"Ayoko na po kayong istorbohin. And besides, kaya ko naman po eh."

"That's what I'm talking about. Akala mo sa lahat ng oras kaya mo pero hindi. It's not all the time you need to act strong. Sometimes you have to let other people help you. You only need to ask."

"Tama naman po kayo, pero kaya ko pa naman. Magpapatulong naman po ako kapag hindi ko na po kaya."

"Ayaw mo talagang patalo noh?" He stood up and went near her. "Kaya? Eh hirap na hirap kana nga. Move aside, ako na magbubuhat."

"Hindi sir, kaya ko po talaga promise!" She said persistently.

"Pwede ba, wag na matigas ang ulo." He lifted the chair, it is seriously heavy pero sanay naman sya kaya sisiw lang sa kanya ang pagbubuhat nun. Wala ng nagawa ang dalaga kaya hinayaan na lang nya ito. "San mo ba 'to balak ilagay?"

"Dito na lang po sir." Sagot nya sabay turo sa harap ng cabinet. Dahan-dahan nya itong inilapag.

"Ano ba kasing gagawin mo dyan?"

"Tungtungan po." Sagot nito saka sya tumungtong sa upuan. "Ang taas po kasi nitong maleta ko."

"Unbelievable! Yan lang pala ang kailangan mong kunin, pinahirapan mo pa sarili mo. Sinabi mo na lang sana sakin total ako din naman naglagay dyan nyan. Bumaba ka na nga, ako na kukuha."

"Hindi sir, okay lang. Ako na lang po."

"Baba kana sabi dyan, mabigat yang maleta mo kaya hindi mo rin kakayaning ibaba yan. Sige na baba na."

"Okay lang po ako." Sabi nya habang dahan-dahang hinihila yung maleta palabas nung pinagsuksukan ng binata.

"Ako na sabi! Baba kana...isa~"

"~Dalawa..." Pabirong dugtong nito.

"You're such a stubborn woman Ms. Delavin." Sabi nito habang nakatingala sa nakatungtong na dalaga. Dahil mabigat ang maleta, nabitawan ito ni Danielle at malakas na nalaglag ito sa sahig. At dahil sa pagkagulat, na-off balance sya.

"Ahhhhh!!!" Napasigaw ang dalaga sa pag-aakalang babagsak sya sa sahig. Laking gulat na lamang nya ng sa mga bisig sya ng binata bumagsak. Nagkatinginan ang mga ito. Sandaling tumigil ang takbo ng oras at ang pag-ikot ng mundo. Nanatili silang nagtitigan hanggang sa unang bumawi ng tingin si Danielle. Nang mahimasmasan, dahan-dahan syang ibinaba ni Edward. The normal conversation they had earlier was now shifted to an awkward moment. "S-sorry po sir. Nasaktan p-po ba kayo?"

"No. It's you I'm worried about, are you okay?"

"I'm fine. Thank you po sa pagsalo. A-akala ko, babagsak na ko sa sahig. P-panigurado bali buto ko nun kapag nagkataon." She said jokily to loosen up the tension between them.

"Sabi ko naman kasi sayo ako na. Muntik kana tuloy malaglag, pero di bale nasalo naman kita." (Ano daw Edward?) Palihim na napamura ito dahil sa binitiwan nyang salita.

"K-kaya nga po eh. Salamat po ulit." Di pa rin ito makatingin ng derecho sa binata. "Sige po, ayusin ko lang po muna yung mga gamit ko."

He nodded in response. "There's still a wide space on the left side of the closet, you can put your things in there."

"Sige po, thank you."

"No worries." He uttered then turn his back on her.

Nakahinga ng maluwag ang dalaga ng maglakad na papuntang balcony ang binata. Para syang nasu-suffocate sa presence ni Edward. Hindi nya kinakaya ang pagiging malapit nito sa kanya. Natutuwa sya na bumabait na sa kanya ang boss nya ngunit hindi nya maintindihan kung bakit para syang aatakihin sa puso kapag sobrang lapit nito sa kanya.

A CHANCE FOR ME AND YOU (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon