Pissed

745 44 120
                                    

🏫 SVT University' Secret Files
1 week ago

Pissed

Ma'am: Kim. Kapag binigyan kita ng tatlong aso, tapos dinagdagan ko pa ng tatlo, ilang aso na ang meron ka?

Me: Pito.

Ma'am: Okay. Uulitin ko. Kapag binigyan kita ng tatlong aso, tapos dadagdagan ko pa ng tatlo. Ilang aso na ang meron ka?

Me: Pito.

Ma'am: Okay. Iibahin ko yung tanong.

Ma'am: Kapag binigyan kita ng tatlong pusa, tapos dadagdagan ko pa ng tatlo, ilang pusa na ang meron ka?

Me: Anim.

Ma'am: Very good. So kapag binigyan kita ng tatlong aso, tapos dinagdagan ko pa ng tatlo, ilang aso ang meron ka?

Me: Pito nga.

Ma'am: SAN BA GALING YANG PITO NA YAN?! PITO KA NG PITO!

Me: EH MAY ASO NA KASI AKO SA BAHAY TAPOS BIBIGYAN MO PA 'KO NG TATLO, TAPOS TATLO ULIT, EDI PITO NA! DEPUTA NA YAN! PITO NGA! PITO! PITO! PITO!! BAKIT MAS MARUNONG KA PA?!

Talldarkhandsome
Hiphop Club
2017

68k Likes | 21k Comments | 11k Shares

view more comments

Chan Lee
Parang yung teacher namin. Tangina nun. Paulit ulit kong sinasabi yung sagot tapos minali ako (ಥ_ಥ) nung kklase ko na yung sumagot, parehas naman kami ng sagot, tama daw. Kingina nya.

Jisoo Hong
Ganun? Ah.. parang sya. Mas pinaniniwalaan yung sinasabi ng iba kesa sakin na boyfriend nya. Ayun. Wala na kami. Tapos hindi pa 'ko binalikan.

Junhui Wen
Hyung. Tandaan mo. Ang mga binabalikan lang ay yung mga NAIWAN, hindi yung NANG-IWAN.

Jeonghan Yoon
Ang bitter mo behbeh Jisoo. Eto payong anghel. Alam mo, kung nahihirapan kang magmove on, isipin mo nalang na yung ex mo, utang mo sya. Tutal kapag may utang ka naman ang bilis mong makalimot.

Jisoo Hong
Hannie babayaran ko naman eh :( Kaso di pa ngayon.

Seungkwan Boo
May hinanakit rin ako proctor namin. Di na nga nagddiscuss, lakas pa ng loob magpaquiz -,- ang masaklap, madalas may recitation pa. Anong ilalagay namin don? Bolang kristal kasi hula lang? Hays.

Seokmin Lee
Oo kwan. Tapos bibigyan ka din nya ng bolang kristal na grade.

Soonyoung Kwon
Tutal usapang school naman 'to.. gusto ko rin sana maglabas ng hinanakit ko. Tangina kasi. Dapat wala nang exam eh! Sayang yung mga puno oy! Tapos ano? Magrereklamo kayo kapag nakalbo na ang kagubatan at kabundukan?! Tatakbo talaga akong ssg president dala dala ang adbokasiyang 'to. Soonyoung for president!

Xyrelle Mapangahas Bente Singko
Guys pasegway naman 😂 Ship nyo naman ang Serelle at Xybin (ಥ_ಥ) Di ako makapili kay Sewoon at Dongbin kung kanino ako magiging loyal eh. Haha! Kalimutan nyo na ang Jirelle, Daerelle, Xyniel at Taerelle 😂 Thankyou fo. Hihi 💕

Seungcheol Choi
Soon. Xy. Alam nyo namang hindi matutupad yang mga gusto nyo. Pero hindi naman masamang mangarap lalo na kung ako naman yung papangarapin nyo 😎 *dabs*

Andres Bonifacio
Tangina buhayin nyo 'ko. Tatagain ko gilagid nito 'to.

SECRET FILES √ seventeenWhere stories live. Discover now