To forget or to wait

890 60 182
                                    

🏫 SVT University's Secret Files
4 hours ago

To forget or to wait

This is about my best friend na itago nalang natin sa pangalang 'Gums'

Mahaba ang confession na 'to but I hope you'll still give this a shot. And I need some advice.

Nakilala ko sya through online game. Dont judge. Parehas kaming gamer. Since Gr5 ako naexpose na talaga ako sa online games pero syempre, nakakapaglaro parin ako sa labas ng bahay. Kung alam nyo yung iDate ng Gameclub, ayon yung nilalaro ko. It's not about dating tho.

Gr6 ako nung nangyari 'to. Medyo mayabang si aq kasi alam ko sa sarili ko na magaling akong gamer. Nakikita ko yung character nya na lumalaban sa mga clan wars. Wala pa 'kong clan that time and member sya ng pinakamalakas at sikat na clan sa buong iDate. Dahil mayabang nga ako, hinamon ko sya sa battle kaso ayaw nyang pumayag. Edi kinulit ko ng kinulit ng ilang linggo hanggang napa-oo ko sya.

Then naglaban kami ng 1v1 at natalo ako sa battle hahaha kingina. Pahiya ako. Tapos nag-umpisa na dun yung chitchats namin. Months passed, nagkabigayan kami number pero hindi parin namin alam ang pangalan ng isa't isa. Lagi lang kaming nag-uusap about sa game. After ng ilang months Gr7 na 'ko nun, fb naman ang binigay nya. Napamura nalang ako sa nakita ko.

Napakagwapo. As in gwapo. Tapos nalaman namin na medyo magkalapit lang pala kami ng lugar kaya di na kami magtataka kapag nag cross landas namin. So ayun nga nangyari. Mas gwapo pala si hyeong sa personal. Anyway, 4 years ang gap namin. Fast forward. Naging close pa kami lalo. As in bestfriends! Pinakilala nya 'ko sa family nya at sya rin. Tapos ayon, nagbbake kami lagi. Besprend goals. Sabi pa ng Eomma nya na ako palang daw ata nagiging kaibigan nun. Pihikan kasi si Hyung sa mga kinikilala at kinakausap nya.

Hindi nawala yung pagiging gamer namin kahit lagi kaming nag-uusap o minsan, magkasama. Pati mga friends ko, crush sya kasi nga ang gwapo. As in perfect na sya. Gwapo, matalino, mabait.. okay medyo lang. Tsundere kasi sya. Kinaiinggitan rin ako ng mga classmates ko kapag nakikita kaming magkasama ni hyung. And pag nasa mall kami, hindi nawawala yung mga nagpapapicture sakanya pero tumatanggi sya. Ganon sya kagwapo.

Nung una crush ko sya, and yes aware ako sa sexual preference ko, pero ngayon bes nalang talaga. 'Hyung' nalang talaga ang turing ko sakanya.

Hanggang nung gr9 ako, bigla nalang syang di nagparamdam. Nagdeact ng accounts. Walang text. Hindi macontact.

After ilang months, bumalik sya at sinabing sa ibang bansa na sya nag-aaral. Hindi daw nagpaalam kasi baka daw magalit ako. Sabi nya rin na crush nya daw ako ganon. Naalala ko bigla yung mga pagkakataon na kapag may lumalapit sakin at alam nyang may ibang intensyon, sinabi nya na boyfriend ko sya. Sabi nya rin na kapag may lumalapit sakanya, sabihin ko na boyfriend nya 'ko. Pero basta. Naiinis ako sakanya. Bumalik lang sya para sabihin yun tapos after a couple of days, umalis rin agad.

Hanggang ngayon wala kaming communication. Wala na 'kong balita sakanya at sya, sakin.

Madalas akong tanungin ng mga kaibigan ko, "Nasan si Gummy hyung?" , "hindi na talaga kayo nag-uusap?" ganyan. Namimiss na daw nila. Wala naman akong maisagot kasi wala rin akong alam. Basta sabi nya, hintayin ko lang daw sya.

Hindi parin nawawala yung tampo ko sakanya dahil sa ginawa nya. Naiintindihan ko naman kasi umalis sya para sa future nya at maganda yun. Pero yung hindi sya magpapaalam? Nakakagago lang. Naturingan pa akong bes nya hahaha.

Kaso nagbago ang lahat nung natanggap ko yung text ng Eomma nya. Kaya daw talaga umalis si Hyung para sa pag-aaral nya. Pero may isa pa, kaya hindi sya nagparamdam ng ilang araw kasi naospital sya. Nabugbog sya nung nakipag-meet up sya.

About sa meet-up. May babae kasing nanggugulo sa fb nya. Sinasabihan syang poser, bakla, ganon.. nakipag-meet sya para mapatunayan na totoo sya. Nagagago lang ako kasi ang bobo ni hyung sa part na yun. Wala syang dapat patunayan. Sana ibinigay nya nalang yung fb ko para makita nung girl na may album ako don na puro picture naming dalawa.

So ang tanong ko lang, dapat pa ba 'kong maghintay sakanya? Magtthree years na kaming walang communication. May consequences kasi ang gagawin kong desisyon. I hope matutulungan nyo 'ko.

Dinosaur
Performance Club
2017

23.4k Likes | 2.3k Comments | 809 Shares

view more comments

Soonyoung Kwon
To wait? Diba ayan yung tawag kapag magppost ka sa twitter? Magto-to wait ka 😂😂

Seokmin Lee
Hahahaha!! Ayan rin pala yung tunog ng sisiw no? To wait to wait 🐣🐣

Wonwoo Jeon
Napaisip tuloy ako bigla about sa 'waiter'
Sino ba talaga ang tunay na waiter? Yung nagsserve ng pagkain o yung naghihintay ng order nya?

Jisoo Hong
Same as rice cooker. Ano ba talaga ang rice cooker? Yung pinagsasaingan o yung yung nagluluto ng kanin?

Seungkwan Boo
Mali ka ng pinagconfess'an sender. Wala kang makukuhang matinong advice dito.

Jihoon Lee
Ikaw nga magbigay ng advice Boo.

Seungkwan Boo
Kaya na yan ng mga readers 😉

Write a comment ..

SECRET FILES √ seventeenWhere stories live. Discover now