Chapter 16

4.8K 123 11
                                    

Chapter 16

"Kumusta na ang pinapagawa ko sa'yo Mrs. Martinez?" Naging seryoso ang tono ng tinig ni Lea kausap ang katiwalang tao sa kabilang linya.

"Ayos na ayos po Mam Lea. Nagawa ko na lahat ng mga pinapagawa mo sa akin.]

"Siguraduhin mo lang na walang papalpak. Tatawagan na lang kita mamaya." Pinatay ko na ang tawag at diretso na akong nag lakad sa malawak na sala.
Napa-singhap na lang ako nang may marahas na humawak sa braso ko. "Ano b—-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng mag tama ang titig namin ni Mark.

Galit na galit ang mga mata nito at halatang hindi maganda ang gising.

"Oh, Good morning." Pinakita ko pa dito ang matamis kong ngiti at nahinto ako nang diniinan nitong muli ang pag hawak sa braso ko. "Aray, nasasaktan ako Mark."

"What's the meaning of this huh?" Pina harap nito sa akin ang cellphone nito laman ng mga litrato.

Litrato na mag katabi kaming dalawa sa kama at sinend ko ang lahat nang iyon kay Mae. "Nang dahil sa'yo nag-away kaming dalawa ni Mae!" Puno ng gigil nitong asik.

"Bakit?" Inosente ko pang tanong, na hindi naman kina gusto nito. "Wala naman masama sa ginawa ko ah? Sinabi ko lang naman sakaniya na natutulog kana, that's all. Walang halong malisya... Unless kong bibigyan niya talaga ng malisya ang simpleng pag lapit ko sa'yo ng gabing iyon." Matapang ko itong hinarap at naging malilikot ang mga kamay kong humaplos sa braso ni Mark.  Pinadaosdos kong hinaplos ang braso nito, nilalandi at baka naman kumagat itong muli sa akin. "Naalala mo ba ang nangyari kagabi? Kong paano mo ak—-"

"Fuck! Walang nangyari sa atin kagabi! Sinisiguro kong wala talaga, huwag kang gumawa ng kwento Lea!" Nanginig na ito sa galit.

Ito naman ang gusto kong mangyari, ang mag-away silang dalawa ni Mae.
Wala naman thrill ang ginagawa ko, kong hindi muna sila pag lalaruan sa aking mga kamay.
Sapat na makita ko, kong gaano na kainis ngayon si Mae-walang magawa sa aking maitim na mga plano.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now