Astroboy

3.3K 285 24
                                    

September 21, 2017:

M: *answers call from R as she waits for sits in the hosts' standby area in the baranggay of the day* Yes, Astroboy?

R: *laughs* Hello, my love. Bakit nakiki-Astroboy ka na din?

M: Oh eh ganoon eh. Parang kauuwi mo lang, paglingat ko, wala ka na naman. Pauwi ka na ba?

R: Yes, Love. Diretso akong baranggay.

M: Di ka na din naman aabot, uwi ka na lang muna. May taping pa tayo mamaya. Magpahinga ka.

R: Hindi din naman ako makakapagpahinga dun nang wala ka, Love. Miss na miss kita. Kagabi nga di ako makatulog.

M: Luh... luh... luh... Arti-arti.

R: Totoo naman! *pouts*

M: Luuuuuh.... Galit ka?

R: Hindi pero nakakatampo eh parang ikaw hindi mo ako na-miss.

M: Na-miss din naman.

R: Na-miss din naman? Parang ipinilit pa sa'yo na ma-miss mo ako.

M: Alam mo ikaw. Ikaw ba ang naglilihi?

R: Naglilihi ka na, Love?

M: Huh? Paano? Love, kahapon ka lang umalis, pag-alis mo hindi pa ako buntis. Nakakaloka ka!

R: Malay ba natin kung na-overlook lang.

M: *laughs* Grabe siya sa overlook. Gusto mo na talaga noh?

R: Oo.

M: Eh di ba after ng movie pa?

R: Hating-hati na nga ako eh. Movie or baby? Baby or movie?

M: Ano mas lamang?

R: Baby.

M: Ilang percent?

R: 80%

M: *laughs* Ang laki ng lamang. May laban pa ba? Mukhang may nanalo na.

R: May 20% pa. If we're going to do this, dapat 150%.

M: Oo naman! Dapat ikaw din 100% ha?

R: Anong ibig sabihin nun, Love? Kulang na ba ako ng oras sa'yo?Nakakapagod na ba akong asawa? *sighs*

M: Hoy! Ano bang hangin ang nasagap mo diyan at ang drama mo bigla.

R: Hindi ako nagda-drama totoo ang takot ko na baka nagsasawa ka na sa ganito. Baka iwan mo ako. Hindi mo naman ako iiwan di ba?

M: *sighs* Ano ba? Siyempre hindi. Naiintindihan ko naman tsaka hindi naman palaging ganito. Mas madalas pa din naman na magkasama tayo at sobrang bawing-bawi ka naman palagi sa pag-alis mo. Minsan lang ako ang napapagod para sa'yo. Physically exhausting kaya yang pagbiyahe kung saan-saan tapos di ka din makatulog sabi mo inaalala ko din kung nakakakain ka ng maayos. If we're going to have a baby dapat healthy ka din para sa kanya. Yun yon.

R: Healthy naman ah. Hindi ko pababayaan ang sarili ko siyempre para sa inyo.

M: Good. *smiles*

R: Sunduin na lang kita.

M: Saan?

R: Sa baranggay. Diyan na ako tutuloy, sabay na tayo papunta sa taping.

M: Okay. Ikaw bahala po. Love?

R: Hmmmm?

M: Yung Astroboy na tawag sa'yo, wag mo karirin ha? Hindi ka robot. You get sick. I get worried.

R: Yes, Love. Tinotodo ko na ngayon. Next year, I'll start slowing down para sa atin. Okay na yung deposit sa bangko, deposit naman sa'yo ang iwo-work natin. Simulan natin sa baby.

M: *giggles* Diyan ako bilib sa'yo, Love. Ang tindi ng focus mo sa goal.

R: Of course! Long-term and short-term yan.

M: Ano yung long-term goals?

R: Siyempre yung maayos lahat ng negosyo natin para pag iniwan na natin tong showbiz, set na yung future ng lima nating anak.

M: Wow. Specific. Ano pa?

R: Siyempre kasama dun yung kumportableng mga bahay para sa atin.

M: Ilan pa ba gusto mo?

R: Basta gusto ko may malapit kina Dad, malapit kina Tatay, malapit sa trabaho at business, malapit sa dagat at isa sa bundok.

M: Aba! At lima din?

R: Para isa-isa na ang mga bata. Okay na. Tapos isa pa pala para sa atin sa pagtanda natin, maliit lang, yung tama lang sa ating dalawa hindi naman tayo maglalagi dun kasi we'll always be traveling to see the world at madalas nasa mga anak at apo din tayo.

M: Jusko! Ang layo na nang narating ng goals mo, Love. Kaya naman pala kung maka-lagare ka, parang bawal na mag-trabaho kinabukasan.

R: Siyempre. Magse-set na lang ako ng goals, tinaasan ko na para sa inyo yun eh. I want you to always have the best, Love.

M: I already have the best, Love. I have you.

R: *smiles* Talaga?

M: Oo naman. You're the best husband any woman could ever wish to have and I'm sure you'll be the best daddy too.

R: I'm at my best because of you. You make me the best that I can ever be, Love because you're perfect.

M: No. I'm not.

R: You are to me.

M: Luh! Ano ba? Halika na nga. I want to hug you.

R: Malapit na ako and I will more than hug you. *grins* I love you, my Nicomaine. I love you so much.

M: *smiles* I love you more and more, my Richard. See you.

R: See you soon. *ends call* 💛🍃

********

Unbeta'ed and not proofread. Thank you for reading. ❤️

Payb Takes Book 3Where stories live. Discover now