Fall

711 42 58
                                    

🏫 SVT University' Secret Files
1 day ago

Fall

Eh kasi ganito yun. Meron akong guy na pinagttripan sa room namin. Magtwo-2 years na. As in trip ko lang sya. Alam nya rin naman yun eh. Sinasabi kong crush ko sya, kahit hindi. Lahat ng pampakilig sinasabi ko sakanya kapag nakatingin yung mga classmates namin. Sya naman, sinasakyan yung trip ko. Ngiti-ngiti lang sya. Palangiti kasi sya eh.

Until one time, habang nagkkwento sya about sa family nya, umiyak sya. Hindi ko napigilan na umiyak eh. First time kasi na umiyak sya. Eh yung tanong sakanya, "What is happiness?" Btw, homeroom kami non tapos sharing your point of view. Bumagay sakanya yung tanong kasi palangiti sya. Nagulat kami nung umiyak sya bigla, naiyak rin kami.

Simula nun, hindi na sya natanggal sa isip ko. Tho pinagttripan ko parin sya pero konti nalang. Madalas na rin ako kung mapatingin sakanya. Sa harap ko lang kasi sya nakaupo. Pero ngayon, mas napapadalas na yung pagsulyap ko. Lagi na rin syang sumasagi sa isip ko out of nowhere. Hibang na ata 'ko.

And then nung P.E namin, sobra yung mga lalaki so kapag sumayaw kami, may mga lalaking magkakapartner. Partners kasi yung dance. Nung sinabi nung proctor na humanap ng partner, na-shook ako kasi kinalabit nya 'ko agad. So ayun. Kinilig ako ng slight. Hindi ako makapagfocus kapag nagkaka eye-to-eye kami kaya lagi akong nakatingin sa baba.

Until dumating yung pangalawang homeroom, this time.. gagawa ka ng tatlong tanong tapos ibibigay mo yon sa taong gusto mong sagutin yon. Tinitignan ko sya kung kanino nya ibibigay yung papel nya, pero bigla nya 'yong pinalitan tapos binigay nya sa katabi nya. Hindi ko nakita kung sino yung nagbigay sakanya ng papel pero nung binasa na ni Ma'am yung mga tanong na sasagutin nya, na-shook ako. Kasi naman. Halatang naffall na sakanya yung nagtanong na yun. Then tinanong sya ni Ma'am. "May gf ka ba? Or nagka-gf ka na?" Sabi nya wala. At ayaw nya daw munang pumasok sa relasyon kasi natatakot syang masaktan. So hanggang crush lang muna sya.

Napatingin ako sa tinitignan nya, yung pinakamatalinong girl sa room namin. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako. Napangiti ako. Sino ba naman ako para magustuhan nya? I hooked up so many times. Isapa, christian sya. So, straight sya.

Simula nun, mas lalo nya nang binabagabag yung pag-iisip ko. Plano kong umiwas sakanya, pero pa'no? Pa'no kong iiwasan yung taong in the first place, hindi naman ako napapansin? Hays. Alam ko sa sarili ko na na-fall na 'ko sa taong trip ko. What to do? Alam kong never nya 'kong magugustuhan eh. Basta. Imposible lang talaga.

noticemefather
Music Club
2017

24k Likes | 12k Comments | 1.8k Shares

view more comments

Jeonghan Yoon
Sinaktan mo 'ko DITO! DITO! DITO!. Pero tamaan man ako ng iba't ibang pain, buti nalang may advil liquid gel. Target many kinds of pain.

Hansol Vernon Chwe
Mahirap talaga ma-fall sa taong hindi ka kayang saluhin. Pero pagnagmahal kang kagaya ko? Hah! Di ka magsisisi. Try mo magmahal ng malapad ang noo. Eroplano nga nasasalo namin, ikaw pa kaya?

Soonyoung Kwon
Ayan! Biktima ng sariling kalokohan! Naalala ko nanaman nung mga panahon na mahilig akong mang-snatch ng bag ng mga kaibigan ko :< Yung biruan lang ba? Priceless kasi kapag nakita mo yung reaksyon nila. Tapos ayun tangina. Nakita ko si Chan sa kanto, hinila ko yung bag nya tapos pagharap, napamura ako eh. Si Jihoon pala 😭😭 Bakit kasi magkalapit height nyo?!?! Tangina nagpanggap akong na-epilepsy nun. Baka bugbugin ako eh (ಥ_ಥ)

Minghao Xu
Kung ako sayo aamin ako. Malay mo may pag-asa diba? Bigyan kita skyflakes. Pampatibay ng loob.

Seungkwan Boo
Ay gago bes. Ako talaga yung sender (ಥ_ಥ) Amina skyflakes ko..

Write a comment ..

SECRET FILES √ seventeenWhere stories live. Discover now