"Tin. Listen to me. Kailangan mo na bumalik sa room mo. Wala na si Jeff—"

"What? NO! Hindi po yan totoo!" Tinanggal ko ang hawak niya sa'kin, then tumakbo sa may elevator. Hinabol ako ni Mom pero sinarhan ko siya ng elevator kaya hindi siya nakapasok.

Hindi totoo yun. Buhay pa si Jeff. Hindi pa sya pwede mawala. Pumunta ako sa nurse's area. "Excuse me. Meron po bang pasyente na Jeff dito? Jefferson Lee?"

Tiningnan naman ako ng nurse. Tapos tumingin dun sa data sheet niya."Ka-ano ano po kayo ni Mr. Lee?" sabi nung Nurse

"I'm his wife."

"Well. We had a patient named Jefferson Lee at room 247 pero wala na sya—"

Tumakbo na ako. Madaming tao sa elevator kaya naghagdan na lang ako. Nang mahanap ko kung saan yung Room 247, nagmamadali akong binuksan ang pinto kaya lang biglang may lumabas na nurse.

"Excuse me. Dito po ba yung room ni Jefferson Lee?"

Tumingin siya dun sa hawak niyang board tapos ngumiti ng malungkot sa'kin."Yes ito nga. But I'm sorry you're too late ma'am. I'm afraid to say na wala na po si Mr. Lee—"

"NO! Hindi totoo yan!" Pumasok ako sa room kahit na pinipigilan ako nung babae.

"Ma'am please. Hindi na po kayo pwedeng pumasok dahil—"

"No. Hindi 'to totoo." Iniiling-iling ko pa ang ulo ko. Oh gosh oh gosh oh gosh. Grabe feeling ko nalagutan na rin ako ng hininga. Yung tao kasi sa bed, nakatakip ng puting kumot. Eh diba pag ganyan, ibig sabihin patay na?

"Jeff?" Lumapit ako ng dahan-dahan sa kanya hanggang nasa tabi na nya ako. "Jeff?"

Alam kong mas creepy kapag sumagot siya. Pero kasi parang hindi ko lang matanggap na patay na siya. Gusto ko sanang tanggalin ang kumot sa ulo niya. Pero pa'no kung nakadilat siya? Diba mas nakakatakot?

"Ma'am. I'm sorry to interrupt pero—"

"JEFFFFF!!" Naglupasay na ako tapos unga ng unga. "Hindi ka pwedeng mamatay! Hindi pwede! Jeff wag mo 'kong iwan! Wag mo 'kong iwan!!"

"Ma'am, please calm down. Ang totoo po nyan—"

"Go away!"

"Pero ma'am—"

"Iwan nyo po muna ako please." Umiiyak na ako ng tuluyan kaya medyo nilayuan muna ako ng nurse. Hinampas-hampas ko naman ang katawan ni Jeff. "Nakakainis ka naman eh!! Bakit ka ganyan! Diba sisigawan mo pa ko! Diba kakain ka pa ng luto ko! Bubu naman eh!!! Bakit namatay ka agad?! Hindi pwede!"

Umaagos na naman ang luha ko ng todo-todo. Sinubsob ko ang ulo ko sa kama ni Jeff.

"Bakit hindi mo 'ko hinintay Jeff? Umalis lang naman ako para humingi ng tulong eh! Dapat hinintay mo 'ko!! Tsaka, magcoconfess pa 'ko sa'yo diba! Sasabihin ko pa na mahal kita eh! Tatanungin pa kita kung pwede kita maging boyfriend eh! Bubu naman!! Dapat hinintay mo 'ko."

Todo iyak na 'ko. Nakakaiyak talaga 'to si Jeff!!"Bubu! Gumising ka! Hindi mo 'ko pwedeng iwan dito. Hindi pwede! Kailangan mo gumising—"

"Excuse me. Miss?" Napatigil ako sa pag-eemote. Bakit biglang nagsalita ang bangkay ni Jeff. Hindi ko pa rin tinataas ang mukha ko.

"Bubu? Joke lang yun. Syempre ayokong mawala ka. Pero kung patay ka na talaga, hindi ko naman gusto na gumising ka pa diba. Syempre joke lang yun—"

Biglang tumawa ang bangkay. Oh no!

"Miss. Hindi pa ako patay." HUH?! Tinaas ko ang ulo ko. At naka-face to face ko ang isang matandang lalake na nakangiti.

"Jeff? Tumanda ka na ba agad? Three days lang naman ako natulog ah." Nginitian naman ako ulit nung matanda.

Seducing My HusbandWhere stories live. Discover now