Bestfriend

1.2K 71 279
                                    

🏫 SVT University's Secret Files
1 day ago

Bestfriend

Bestfriend? Yan yung taong laging nandyan para sayo. Yung lalait-laitin ka. Yung taong napaka-prangka kapag kausap mo. Siya yung taong mas galit pa sayo kapag may kaaway ka. Siya yung kasama mo sa foodtrip, sa roadtrips, o kahit ano pang trip mo. Siya yung puro palibre. Siya yung nasasabihan mo ng mga sikreto. Siya yung kapatid mo sa ibang magulang. Siya yung taong lagi mong nasasandalan at naiiyakan kapag may problema ka. Siya yung handang makinig sayo kapag may sasabihin ka.

Bestfriend? Yan yung turing sakin ng taong mahal ko.

"Cheol, nag-away nanaman kami ni *insert orasan here* huhuhu.."

"Cheol, nakita kong may iba sya blahblahblah.."

"Cheol, nakipagbreak nanaman sya sakin.."

"Cheol, nagkabalikan na kami.."

"Cheol .. sabi nya .. tapos .. hays. Mahal na mahal ko talaga sya"

Minsan nakakainis ka na rin. Hindi ko alam kung bakit ka nagpapakatanga sa taong yan. Lagi ka nalang tumatakbo sakin kapag nag-aaway kayo tapos iiyak-iyak ka. Maya-maya lang, okay na ulit kayo. Para kang tanga.

Sa tuwing humihingi ka sakin ng advice, lagi kong sinasabi na lumaban ka. Na ipaglaban mo sya. Pero putangina. Gustong-gusto kong sabihin sayo na iwan mo na sya. Na nagiging toxic na sya para sayo.

Ilang beses ka na nga ba nyang sinaktan at niloko? Kaso ikaw lang 'tong makulit eh. Siya na umaayaw sayo kasi di ka na nga mahal, pinagpipilitan mo parin. Ayaw ka nyang saktan kaya sya na lumalayo pero lapit ka parin ng lapit.

Sana maisip mo na may pwede pang magmahal sayo ng higit sa pagmamahal na ibinibigay mo. Sana maisip mo na ang orasan ay para talaga sa kabayo. At ako ay para sayo. Hays. Gusto kong hiwalayan mo na sya. Pero di ko masabi dahil gusto kong ikaw mismo ang makaisip ng bagay na yun. Tsaka, sino ba naman ako? Ako lang naman yung bestfriend mo na matatakbuhan mo kapag sinasaktan ka nya.

Pero bes? Pa'no naman ako? Sinong matatakbuhan ko kapag sinasaktan mo 'ko? Bukod sa brutal ka, lakas mo rin manakit ng damdamin. Gustong-gusto kong tumigil ka sa pagkwwento mo ng lovestory nyong dalawa kaso di ko magawang putulin ka. Pa'no kasi. Lumalabas yung napakagandang ngiti mo kapag sya ang sentro ng kwento mo.

Yourknightinshininggums
Hiphop Club
2017

46.2k Likes | 12.6k Comments | 1.2k Shares

view more comments

Jihoon Lee
Seungcheol Choi. Ang sad nung confession. Kapangalan mo pa.

Seungcheol Choi
Hala :O Oo nga no? What the fudge 😂😂

Mingyu Kim
Nako Nako ~

Junhui Wen
Puro broken hearted yung mga nagppost ah? Wala bang SPG dyan ( ͡° ͜ʖ ͡°)

Wonwoo Jeon
Gusto mo ba ng nudes? ( ͡° ͜ʖ ͡°)

Jisoo Takes The Wheel
Bless you guys.

Chan Lee
Napakanta ako ah. Bestfriend by Jason Chen ♡ Hihi ~ Pero grabe ang sakit nyan. Kung alam mong nasasaktan at niloloko na yung bestfriend mo kuya shining gums, sana ilayo mo na sya dun sa guy. Ipaglaban mo po yung feelings mo at sabihin mo lang lagi ang nararamdaman mo👍 Either way masasaktan ka parin kaya bahala ka na sa buhay mo 😎

Jeonghan Yoon
Sabi nung batang hindi makaamin kay Hansol 😎

Hansol Vernon Chwe
Wow Chan magkakagusto ka nalang sa kapangalan ko pa. Ang gwapo talaga ng mga Hansol.

Seokmin Lee
Wow okay na ulit sya 😂😂 Bati na kayo ni Kwan no?

Hansol Vernon Chwe
Sinong Kwan? Di ko yun kilala.

Seokmin Lee
Puta magkaaway parin kayo?!?!

Chan Lee
Mag-chat nga kayo! Di yung dito kayo sa comment section mag-uusap ng tungkol sa lovelife nyo. Gigil nyo si akoe.













/Comment your name/username here.
Para ma-extra ko sa next UD :)/

SECRET FILES √ seventeenWhere stories live. Discover now