Tahimik lang kaming kumakain. Wala ni isa sa 'min ang nagsalita. As in. Zero. Tunog lang ng mga kasangkapan ang naririnig namin. Minsan hindi ko sinasadyang mapatingin sa kaniya tapos mahuhuli niya rin akong nakatingin. Mag-iiwas ako ng tingin at titikhim siya. Paulit-ulit. Gusto kong mapapikit ng mariin dahil nahihiya na ako sa mga nangyayari sa buhay ko.

Patapos na akong kumain nang may biglang lumapit sa table namin. Nagulat ako nang makita ko si Marx. Naka poker face siya kay wayne.

"Where's my book?" Sambit agad ni Marx habang nakatingin lang kay Wayne.

Napatingin-tingin ako sa kanilang dalawa.

"Sandali lang..." Sabi ni Wayne sabay kuha no'ng pinamili niya kanina at inabot 'to kay Wayne.

Huli ko lang napagtanto na isa 'yong libro pero hindi niya naman 'yon binili sa bookstore. Para kay Marx pala 'yon.

"Thanks," ani Marx at napatingin sa 'kin. Ngumiti siya ng bahagya at tumango. "Can I join the two of you? I'm also hungry," sagdag niya at nagulat ako nang bigla syang umupo sa gilid ko.

"Sure," sagot ni Wayne at pinagpatuloy ang pag kain.

Nagpatuloy ako sa pag kain hanggang sa maubos ko na. Kumakain pa rin si Wayne at Marx kaya tumingin nalang ako sa labas ng restaurant. Ang tahimik nilang dalawa at pakiramdam ko, anumang oras ay matutunaw na ako.

I'm with the two campus royalties! At kung nandito si Marx, sigurado akong nasa paligid lang si Sasha.

Ibabaling ko na sana ang tingin ko sa mesa kaso lang may nakita akong napakapamilyar na babae. Naka face mask siya at naka palda. Nakasuot ng black na t-shirt at halatang naiinip na sa labas kakahintay sa kaniyang subject. Sinasabi ko na nga ba eh.

Kinuha ko ang cellphone ko at itetext ko na sana siya kaso lang narinig ko na nagsalita si Wayne.

"Sama ka sa 'min?"

"Saan?"

"Manonood kami ng sine ni Zell."

Napatigin ako kay Wayne at tiniim ang mga labi.

"Sure," ani ni Marx.

Minadali ko ang pagtext kay Sasha na nasa labas ng restaurant.

To: Sasha

Pasok ka dito sa restaurant. Nandito ang Marx mo. Sasama siya sa 'min ni Wayne na manood ng sine.

Wala pang isang minuto ay nag-reply na siya.

From: Sasha

Wowwww mo manonood kayo ni Wayne ng sine at kasama si Marx?! Hintayin mo ako!

Napailing nalang ako dahil sa kaniya. Pagdating talaga kay Marx ay ang active niya. Parang fully charged palagi kay Marx eh.

Pagbalik ko ng cellphone ko sa bag ko ay napatingin ako kay Wayne. Tapos na pala silang kumain at nagpupunas silang dalawa ng bibig gamit ang tissue.

"Let's go?" Ani Wayne at ningitian ako. I nodded and stood up.

Saktong pagtayo namin ay ang pagdating ni Sasha. Suot suot niya ang kaniyang malapad na ngiti.

"Zell, samahan mo ako!" Sambit niya agad at sinabit ang kaniyang kamay sa braso ko, pagkatapos ay tumingin siya kila Wayne, kunwari nagulat.

"Oh! Hi, wayne! Hi, MARX!" Napapikit ako sa kaingayan niya.

Gusto ko siyang pitikin. Ang lakas ng boses niya at nandito pa kami sa loob ng restaurant. Kahit kailan talaga napakawalangh'ya ang isang 'to.

Napatingin pa sa 'min yung mga tao sa loob ng restaurant sabay bulong sa katabi.

"Wayne daw? Si Wayne Laurent?!"

Protecting the Campus Royalties (UNDER REVISION)Where stories live. Discover now