Unspoken Words

731 39 179
                                    

🏫 SVT University Secret Files
3 days ago

Unspoken Words

P.S mahaba. Parang yung hotdog ni hoshi.

Dumaan ako sa isang kanto
Dumungaw ako para makita kung bukas pa ang ilaw sa iyong kwarto
At oo, gising pa nga ang tao

Napaisip ako
Ano nanaman kayang ginagawa mo?
Kumakanta gaya ng hilig mo?
Sumusulat ng liriko gaya ng pinagpupuyatan mo?
O baka naman kausap mo lang ang iyong bago?

Ji, alam mo ba, naninigarilyo ako
Hindi mo ba 'ko pipigilan gaya ng ginagawa mo?

Hithit buga Hithit buga .. tapon

Ano nanaman bang kalokohan 'tong ginagawa ko
Wala naman nang magbabago at hindi ka naman na muling lilitaw pa sa harap ko

"Gago ka ba?! Eh pa'no kung magkasakit ka?! Tingin mo kaya kong mag-isa?!"

Naaalala mo pa ba? Kung paano mo 'kong pagalitan? Ako kasi tandang-tanda ko pa

Tapos iiyak ka bigla at syempre susuyuin kita
Sa totoo lang, hindi kita ganyan na nakilala
Maangas ka diba? Hambog kumbaga
Pero bigla kang nag-iba
O baka naman mas nakilala lang kita?
Na yung kinakatakuhan nila, isa palang isip-bata

Umuwi nalang ako dahil hindi ko na kaya
At habang iniisip kita,
Habang nakahiga ako sa aking kama
Nakalikha ako ng isang tula
Isang tulang malaya

Malaya mula sa mga pangako mong ipinako mo
Malaya mula sa mga salita mong napaniwala ako
Malaya mula sa pananakit na ipinaranas mo
Malaya hindi gaya ko na nakagapos parin sa nakaraang meron tayo

Sa bawat gabing dumaraan,
Sa bawat araw at oras na lumilipas,
Hindi ko na alam kung ano pang aking mararamdaman

Ligaya ba dahil masaya ka na?
O lungkot dahil iba ang iyong kasama?

Naaalala mo pa ba yung mga sinabi mo?
Yung mga pangako mong nakaukit na sa puso ko?
Yung mga winika mo na nagpapaulit-ulit-ulit parin sa tenga ko?
Na dito ka lang lagi sa tabi ko
Na kahit ipagtulakan kita, hindi ka lalayo
Na kahit lumipas ang panahon, ako parin ang mamahalin mo

Tandang-tanda ko pa
Tandang-tanda ko pa kung paano mong bawiin ang lahat
Tandang-tanda ko pa kung paano mong kinalimutan ang lahat

Sariwang-sariwa pa
Sariwang-sariwa pa sa aking alaala kung paano mo 'kong tinalikuran
Sariwang-sariwa pa sa aking alaala kung paano mo siyang sinamahan

Noon, ikaw ang dahilan ng mga dasal ko
Dasal ko na sana ikaw at ako, tayo
Dasal ko na sana ikaw at ako, walang magbabago
Dasal ko na sana ikaw at ako, hanggang dulo

Ikaw parin naman hanggang ngayon at walang nagbago,
Na sana masanay na 'ko na wala nang ikaw at ako, na wala nang tayo
Na sana makalimutan ko na ang pait ng kahapon dahil wala nang magbabago
Na sana matapos na ang lahat ng ito dahil gusto ko nang maging masaya hanggang dulo

Nakakatawa lang na nag-umpisa tayo sa tatlong salita, "Xy, mahal kita"

At magtatapos rin pala tayo sa kung paanong nagsimula, "Xy, ayoko na"

Nakakatawa diba?
Tapos na
Tapos na tayo kaya pati itong tula ay wawakasan ko na
Pero bago ko tuldukan ang huling salita
Nais kong malaman mo,
Na gusto ko nang maging malaya, kagaya ng nitong tula.

Xyrelle
2017
Others

43k Likes | 2.2k Comments | 2k Shares

view more comments

Seungkwan Boo
Napadaan ako sa isang kanto
Tinignan ko kung bukas pa ang ilaw at may tao
Napaisip ako, ano nanaman kayang bibilhin ko?
Ubos na kasi ang tinapay na kinain ng mga gago
Soonyoung, Mingyu at Seokmin —ngalan ng mga tarantado

Soonyoung Kwon
Isa
Isang kurot lamang ng pandesal ang nakain ko
Dalawa
Dalawang halimaw ang umubos ng tinapay mo
Tatlo
Tatlo ang dahilan kung bakit nangyari ito

Seokmin Lee
Apat
Apat na araw mong tinaguan si Soonyoung hyung dahil naikalat mo ang sikreto nyang tinatago
Lima
Limang ulit mong sinabing kamukha ni Mingyu ang aso nyo
Anim
Anim na beses mong nilamon ang baon ko

Mingyu Kim
Pito
Pitong letra lamang ang nais kong malaman mo
B A B O Y K A
Walo
Walong taon ko nang pinanggigigilan yang katabaan mo
Siyam
Siyam na salita lamang ang masasabi ko sayo
"Wala kang pag-asa kay Hansol kasi baboy ka blehhh"

Seungkwan Boo
Sampu
Sampung piso nalang pala ang pera ko
Kaya naman uuwi nalang ako at magtatago

Seungkwan Boo
Labyu guys 😅

Junhui Wen
"Marami nang nakahawak sa katawan ko
Marami na ring laway ang natikman ko
Ang ulo ko ay naisubo na rin ng di ko na mabilang kung ilang tao" Sambit ng isang kutsara 😂

Minghao Xu
Naberde ako sa sinabi mo
Parang gusto kong putulin ang pututoy mo

Junhui Wen
Kaya mo ba?
Kaya mo bang mawala ang nag-iisa mong kasiyahan? 😂😂

Jihoon Lee
Isang gabi habang ako'y nagmumuni-muni
Napasilip ako sa bintana't nagtago
Ako'y napangiti dahil mahal, sayo rin ako'y nasasabik
Ngunit ilang sandali pa ang lumipas at unti-unti kang lumisan
Gusto kong bumaba at ika'y pigilan pero ano nga bang magagawa ko?
Ako ay pagod na sa pagtakbo, sa paglayo sayo
Buntong hininga aking pinakawalan
Kasabay ng ating pagmamahalan
Hindi ka nagkamali, ako ang nagkulang
Pasensya na sa mga nagawa ko saiyo
Pasensya na sa pagtakbo papalayo
Ngunit iyong tatandaan, na ako man ay lumisan
Minahal kita sa paraang hindi mo inaasahan
Kaya hindi man tayo ang nakasulat sa buong istorya, sana naging masaya ka parin dahil parte tayo ng isang kabanata









/Sakin po lahat ng tulang nakasulat dito so yeah, hindi ako maglalagay ng source. Naisipan ko lang gumawa nito. Matatapos na rin eh/

/Don't worry. Hindi ganito yung remaining 5 chapters. Random genre din yon. Maybe angst, fluff or romance. And yeah, 4 otp lang ang pinili ko. Dinelete ko yung 'A Sad Story' kasi yung survey lang talaga ang nais ko. Hehe. Don't expect okay? Ordinary chapters lang yung last 5 confessions hindi ko lang talaga alam yung otp na ilalagay ko/

SECRET FILES √ seventeenWhere stories live. Discover now