“Please … let go may klase pa ako eh”

“NO” this time para na talaga syang toddler na ayaw makinig

“Pinagtitinginan na tayo oh” ng Makita ni Allen na yung mga tao sa corridor at nakatingin sa amin bigla syang napa smile and I hate that smile kasi parang may balak nanaman na masama. Humarap sya sa crowd pero syempre hindi pa rin ako binibitawan pero this time nakaakbay na lang sya sa akin.

“Excuse me, may problema kasi ako, ayaw akong tawangin ng girlfriend ko ng Babes” yung mukha nya parang paawa effect mukhang batang naiiyak

“Awwtttsssuuuu” sabi ng crowd

“Diba dapat Babes din ang itawag sa akin ng Babes ko tulungan nyo naman ako oh”

“OO nga Babes na lang itawag mo” sabi nung mga lalaki na halatang  gumagatong lang. Sus if I know kakampi nanaman yun ni Allen nadadala nya ako sa ganyan pag marami kasing tao nahihirapan akong humindi.

“Ano Babes! Dali na tawagin mo na ako ng Babes” tapos  humarap sya sa akin habang hawak hawak yung  mga kamay ko

“Hayyy ang kulit mo! Kaya ayaw kong tawaging kang Babes kasi malay ko ba kung may tumawag na sayo ng Babes dati. Gusto ko kasi unique ang itatawag ko sayo. Wag ka munang makulit mag-iisp pa ako okey! I want to have a unique and special relationship with you not just like your past relationships, I want us to last” after I say that hindi ko alam pero yung mukha nya halatang na touch sa sinabi ko tas yung crowd papansin kasi biglang nagsi alisan kasi daw ang chessy nakakainis daw

“O sige, pero dapat mamaya makaisip ka na ng itatawag mo sa akin okey!”

“Okey! Sige alis na! BYE” papasok na sana ako ng hinigit nya ang kamay ko at bigla akong hinalikan sa labi

“Goodbye kiss yan” nagulat ako sa ginawa nya pero mas nagulat ako sa ginawa ko tumingkayad ako at inabot ang mga labi nya at hinalikan sya ng marahan hindi pa sana maghihiwalay ang mga labi namin ng biglang

“Ahem… PDA po yan! Eto ang yellowcard nyo” nahuli kami ng baklang member ng student affairs at binigyan kami ng yellow card

“Ang lalaswa nyo! Nakakainis! Naiinggit ako! Che” bigla kaming nagtinginan ni Allen at natawa na lang pero halatang nagblublush kami ngayon.

“Sige na pumasok ka na baka hindi ako makapagpigil “ tapos pinagtutulakan na ako ni Allen na pumasok na sa room

“Aray wag mo akong itulak”

“Bye na! mamaya na lang natin ituloy” hahampasin ko pa sana sya kaso nakatakbo na sya

“Baliw” sigaw ko tapos lumingin sya at nag flying kiss kaya sinalo ko naman at nilagay sa pisngi ko. Isa lang  toh sa mga nagpapasaya sakin salamat sa Babes kong si Allen este Allen lang pala.

Pagpasok ko sa room medyo inaasar pa ako ng mga kaklase ko kaya naman medyo nahiya ako. Kesyo daw kung makapag PDA wagas, nakakakilig at yung mga kaklase kong babae ang kukulit kamusta daw humalik si Allen medyo awkward yung mga tanong nila may pagka liberated ang approach. Buti na lang dumating na yung Prof. namin kaya medyo tinigilan na ako, kaso epic habang nasa klase ako vibrate ng vibrate yung phone ko pagtingin ko text ni Allen.

MESSAGE: Ano kaya kung MAMABEAR saka PAPABEAR yung kagaya sa got to believe

Natawa ako sa text nya kasi hindi pa rin sya maka move one at talagfang nag-iisip pa sya kung anong magiging tawagan namin

REPY: Ayoko nga hindi ako Mataba! Sayo bagay ang PAPABEAR ang laki mo kasi pero sakin di bagay sexy ko kaya

Jusko pag ako nahuli ng Prof. ko lagot ako may batas kasi kami na pagnahuli na nagcecellphone kukunin at babasahin ng Prof. ko sa buong klase kaya doble ang pag-iingat ko na hindi mahuli.

"D' Bad Brothers"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon