Guilt

837 57 128
                                    

🏫 SVT University's Secret Files
1 day ago

Guilt

Feel free to judge me. I don't care. I don't mind.

Minahal ko naman talaga sya. 3 years naging kami. Ilang beses nya na 'kong nahuli na may kalandian, pero pinapatawad nya parin ako sa kabila nun. Kapag nag-aaway kami, kahit ako ang may kasalanan, sya ang nagsosorry. Tbh, minsan umaarte lang ako na nagseselos sa mga kaibigan nya para mapagtakpan ang mga kagaguhan ko. Sobrang lambing nya kahit hindi halata. Dahil na rin sa sobrang strict nya kaya nya nakuha ang atensyon ko. Pa-hard to get kasi sya noong una at na-challenge talaga ako.

Sa loob ng 3 years na pagsasama naming dalawa, hindi ko alam kung anong nangyari. Nawala na yung spark. Hindi na rin ako kasing saya ng dati kapag nakikita ko sya. Pag nag-aaway kami, either hindi ko na talaga sya kakausapin kahit ilang araw o ilang buwan pa o mag-aattempt akong makipagbreak. Pero in the end, sya parin yung nagmamakaawa para magkaayos kami. May part sakin na hindi sya matiis, yun ay yung awa. Hindi na pagmamahal ang nararamdaman ko sakanya kundi awa nalang. Wala nang iba.

Kapag magkasama kami, nagppretend nalang akong masaya ako. Wala nang iba.

Hanggang sa dumating yung time na hindi ko na kayang magtiis sakanya. Wala syang nagawang mali sadyang hindi ko na talaga sya mahal eh. Isa pa, may bago na 'kong kinakasama. Yung bago na yon, sakanya ko nararamdaman yung mga nararamdaman ko sa bf ko dati. Para bang nalipat? Nakipagbreak ako personally para mawala na rin yung guilt na nararamdaman ko sa panloloko ko sakanya.

Iyak sya ng iyak kahit pinagtitinginan na sya. Ako naman, nahihiya dahil sa eksena. Matapos non, umalis ako. Hinabol nya 'ko pero hindi ako nakinig o lumingon manlang sakanya. Masasabi kong nakahinga na 'ko ng maluwag nung hindi ko na sya naririnig na humahabol sakin. Pinuntahan ko agad yung bago ko para ibalita sakanya, natuwa sya.

Nagcelebrate kami. Uminom. Nag-sex. Mahal namin ang isa't isa so I guess it's natural. Hindi ako umuwi sa bahay, ininform ko naman yung parents ko about dun. Kinabukasan, paggising ko, phone ko agad ang kinuha ko. Nasapok ko nalang ang sarili ko kasi naghihintay ako ng text mula sa ex ko. Nasanay na kasi ako na nagtetext sya kapag umaga at ayun lagi ang bubungad sa cellphone ko.

Inopen ko lahat ng text hanggang sa nabasa kong nagtext yung Eomma nya. "Jun, patay na si Wonwoo"

Napabangon ako at minadali kong magbihis para makapunta agad sakanila. Nanlamig talaga ako sa nakita ko, nandun na yung kabaong nya sakanila. Hindi ko namalayan ang mga luhang kumakawala sa mga mata ko.

Niyakap ako ng Eomma nya, "Nasagasaan sya. Sabi nung mga nakakita, may hinahabol daw syang lalaki habang iyak sya ng iyak" Bumalik lahat sa alaala ko. Alam kong ako yung hinabol nya. Lalo akong napahagulgol nang marinig ko ito.

"Sorry Jun. Hindi na sya umabot. Anniversary nyo pa naman ngayon" Gusto kong sapakin ang sarili ko dahil hindi ko alam na anniversary namin. Nilalamon ako ng guilt. Kung hindi ako nakipaghiwalay, edi sana buhay pa sya ngayon.

I'm sorry, Wonwoo.

2 taon na ang lumipas mula nung nawala ka pero hanggang ngayon hindi parin ako pinapatahimik ng konsensya ko. Sana mapatawad mo 'ko.

Jun
Performance Club
2017

51k Likes | 4k Comments | 2.3k Shares

view more comments

Minghao Xu
ABA TANGINA MO NAMAN PALA JUNJUN. HALIKA DITO FITE ME!! HUHU. WALANG HIYA KA 😭😭 HUHU MANLOLOKO TALAGA MGA JUNJUN EH!! NAALALA KO YUNG NANGLOKO SAKIN NA TINANGAY YUNG PHONE KO 😭😭

Seungkwan Boo
Antagal na nun ah?

Minghao Xu
EE ANO!?? ANO BANG PAKE MO?!?! IKAW BA YUNG NANAKAWAN?! IKAW BA YUNG PINAASA?! HINDI MO ALAM ANG NARARAMDAMAN KO! WALA KANG ALAM SA PAGKATAO KO! WALA KANG ALAM SA BUHAY KO!!

Seungkwan Boo
Chill .____.

Mingyu Kim
Ang hirap ng pinagdadaanan mo bro. Parehas tayo. Kaso iba yung akin. Mahirap na ngang maging gwapo, tapos mahirap pa kami. Tanginang yan. Doble pahirap hays.

Jisoo Hong
Wala kang maloloko dito.

Seungcheol Choi
Hirap talagang maging gwapo no Gyu? Lagi nalang napagkakamalang manloloko. Hays.

Mingyu Kim
Oo nga eh. Buti hindi mo nararanasan hyung :/

Soonyoung Kwon
Wala talagang forever eh.

Chan Lee
Sinasabi mo lang yan kasi walang nagkakagusto sayo -____-"

Soonyoung Kwon
Aba Chan?! Meron ah! Si Wonwoo Jeon

Soonyoung Kwon
Hala tangina kapangalan nya yung namatay :o

Soonyoung Kwon
Tapos si Jihoon Lee at Seokmin Lee

Chan Lee
Crush rin kita hyung.

Soonyoung Kwon
Hays. Ang pogi ko talaga 😶

Jihoon Lee
Sino may sabing crush kita Kwon? Si Jun crush ko.

Jihoon Lee
Hello Jun senpai ♡ Notice me po.

Junhui Wen
Back-off 😎 Ako talaga ang gwapo dito Kwon.

SECRET FILES √ seventeenNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ