Chapter Six: NEW FOUND FRIEND

92 27 48
                                    

RJ's POV


(krrrriiiiing)


Nagsalita ang isa sa mga kaibigan ni Maky. Steve yata pangalan nun. Gwapo rin, matangkad, maganda ang pangangatawan, matangos ang ilong, maputi at parang isang koreano ang kanyang ayos.

"Dude, bitawan mo na siya. Magpapalit ka na ng damit at baka ma-late pa tayo sa training." sabi nito kay Maky na nanatili pa rin siya sa kanyang posisyon na nakahawak sa aking damit at nakataas ang isang kamao para sana suntukin ako.

"Oo nga dude, tara na." sabi naman ni Chris. Oo si Chris yun. Gwapo rin gaya nina Maky at Steve. Medyo may katangkaran at moreno. Maganda ang kanyang mga mata na para bang nakangiti ang mga ito at with matching killer smile pa. Ma-porma din kung manamit.

At ang isa naman ay si Emman. Tahimik lang siya at hindi palasalita. Ayon sa aking obserbasyon, siya ang pinakamabait sa kanilang apat. Gwapo rin at may pagka-chinito ang kanyang mga mata. Matangos rin ang ilong. Maputi at makinis ang balat. Maganda din ang kanyang tindig at pangangatawan. Matangkad din gaya nina Maky, Steve at Chris. Siya rin yung isa sa mga kaibigan ni Maky na ka-klase ko.

Si Maky? Ah, wala, hayaan na lang natin siya. Hahaha.

Silang apat ang heartthrob dito sa college namin at sa whole university na rin. Nalaman ko ang mga pangalan nila dahil kwinento ito ng isa sa mga kaibigan ko sa karinderya.

Sikat sila kaya kilala na sila ng lahat. Nakilala sila dahil sa kanilang angking kagwapuhan at galing sa basketball at sa iba pang sports. At siyempre, mayayaman din.

Pagkasabi nina Steve at Chris ang kanilang sinabi ay binitawan na ni Maky ang pagkakahawak niya sa damit ko tapos lumabas na sila sa canteen. At doon na lang ulit bumalik ang aking paghinga kaya naman ang lakas ng kabog ng aking dibdib.

Bakit ba naman kasi sa lahat ng pagkakataon ganito pa ang mangyayari? Siguro nga dapat lang na hindi na ako nagpupunta dito sa canteen at baka maulit na naman ang nangyari ngayon. Pangalawa na to, baka sa susunod eh matuluyan na ako. Hays.

Pagkalabas ng apat sa canteen ay napatakbo na rin ako palabas at hindi ko na alam kung saan ako papunta, kung saan ako dadalhin ng aking mga paa. Mangiyak-iyak na rin ako. Huhuhu. Napakaiyakin ko talaga.

Nang may nakita na akong upuan ay umupo na ako at doon na nagtuloy-tuloy na pumatak ang aking mga luha sa aking pisngi. Hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pag-iyak. Akala ko ba palaban ka RJ? Bakit di ka lumaban kanina? Susuntukin ka na kanina may papikit-pikit mata ka pang nalalaman. Buti na lang nag-ring na ang bell.

Wala na rin akong ganang pumasok sa klase ko. Gusto ko na lang umiyak nang umiyak dito. Napaka-isip bata mo pa rin RJ. Gusto ko na sanang tumayo para pumunta sa klase kaso di ko magawa. Huhuhu.

At habang nage-emote ako ay may nag-abot sa akin ng panyo. Tiningala at tiningnan ko kung sino. Isang magandang babae na nakangiti ang bumungad sa akin.

Nagsalita siya. "Tahan na. Okay lang yan. Lilipas din yan." nakangiti pa rin siya habang sinasabi yan. Nakaabot pa rin ang panyo.

Nakatingin pa rin ako sa kanya ng magsalita ulit siya. I'm speechless of what happened to me a while back.

"Magtitigan na lang ba tayo dito o kukunin mo tong panyo para punasan ang luha mo? O baka naman gusto mong ako ang magpunas niyan?" nakangiti pa rin siya. Di ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga sinabi niya. Matutuwa ba ako o maiinis?

At dahil feeling ko naman ay nagmamagandang loob lang naman siya ay kinuha ko na lang ang inaabot niyang panyo sa akin.

"Ah hindi, ako na lang." sabay kuha sa kanya ang panyo at pilit na ngumiti pabalik sa kanya. 

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐄𝐑𝐓𝐈𝐅𝐈𝐄𝐃 𝐍𝐄𝐑𝐃Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon