Crush's crush

773 52 315
                                    

🏫 SVT University' Secret Files
1 day ago

Crush's crush

Gwapo ako, yup, marami akong admirer. Matalino, top student ako sa section namin. Mayaman, I can have anything I want. Hindi ako katangkaran pero medyo badboy and a so-called fuckboy ako. Mahilig akong mambully ng random students pero hindi ako na-gguidance kasi grandson ako ng Principal namin.

Then one time, I met this girl. She's very beautiful. Sexy. She's smart, a top student from star section. She's perfect. I guess she is the one. One blink of an eye, I guess, I fell in love with her. Ewan ko kung bakit. Sobrang naaattract ako sakanya.

Pinilit kong magpapansin sakanya at talaga namang nilunok ko ang pride ko. First time kong gawin 'to. Ako kasi lagi ang nilalapitan ng mga babae. At sa tingin ko, napapansin nya naman ako. Sa gwapo kong 'to? Ts. Kaso ayun, mukhang hindi talaga sya interesado sakin.

May nakarating sakin balita na may crush daw palang iba si crush. Hinanap ko agad yung guy at sobrang disappointed ako. Like wtf? Ayan yung pinili mo kesa sakin? She chose the silver over a gold. Mas lamang lang naman sakin yun ng puti at konting talino.

Sobrang inis na inis ako sa guy na yun at gustong-gusto ko syang bullyhin pero baka ma-turn off sakin si crush kaya naman sinet aside ko nalang muna.

Hanggang sa lumipas ang panahon, lol, nagcollege na kami. Nalaman kong sa Xybin University pala si crush nag-enroll e ako, sa SVT University eh. Sobrang nalungkot ako.. at naiyak. Crush na crush ko kasi si girl. Mahal ko na nga ata.

First day na first day, nakita ko yung crush ng crush ko na kaklase ko pala. Sobrang pangit ng araw ko. Gusto kong gilitan ng leeg yung lalaking yun dahil sobrang naiinis parin ako sakanya.

Bago matapos ng first semester, may pinagawang project yung prof namin. SIR?? BAKIT SYA PA ANG PINARTNER NYO SAKIN?!?!? Gustong-gusto kong magwala nung araw na yun kaso baka mawala rin ang pagiging cool guy ko. Edi hinayaan ko nalang.

Sa totoo lang, ayokong tumulong sa paggawa ng project kaso grade conscious kasi ako at hindi ko hahayaang bumaba ang grades ko nang dahil sa pandak na 'to. Lagi na kaming nag-uusap, don't get me wrong. Plinaplastic ko lang sya. Everytime na magkikita kami, gusto ko parin syang sapakin.

Habang gumagawa kami ng thesis, bigla syang nag-hum ng random song, tangina. Ang ganda ng boses! Talented pala si ungas. Dancer rin kasi sya sa school namin nung highschool. Then, sobrang bait nya rin.

Lumipas pa ang ilang linggo at lagi na kaming magkasama kasi nga yung project namin. Tapos nung last week na ng pasahan, naaksidente ako. Naospital ako nun. Naconfine. Walang nagbabantay sakin dahil wala naman ang parents ko sa bahay. Busy sila sa business trip nila.

Out of nowhere, naisip ko si classmate. Baka galit sya sakin kasi medyo marami pang gagawin sa thesis tapos wala ako para tumulong.

Bigla namang may kumatok sa pinto ng room ko at pinapasok ko ito. Nakita ko si crush ng crush ko. Dala nya ang laptop nya at basket ng fruits pati ilang pagkain. Sobrang nakonsensya ako.

"Uy sorry ah" Tangina! First time ko humingi ng tawad kaya sasapakin ko talaga 'to kapag hindi nya tinanggap ang sorry ko. Dejoke.

"Di. Okay lang"

"Kailangan mo ba ng tulong?"

"Nah. Magpahinga ka lang. Oh eto, kumain ka. Nagluto ako para sayo" Sabi nya at bahagyang ngumiti sakin.

Sa mga sandaling yon, narealize ko kung bakit crush sya ng crush ko noon.

Sobrang bait nya. Kahit kelan kasi hindi sya nagpakita ng kademonyohan sakin. Okay sige one time, nung hinampas nya ng gitara yung tropa ko..

Maalalahanin sya..

Matalino..

Cute..

Talented..

At ..

narealize ko rin ata na..

Hotdog na ang nais ko, hindi na peanuts.

Kaso wala kaming pag-asa kasi balita ko, may boyfriend sya 💔 Hays. Bakit hindi ko maabot ang mga pangarap ko. lol.

PogiNaDinAngGusto
Hiphop Club
2017

54.6k Likes | 23.2k Comments | 17k Shares

view more comments

Jisoo Hong
May mga bagay talagang mahirap abutin. Lalo na kapag pandak ka.

Jihoon Lee
...

Kyungsoo Do
...

Jimin Park
...

Yoongi Min
...

Junhui Wen
Taena 😂😂 Ayaw na ng basketball, espadahan na ang nais 😂😂

Jeonghan Yoon
Extra lang pala yung girl! Haha! Lovestory nyo pala talaga 'to.

Jeonghan Yoon
Ay, wala nga palang kayo 😂

Hansol Vernon Chwe
Nabawasan nanaman ang lahi namin.

Seokmin Lee
Ruler nalang talaga ang straight 😭😭

Hoseok Jung
Tanga nabbend na rin yun 😒

Yixing Zhang
Tapos pamasahe nalang din ang nagmamahal 💔

Vice
Uy mga tropa.

SECRET FILES √ seventeenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon