Chapter 17

4.3K 121 8
                                    

Chapter 17

MAE'S POV

"Leche talaga!" Inis na binalibag ko ang gamit ko sa ibabaw ng table at salampak na naupo sa couch.
Hindi pa rin maalis ang galit sa mukha na ngayon nawala na ang isang bagay na importante sa akin.
Iyon ang flower shop ko. "Lintik ka talaga Mrs. Martinez, hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito. Tandaan mo ito!" Banta ko pa sa sarili ko.

Marami na ang pinag daanan at ginawa ko sa Shop ko para maitaguyod lamang ng maayos tapos kukunin mo na lang sa akin ng ganun-ganun lang?
Hindi ako makakapayag!
Babawiin ko sa'yo, ang Shop ko!

"Good evening Mam Mae," sabat naman ni Manang at lumapit sa akin. "Kumain na ho ba kayo? Ipag hahanda ko kayo ng makakain." Alok nito.

"Huwag na, wala akong gana ngayon." Sagot ko pa. Sino ba naman ang gaganahan na kumain matapos ang sitwasyon na ito? Tangina talaga. "Si Mia?"

"Sa silid na po Mam, Mahimbing na po ang tulog niya ngayon." Dagdag pa nito. Ngayon wala na ang mahalagang bagay sa akin, sisiguraduhin ko talaga Mrs. Martinez na babalikan kita!
Sinisiguro ko ito.

"Ipag-kuha mo na lang ako ng wine. Iinom ako ngayon."

"May problema po ba kayo Mam? Kanina ko pa kasi napapansin mukhang hindi maganda ang araw niyo ngayo—-" inis ko itong binalingan ng tingin. Takte naman!

"Talaga bang mag tatanong ka pa talaga? Ipag kuha mo na ako ng maiinom. Bilisan mo na!" Pag sindak ko dito at nag mamadali na itong umalis.

"Sige po Mam." Taranta na itong nag papanhik papunta sa kusina.

"Stupido talaga." Bulong ko pa. Kinuha ko ang gamit ko at nag lakad na papunta sa ikalawang palapag.
Binuksan ko ang silid at tumambad sa akin ang magandang silid. Sa parteng isang dako naroon ang kama at mahimbing na natutulog ang anak kong si Mia.

Lumapit ako dito at hinaplos ko ang maganda nitong buhok, na kina-inggos naman nito.. "Hi Mommy." Bati pa nito na inaantok pa. Pasado alas dyes na rin ng gabi na maka-uwi ako lulan sa Shop. Sinubukan ko pang pakiusapan si Mrs. Martinez, na huminggi pa ng palugit sa akin subalit naging matigas na ito.
Tuluyan na nitong nakuha sa akin ang Shop at imposible na rin para sa akin na mabawi iyon.

"Sige na anak, bumalik kana sa tulog." Saad ko pa

Mapungay ang mata ni Mia, na halatang inaantok pa. "Mommy, miss ko na po si Daddy. Kaylan po ba siya uuwi?" Isa pa ang lalaki na iyon'

"Very soon anak. Sige na bumalik kana sa pag kakatulog mo. Maaga ka pa sa school." Ngumiti ako ng kay tamis, at niyakap nito ang teddy bear at binalik ang sarili sa pag kakatulog.

Unting nawala ang matamis na ngiti sa aking labi at napalitan iyon ng galit at pait.

Ilang segundo nanatili ako sa silid nito hanggang masiguro ko talaga na mahimbing na ito natutulog. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ganito kabilis nawala ang bagay na mahalaga sa akin, iyon ang Shop ko.
Hindi ko alam kong paano na ako ngayon mag sisimula, na wala na ang negosyo ko.
Tiyak, na madidissapoint na naman nito sa akin ang mga magulang ko kapag nalaman nila ito, lalong-lalo na si Daddy.

Sa kalagitnaan ng pag-iisip ko tumunog ang cellphone ko sa bulsa at tinignan ko naman kong sino ang tumawag.
Ang galing!
Ngayon ka pa talaga tatawag?

Nag lakad na ako palabas sa silid para hindi na marinig pa ni Mia, kong ano man ang pag-uusapan naming dalawa.

Sinagot ko ang tawag ng walang pag-aalinlangan. "Hello."

[The fuck Mae, what' is this? Ano itong nabasa ko sa tabloid, tungkol sa shop mo.] oh my god! Ang bilis naman kumalat ang balita kapag tungkol talaga sa akin. Hindi na rin ako mag tataka kong mismo na makaka-rating din ito sa mga magulang ko. [Pwede mo bang sabihin sa akin, kong bakit humantong sa ganito? ]

"Para saan pa ba Mark? May mag babago kapag sinabi ko sa'yo, kong bakit nawala ang Shop ko? Sa tingin mo, babalik ang negosyo ko kapag sinabi ko sa'yo lahat-lahat?" Pag babara ko pa, at kina-bigat naman ng pag-hingga nito sa kabilang linya na animo'y naiinis na. Aba! Wala akong pakialam kong mainis o magalit man siya sa akin!
Ganun din ako!
Marami na ang mga nangyari sa akin, at wala na akong panahon pa, para mag explain pa sa kaniya ng mga bagay na ito.

"Wala na ang Shop ko. Bakit papagalitan mo ako? Ku-kwestyunin? Huwag mo ng tangkain pa Mark, ako na ang bahala na humarap sa sarili kong problema at tuonan mo na lang ng pansin ang pakikipag landi mo asawa mo!" Pag didiin ko pa.

"Tangina talaga. Walang namamagitan sa aming dalawa ni Lea, ilang beses ko na nga sinabi iyon sa'yo. Nag kita kaming dalawa para sa business! That's all!"

"Sa ngayon wala pa, eh paano sa mga susunod?" Asik ko pa. "Huwag na tayong mag lokohan pa Mark, alam naman natin na kapag dating sa asawa mo. Tumitiklop kana."  Sinuklay ko ang palad ko sa buhok at naging matalim ang titig ko. "Kapag nalaman ko lang talaga na niloloko mo ako patalikod, sini-siguro ko sa'yo na hindi mo na kami makikita pa ng anak mo." Bago paman ito makapag-salita, pinatay ko na ang tawag.

Naging mabigat ang pag-hingga ko sa galit at hindi ko namalayan na naka-kuyom na ang kamao ko.

Hayop ka talaga!
Hayop!

LEA KRISTINE'S POV

[Paano ba iyan Ms. Sandoval na gawa ko na nang maayos ang pinapagawa mo sa akin. Nasend ko na din ang titulo ng Shop ni Mae sa address na binigay mo at litrato na kailangan mo." Tinignan ko ang mga litrato na mga pinadala sa akin ni Mrs. Martinez, at hindi pa rin ako makapaniwala na maagawa niya kaagad ang mga pinag-uutos ko na walang kahirap-hirap.

Tinignan ko isa-isa ang litrato na pinadala nito na kuha lamang kong paano pinalayas si Mae sa sarili nitong negosyo at ilang eksina kong paano tinapon ng mga tauhan ni Mrs. Martinez ang ibang mahahalagang gamit sa Shop nito.
Ito lang naman ang kailangan ko.
Ang makita siyang mahirapan at mag dusa.
Gusto ko lang naman siyang turuan ng leksyon sa mga kasalanan na ginawa niya sa akin.
Kahit simple lamang ang hakbang ko ngayon, masasabi kong magandang hakbang pa rin naman ito.

"Maraming salamat Mrs. Martinez." Dugtong ko pa. "Ihahanda ko na ang pera na pinag-kasunduan nating dalawa."

"Maraming salamat."

"Siya nga pala, rinig kong magaling magaling ka rin humanap ng impormasyon sa mga tao. Gusto kong kong mag imbestiga ka at mag hukay ka ng mga bagay tungkol sa taong ipapagawa ko sa'yo . Depende na rin ang maibabayad ko sa'yo sa impormasyon na mahahanap mo."

"Sure naman Ms. Sandoval, matutulungan kita sa gusto mo. Sino ba iyan? Sino ang taong pa-iimbestigahan mo?" Ngumisi ako at nag lakad sa veranda, doon tanaw na tanaw ko ang magandang tanawin at sariwang hangin na humahampas sa aking balat.

Mula sa kina-tatayuan ko, nakita ko ang bulto ng isang lalaki naka-tayo sa medyo kalayuan at nag hihithit ito ng sigarilyo.

"Si Mark..." pag bibitin ko pa. "Si Mark Samuel Montecillo." Lumawak ang ngisi sa aking lalaki at hindi pa rin maalis ang titig ko sakaniya.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें