"Gusto kong sanang wag ka nang lumapit sa akin."

"Hindi mo ba nakikita?Umiiwas na ako.Kaya naman sana,sana lang ay makisama ka."

Biglang nag-initang mga mata kong nanlaki sa gulat.

"Pasensya na,hindi ko maibibigay yung hinihiling mo."

"Gusto ko din sanang malaman mo na ayaw ko sa'yo.Kaya kung puwede lang,umalis ka na. Nakakaistorbo ka." Kasabay ng unang paghakbang ko palayo ang unang pagtulo rin ng mga luhang nagbabadyang tumulo kanina pa.

Ayaw niya sa akin.
Nalita ko yun sa mga mata niya na parang ayaw,nandidiri o ano siya sa akin.Parang kinamumuhian niya ako.

Anong bang mali sa pag-amin ng nararamdaman mo sa isang tao?

Maraming sana ang pumasok sa isip ko.

Na sana hindi nalang ako umamin.

Na sana pinahalagahan ko nalang friendship na nabuo sa amin.

Na sana,sana naisip ko na gamito yung mangyayari.

Na sana wala nalang akong feelings sa kanya at kaibigan lang.

Sa huling pagkakataon..
Umasa na naman ako

~~~~

Lumipas ang isang araw at medyo gumaan na ang pakiramdam ko.

Nagkatotoo nga ang isa sa mga pangamba ko.Nang dahil sa pag-amin ko,nawala ang friendship namin na hindi na maibabalik pa.

"Kung hindi pa maayos ang pakiramdam mo,sana hindi ka nalang pumasok.Ako ang naiistorbo mo d'yan sa kakasinghot mo eh." Seryosong sabi ni Aris habang naglalakad kami.

"Alam ko naman concern ka sa akin deep inside,kunwari nalang wala kang sinabi na masama sa'kin." Nakangising sabi ko at suminghot na naman.

Nang makapasok na kami sa locker ay agad akong pumunta sa locker ko at binuksan ito.Laking gulat ko ng may sumabog na confetti sa loob.

"Ano na naman ba 'yang pakulo ng admirer mo?" Nakakunot-noo na sabi ni Aris.

Hindi ko siya pinansin at kinuha ang chocolate.

"Kunin mo yung walis Aris.Nakakahiya kung kay Ate pa ulit natin papalinis toh." Utos ko.

"Admirer mo nagkalat,ba't tayo maglilinis?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin pero nakipagtitigan din ang loko.

"Tsh,"Inirapan ko siya at ako na ang kumuha sa walis at dustpan sa di kalayuan at nagsimulang walisin ang confetti na nagkalat.

"Tara na." Yaya ko sa kanya.

"Ang galing ng admirer mo,nagagawang buksan ang locker mo."

"Mamaya kawatan o sindikato pala 'yang admirer na sinasabi mo at modus 'yang pagpapadala ng card para hindi mo mahalatang may nawawala na sa gamit mo."

"Tsh,wala naman makukuha sa locker ko.Anong gagawin ng isang magnanakaw sa isang makapal na libro?" Depensa ko.

"Ikakalakal niya."Nakangising sabi niya daholan para mabatukan ko ang loko.

Inirapan ko siya at excited na binuksan ang card.

D - letter D for your Decency

A - letter A for your Affability

"Ang lalim ng ingles ng admirer mo,dapat inisip niya muna kung maiintindihan mo o hindi." Sabi ni Aris.

"Hayaan mo na,may google naman." Kibit-balikat na sagot ko.

"Samahan mo muna ako sa locker," ,sabi niya.

Habang naglalakad ay bigla akong kinalabit ni Aris.

"Bakit?" Tanong ko.

"Yung crush mo nasa loob." Hinwakan niya ang kamay ko."Wag mong ipakita na naapektuhan ka.Ipakita mong naka-move on ka na talaga."

Kahit nagdadalawang-isip kung magagagawa ko o hindi ay tumango ako.

Pinakalma ko ag sarili atsaka sinenyasan si Aris na okay na ako kaya naman naglakad na kami papasok.

Nasalubong namin si Xiz na busy sa pagkuha ng gamit nya sa locker.Sinagi naman ni Aris ang balikat ko at bumulong,"Wag kang pahalata,wag mong titigan."

Ginawa ko ang sinabi niya at binuksan niya na ang locker niya tsaka kinuha ang ilang gamit.

"Tulungan na kita." Nakangiting sabi ko at kinuha ang Tatlong libro sa ibabaw.

Tinignan ko sa sulok ng mata ko si Xiz pero nakita ko si Xiz na nakangiti habang may kinalausap siya sa labas.

"Tara na." Sabi niya at lumabas na kami ng locker room.

Mukhang wala ng idudurog pa ang puso ko ng makitang si Ate Lei ang kausap nito at masaya silang nagtatawanan.

Sana nga hindi nalang ako pumasok kung ganito din pala ang madadatnan ko...

End of Chapter 39

Highschool ConfessionWhere stories live. Discover now