Kinamusta ko siya at tinanong kung anong nangyari sa kanyang tindahan. Hindi ako makapaniwala sa nangyari dito sa tindahan niya.

"Ilang buwan nang nakalipas, nang may mga magnanakaw na nagpunta sa tindahan ko. Kinuha nila ang lahat ng aking mga potions. Walang natira kahit isang piraso. Dahil sa kangyari ay nagpunta ako sa mga Gwardya na nagbabantay sa lugar natin. Ngunit wala silang ginawa. Hindi nila ako pinakinggan kung kaya't ganito ang nangyari. Wala na ang aking Tindahan" sabi niya.

Dahil sa nangyari ay naawa ako kay Aling Matilda. At hindi lang iyon ang aking nalaman. Hindi lang pala ang tindahan ni Aling Matilda ang nawalan ng mga paninda. Maging sa ibang tindahan ay ganoon din ang nangyari. At halos lahat ng nanakawan ay mga Tindahan ng Potion.

Lumabas na si Val mula sa kwintas at kinausap ako mula sa isip.

'Mayroong krisis ngayon sa mga potions. May pakiramdam ako na ang may gawa nito ay ang isa sa mga pamilya dito sa bayan mo. Ilan bang pamilya ang namumuno dito?' Sabi ni Val.

Hhmm. Hindi ko masyadong pinapansin pero sa pagkakaalam ko, apat ang namumunong Pamilya dito.

"Aling Matilda, anu ano po ba ang mga namumunong pamilya dito sa bayan?" Sabi ko kay Aling Matilda.

"Ah. Apat ang namumunong pamilya dito. Ang mga Levi, mga Tan, mga Shen at mga Fei. Ang apat na pamilyang iyan ang namumuno dito." Sabi niya.

"Sa apat na pamilyang iyan, saan po galing pamilya ang lider ng ating bayan?" Sabi ko.

"Ah. Galing sa Pamilya Fei. Si Yung Fei. Siya ang pinuno ng bayan ngayon." Sabi niya.

"Aaah. Maitanong ko lang po, sa pagkakaalam ko, ang bawat pamilya ay may hawak na lupain at kapangyarihan. Anu ano po iyon sa bawat pamilya?"

"Ang hawak ng mga Levi ay ang Kanlurang bahaging bayan. Sila ang may kapangyarihan pagdating sa agrikultura at produkto. Sa kanila nanggagaling ang mga produktong ating ginagamit. Ang mga Fei naman ay namamahala sa Seguridad. Dahil sa ang pinuno ng bayan ay galing sa kanilang pamilya, seguridad ang hawak nila. Ang mga Tan ay may hawak sa Produksyon ng mga kagamitan at sandata. Karamihan sa mga Tan ay Blacksmith. At ang mga Shen ay namamahala sa pagsasanay ng mga Spirit Bearer upang maging malakas sila. Sila sila ang magsasanay sa mga produkto ng paaralan." Sabi ni Aling Matilda.

Kahit na mahaba ang kanyang sinabi ay nakinig akong mabuti sahil baka magbigay siya ng mga bagay na maaaring konektado sa mga potions na ito.

"Mayroon pa bang ibang alam na organisasyon dito sa bayan na wala sa sinabi mo Aling Matilda?" Tanong ko.

"Ah. Oo. Ang Spirit Health Organization. Sila ang namamahala sa paggawa ng mga bagong Potions at Pills na maaaring ibenta sa merkado. Ang Support Team na namamahala sa mga taong walang Spirit. Sila ang gumagawa ng mga paraan para matulungan ang mga Spirit Bearer dito sa ating Bayan." Sabi niya.

"Aahh.. Ang Spirit Health." Sabi ko.

'Sa tingin ko ay doong iyon sa SHO. sila ang namumuno sa paggawa ng potions. Maaaring sila ang may dahilan nito.'sabi ni Val.

'Sa tingin ko nga.' Aniko. 'Maaari na nating simulan doon ang imbestigasyon.'

'Pero mas maganda siguro kung hindi muba tayo kikilos ngayon. Kailangan natin ng ibang paraan para mapansin ka ng SHO. Para kung sakali, hindi ikaw ang sasali sa kanila, sila ang pipilit na sumali ka sa kanila. Naiintihan mo ba?' Sabi niya.

'Opo.' Sagot ko kay Val. Humarap ako kay Aling Matilda at nagtanong. "Aling Matilda, alam nyo po ba kung paano gumawa ng mga potions na iyon?"

"Hindi ko alam. Pero sa SHO ang nakakaalam. Sila ang gumagawa ng mga potions. Sa aking pagkakaalam, ang SHO ay nagkakaroon ng krisis dahil kakaunti na lang ang nais maging tagagawa ng Potions. Kung kaya't naghahanap sila ng mga manggagawa." Sagot niya sa tanong ko.

Natuwa ako sa aking sarili. Ibig sabihin malaki ang posibilidad na makuha nila ako. Pero maghahanap muna ako ng paraan paraan para mapansin nila.

"Sige po Aling Matilda. Huwag po kayong mag alala, hahanapin ko po ang may dahilan kung bakit ganito ang nangyari sa iyong shop." Sabi ko sa kanya at tumango siya sa akin.

Sinabi niyang mag ingat ako. Nagpalit ako ng aking damit at nagsimula nang pumunta sa Spirit Health Org.

Nagtanong tanong ako sa iba kung saan nakapwesto ang lugar ng SHO. Itinuro nila ako sa isang malaking bahay na may malaking bakod na nakapalobot.

Nang makarating ako doon ay mayroong gwardyang nakatayo sa harapan ng bakod. Binabantayan nila ang pasukan papunta sa loob. Nang makita ako ay itinanong kaagad nila nung bakit ako nandito.

"Bata! Bakit ka nandito?" Sabi niya.

"Nais ko po sanang sumubok maging isang Spirit Healer. At narinig ko po na ang SHO ay nangangailangan ng mga manggagawa. Kung kaya't susubukan kong sumali dito." Sabi ko.

"Pero hindi maaaring magpapasok ng bata rito! Hindi kami tumatanggap ng mga batang manggagawa!" Sabi naman ng isa.

Napa buntong hininga nalang ako. Alam ko na ganito ang mangyayari. Buti nalang at nakaisip na kaagad ako ng paraan para mapansin ako ng Organisasyon na ito.

Bumunot ako ng isang pirasong papel. Inirolyo ko ito at ipinaabot sa gwardya.

"Ibigay mo iyan sa isa sa mga namamahala ng Organisasyon na ito. Tandaan mo! Huwag mong babasahin ang nasa loob! At huwag na huwag mong itatapon iyan! Dahil kung magkataon baka ang buong Organisasyon ay magalit sayo. Maliwanag!" Maotoridad kong sabi.

Para bang nagalit ng kaunti ang Gwardya sa aking ugali. Napangisi ako sa kanya. Hindi niya alam na ang pirasong papel na iyan ang magiging daan para makapasok ako sa loob.

"Ikaw bata! Kapag kami ay napagalitan sa pinaggagagawa mo, humanda ka sa aming dalawa!" Sabi ng Gwardya at nagsimula nang maglakad papunta sa loob.

Habang naghihintay ako ng pagbalik ng gwardya, patuloy parin sa pagtatanong ang isang gwardya. Sa mga tanong niya ay ni isa ay wala akong isinagot kung kaya't lalong nagalit ito sa akin.

"Hoy bata! Kinakausap kita! Bakit ka hindi sumasagot! Hindi ka ba tinuruan ng mga magulang mo na maging magalang sa mga matatanda?!" Aniya.

"Wala nakong magulang." Simple kong sagot sa kanya.

Nagulat naman siya sa sagot ko at napatayo ng maayos. Sa isip isip nito, kawawa naman ang batang ito.

Ilang sandali pa ay bumalik na ang Gwardya. Agad itong lumapit sa akin at agad na nag Bow.

"Paumanhin po sa aking ugali kanina! Maaari na po kayong pumasok, Master!" Sabi niya. Ang isang Gwardya naman ay takang taka sa nakita niyang reaksyon ng kasama.

Bakit siya nagbibigay galang sa batang ito? Sino ba itong batang ito?

Napangisi nalang ako at pumasok sa loob.

SpiritsWhere stories live. Discover now