the room* Hoy Jose! Nadinig ko yun. Wag kang nang-aano!

R&M: *laugh with Jose*

R: *quietly stares at M as she laughs, lost in his own thoughts of how much he loves his wife and how we would do anything in the world to keep her happy even when that meant going beyond what is usual and comfortable*

Jose: *notices R's silence* O siya. Iwan ko muna kayo. Dun muna ako kay Wally.

M: *turns to R and raises her eyebrow* So? Are you going to tell me what's going on? Ano pinagusapan niyo talaga?

R: Basta. Pa-hug nga.

M: Dito?

R: Bakit hindi dito?

M: Madaming tao.

R: Hug lang naman. Sanay na sila. Sige na please. *pouts, looks at M with puppy dog eyes*

M: *rolls eyes* Sige na nga. *leans to wrap her arms around under his armpits and up his shoulders*

R: *holds M tight and closes his eyes, kisses her temple and whispers* I love you so much.

M: *whispers back* I love you more.

R: I love you most. Dito ka lang ha? Dito ka lang.

M: Forever and always. 💛🍃

********
Unbeta'ed and not proofread. Thank you for reading. ❤️

Payb Takes Book 3Where stories live. Discover now