An open letter to my dark annoying boyfriend

698 46 135
                                    

🏫 SVT University' Secret Files
1 day ago

An open letter to my dark annoying boyfriend

So yeah. Inistorbo mo 'ko ng buong magdamag para lang sa walang kwentang letter na 'to. Kaya eto na.

Nog, nung una kitang nakita, natakot talaga ako sayo. Gwapo ka naman pero ang creepy mo. Para kang kapre kapag nasa tabi ka ng puno. Minsan nga nalilito pa 'ko sainyo kasi kakulay mo eh. Pero ayun nga, nagustuhan kita kahit ganyan yang mukha mo.

Thank you sa lahat ng nagawa mo kahit karamihan don, puro sakit lang sa ulo. Kahit sobrang nakakainis ka, thank you kasi hindi ka nawala sa tabi ko at lagi kang nandyan para bigyan ako ng sama ng loob. Well minsan nakakatuwa ka naman kaso mas madalas na nakakabwisit ka. And sorry kung may pagka-mean ako sayo. Pero tandaan mong hindi ako magiging ganito kung hindi mo pinapasakit ang ulo ko. Joke lang. Mahal talaga kita kahit na maitim ka. Haha. Tanggap ko lahat sayo, oo pati yang kulay mo :) At alam kong tanggap mo rin ako.

Sana maging strong pa ang relasyon natin at walang iwanan. Kahit ilang beses ko nang naisipan na hiwalayan ka kasi tangina nababadtrip talaga ako sayo minsan. Ayun lang. Sana naappreciate mo 'tong letter ko. Mahal kita Gyu ~ Lagi lang akong nasa tabi mo. At alam kong nandyan ka lang rin para sakin kahit hindi kita nakikita kapag gabi na. Ramdam ko naman presensya mo, don't worry.

wonumo
Hiphop Club
2017

24k Likes | 12k Comments | 1.2k Shares

view more comments

Jisoo Hong
Saang ulo ba yung pinapasakit nya? ( ͡° ͜ʖ ͡°)

Jeonghan Yoon
Amen 😇

Seungcheol Choi
Parang gusto ko rin ng ganitong open letter 😭

Jihoon Lee
Bigyan kita Cheol.

Seokmin Lee
Parang kahapon lang ikaw yung nasa secret files ngayon may Jicheol na agad? 😂

Chan Lee
Matuto ka kasing iwan ang nakaraan hyung. Pag tapos na, tapos na. Hindi na dapat balikan pa. Nakalipas na eh. May mababago ka pa ba? Eh hindi na pwedeng ulitin ang nakaraan?

Seokmin Lee
Pakyu din Chan :(

Jongdae Kim
Nakaraan. Nakaraan. Nakaraan. Pwede pa naman maulit ah ? 😂😂

Mingyu Kim
Hindi ko alam kung dapat ba 'kong matuwa o mainis. Matuwa kasi nag-open letter ka, mainis kasi pinamukha ko sa lahat kung ga'no ako kanakakainis (ಥ_ಥ)

SECRET FILES √ seventeenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang