Chapter 41

4.9K 108 0
                                    

Chapter 41

"Putangina! Hanggang kaylan mo itatago sa akin, na hindi ko anak si Mia huh? Sagutin mo ako!" Dumaongdong ang malakas na sigaw ni Mark na mag panikip ng aking dibdib.

"I don't know, w-what are you talking about!" Pilit ko pa rin tinatanggi sakanya ang totoo.

Hinigit pa lalo ako ni Mark sa aking pulsuhan at napa-singhap ko.

"Putangina! Huwag mo akong gawing tanga Mae!" Asik nito. Nilabas ni Mark sa bulsa ang kapirasong papel at kahit hindi ko iyon tignan, alam ko na rin sa sarili ko ang laman no'n kundi ang result mula sa Hospital. "Nag sagawa ako ng test at lumabas na result hindi kami mag ka match ni Mia! Inulit ko pa ang result pero ganun ang lumabas, na hindi ko magagamot ang aking anak dahil hindi ko naman siya totoong anak!" Nang hina na ako sa aking mga narinig, hindi ko inaasahan na malalaman niya ito.

Nanikip ang aking dibdib at nag simula na mamasa-masa ang mata ko na ang mata ngayon ni Mark kay dilim na at puno ng galit.
Hindi ako sanay ng ganito.
Hindi ako handa para dito. "Sino? Sino ang putanginang ama ni Mia huh! Sagutin mo ako!" Kina-pikit ko naman ang malakas na sigaw nito sa akin.
Hindi lang ako nasasaktan sa mga nangyayari kundi hindi ko alam ang ipapaliwanag sakanya ang lahat ng ito.

"It doesn't matter Mark kong sino ang totoong ama ni Mia dahil pinanagutan mo naman siya right? Tinanggap mo naman siya na totoong anak mo!" Matapang kong sagot at hinarap ko ang nag babaga nitong mga mata. "Ginawa ko lang ito dahil mahal na mahal kita Mark. Hindi ko kasi matiis ma makita k-kayong masaya ni Lea samantala naman ako nasasaktan sa pag-aagaw niya sa'yo sa akin. I did this, because I love you. Ginamit ko si Mia para para lamang hindi ka mawala sa a-akin.."umagos ang luha sa aking mata.

Puot at galit ang gumuhit sa mata ni Mark.
"Putangina! I love you, I trusted you! Pinag laban kita sa pamilya ko kahit ayaw nila sa'yo. Pinag palit kita sa pamilya ko tapos ito lang ang maisusukli mo sa akin, ang tarantaduhin ako? That's bullshit!" Kina-pikit ko ng mata ang malakas nitong sigaw. Hindi ko na ininda ang mahigpit nitong pag kakahawak nito sa pulsuhan ko; nangingibabaw pa rin sa akin ang kirot sa aking dibdib.

"Mahal na mahal kita Mark, maniwala ka sa akin. G-Ginawa ko lang ito dahil natatakot ako na baka hindi mo ako matanggap. H-Hindi mo ako matatanggap sa buhay mo kapag nalaman mong may anak ako sa iba.. A-Ayusin natin ito please, okay?" Pilit kong hunuhuli ang kamay nito ngunit ayaw na ni Mark. Nararamdadaman kong may parang mali. "Pag usapan natin itong dalawa. N-Nag mamakaawa ako na ayusin natin ito, please huwag ngayon na may sakit pa si Mia." Humarap sa akin si Mark at naging malamig at blangko ang expression ng mata nito.

"I've done enough Mae. Let's end this." Ang salita nito ang pag paguho ng aking dibdib. Bumagsakan na ang luha sa mata ko at ayaw paniwalaan ang katagang lumabas sa kanyang bibig. No. No

"N-No, No,"  iling kong pakiusap habang umiiyak. Padabog na binitawan ni Mark ang pulsuhan ko at tinalikuran na. Alam ko, kapag tuluyan na siyang umalis dito; iyon na ang katapusan ng relasyon naming dalawa. Kahit nangangatog man ang paa ko pilit ko pa rin siyang sinusundan. Bago paman maka-labas si Mark sa silid humarang ako sa kanyang dinaraanan. "Don't do this to me Mark. H-Huwag mo akong iwan dahil lang dito. Tatanggapin ko na ang mga kasalanan ko sa'yo. Pwede naman tayong maging masayang pamilya kahit hindi mo naman tunay na anak si Mia, diba? Hindi na ako mag-lilihim sa'yo mula ngayon b-basta huwag mo akong iwan. Huwag mo kaming iwan ng anak mo." Tinakip ko ang kamay ko sa bibig at humahagolhol ng iyak sa harapan niya.

"Pagod na pagod na rin ako Mae, mabuti pang tigilan na natin ito para sa ikakabuti nang lahat." Umiling ako sa sinasabi niya. Hindi ko tatanggapin na mag dedesisyon siya na iwan ako.

"Hinihintay mo lang na mangyari ito para iwan ako at balikan ang putanginang asawa mo!"
Gumuhit ang galit sa mata ko. "Diba totoo naman na makikipag hiwalay ka sa akin dahil mahal mo pa rin ang lintik mong asawa. Bigla kaagad nag bago ang nararamdaman mo sa akin, sa amin ni Mia dahil ginugulo kana naman ng malanding Lea na iyon. Diba? Totoo?" Hinampas ko ang dibdib ni Mark nang paulit-ulit. Tangina ka talaga Lea!

"Fuck off!" Napuno na si Mark at hinigit nito ang dalawa kong pulsuhan at hinigit palapit sakanya. Tuminggala ako kay Mark at lalo lamang ako napapa-iyak. "Huwag mong idawit ang pangalan ni Lea dito dahil wala siyang kasalanan dito! This is between you and me, Mae. You and Me!" Asik nito at naging blangko na ang isipan ko. "Matagal ko na itong pinag isipan at binigyan mo ako ng isang dahilan para tuluyan na kitang iwan. Yes! Mahal ko pa rin ang asawa ko, mahal ko pa din ang anak ko. Isang pag kakamali na minahal kita at iwan ang pamilya ko!"

"Wala kanang babalikan Mark. Tinalikuran kana ng sarili mong pamilya, can't you see?"Pag iinis ko pa sakanya. Hindi ako papayag na ako lang ang masaktan Mark.  "Pinag palit mo ang asawa mong mahal na mahal ka dahil nag paniwala ka sa kasinunggalingan ko na totoo mong anak si Mia. Ilang beses mong sinasaktan mo si Lea at pati ang sarili mong anak hindi mo magawang mahalin dahil umiikot na ang mundo mo sa amin. Huwag kang mag malinis Mark, dahil hindi kana man perpektong asawa dahil ang totoo tarantado ka! Hindi kana tatanggapin ni Lea dahil ikaw mismo ang pumatay sa anak niy—-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko na binigyan ako nito ng malutong na sampal na hindi ko inaasahan.

"Putangina!" Iaambang sana ni Mark na susuntokin ako at nagawa naman nitong na kontrol ang sarili.  "Anong gagawin mo? Sasaktan mo ako? Go ahead! Ipakita mo sa akin ngayon na wala kang kwenta, Mark! Saktan mo ako gaya nang ginagawa mong pananakit sa asawa mo!" Hamon ko sakanya at nangangalaiti na ito ngayon sa galit. "Wala kana man palang binatbat eh! Kong ako sa'yo huwag mo ng balikan si Lea at mag sama na lang tayong dalawa, gaya ng dati na masaya at kompleto ang pamilya natin,"

"No," ngumisi si Mark na malawak at hindi ako nagawa sa sunod na mangyari at hinampas nito ang kamay sa aking mukha at tinulak nang malakas kaya't kusa ng tumama ang aking katawan sa drawer. Nasagi ko ang drawer at kasabay na pag bagsak ng katawan ko sa tiles; iyon din nalaglag ang mga naka-patong doon. "I have one thing that I regret the most, that I abandoned my family. Wala akong pakialam kong kinamumuhian man ako ng aking mag-ina. Ngayon ang itatama na lahat at hindi ko sila susukuan kahit anong mangyayari." Sunod ko na lang narinig ang yabag ng paa ni Mark paalis sa silid na iyon at pabagsak na sinarhan ang pintuan.

Yakap-yakap ni Mae ang sarili at umiiyak mag-isa sa silid na iyon. "Don't leave me Mark. Huwag mo akong iwan." Impit na iyak ni Mae at may isang bagay lamang ang tumatak sa kanyang isipan na hindi hahayaan na mawala si Mark sa buhay niya.

Hayop ka Lea!
Hindi ko hahayaan na agawin sa akin ang lalaking pinaka-mamahal ko!

MARK'S POV

Bumukas ang pintuan at lumuwa doon si Manang na halatang kararating lamang. "Good afternoon po Sir Mark," magalang na bati ng katulong at pumasok na sa silid.

Hinaplos ni Mark ang buhok ni Mia at mahimbing itong natutulog sa kama. Matapos niyang iwan si Mae, dumiretso siya kaagad sa Hospital para puntahan at alamin ang tunay na kalagayan ni Mia.
Mapait at malungkot ang mata ni Mark na tinitigan pa rin ito. Kahit na rin siya hindi makapaniwala na lolokohin siya ni Mae sa tunay na katauhan ni Mia.
Napamahal na rin sakanya si Mia at mahirap sakanya na iwan ito.

Kailangan kong itama ang lahat.

Matagal niya na rin pinag isipan ang bagay na ito at ngayon handa na ako.

Uminggos ang bata at minulat ang mata. "Hi, Daddy," matamlay na bati ni Mia na makita ang Ama. "Where's Mommy p-po?" Hinahanap pa rin si Mae sa silid.

"Nasa bahay anak. Mamaya darating din ang Mommy mo dito." Kina-tango naman ng bata ang sinabi nito.

"Bakit po kayo malungkot Daddy?" Hinaplos ni Mia ang pisngi ni Mark. Napansin kaagad ng bata na may iba sa mata ng kanyang Ama.

"Daddy is leaving, I'm going to a far away place, sweetheart. Matagal ako makakabalik," tumitig ang inosenteng mata ni Mia sa ama. Ayaw ni Mark saktan ang inosenteng bata, sa problema nilang dalawa ni Mae.

"Saan naman po iyon Daddy?"

"You'll find it soon. I have to go sweetheart. I love you so much," tumayo si Mark sa kinatatayuan at hinagkan ang noo ni Mia sa huling pag kakataon.

Mapait na ngumiti si Mark at nilisan ang silid na iyon.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now