Chapter 68

435 10 0
                                    

Chapter 68

LEA KRISTINE'S POV

"Mommy, bilisan mo po." Excited na hini-hila ni Steven ang aking kamay para bilisan ang aking pag lalakad. Nag patanggay na lamang ako sa pag hila niya sa akin at hindi na maitago sa mukha ng anak ko ang excitement.

"Sandali lang anak," wika ko pa. Ramdam ko ang pag sunod sa amin ni Mark sa likuran namin na naka-pamulsa at pinapanuod kaming nauna na.

Matapos naming kumain ng tanghalian, dumiretso na kaming tumunggo sa Manila Ocean Park para mamasyal, dahil iyon ang pangako ni Mark sa anak ko na pupunta sila na mag kakasama doon. Tutol man sana ako na kasama namin siya ngayon, pero ayaw ko naman na ipag kait sa anak ko ang maging masaya kahit sandali lamang.
Ramdam ko naman talaga na gusto nitong makasama si Mark.

Pag dating namin sa mismong entrance, marami ng mga tao ang naka abang at ilan sa mga ito naka-pila na. Iilan sa mga nakita ko ang mga mag kakaibigan, mag asawa at ang iba naman kasama ang kanilang mga anak sa pamamasyal.

Pumila na kaagad kami para maagang maka pasok sa loob. Pinauna ko na si Steven sa pila, at sa likuran naman ako nito naka tayo at sa likod ko naman si Mark.

"Excited kana ba?" Pasimpleng pag kausap ni Mark sa likuran ko, na awtomatiko kina-busanggot ng mukha ko sa presinsiya nito. "Huwag kang mag-alala magugustuhan mo dito."

"Ano ako, bata para ma excite?" Pasungit na bulong ko kay Mark na hindi iparinig sa anak ko na nag babatuhan na naman kami ng mainit na salita. "Panigurado, hindi ko magugustuhan ang pamamasyal natin ngayon kong ikaw lang naman ang kasama namin ni Steven. Epal ka kasi palagi." Sagot ko pa.

Ewan kumukulo talaga ang dugo ko sa galit sa tuwing nakikita ko siya o kaya naman na nararamdaman lamang ang presinsiya nito.
Kong hindi talaga sa hiling ni Steven, hindi ako mag tya-tyaga na pumayag na sumama kami sa kalokohan niya.

"Diba, ang galing ko? Sinabi ko naman sa'yo na gagawa ako ng paraan para makalapit sainyo muli, ito na iyon Lea."

"Ts, as if naman papayagan kita,"

"Hindi ba pag papayag na naisama ko na kayo ngayon dito ng anak ko?" Kinabaling ko ng tingin si Mark na pasimple pang ngumisi. Kairita. Ang sarap talaga tusukin ng mata nito.

"No, kong hindi lang kay Steven hindi ako papayag na makasama ka namin. Kong akala mo, makakapasok kana nang tuluyan sa buhay namin ng anak mo. Nag kakamali ka." humawak ako sa balikat ng anak ko at bahagya nang gumalaw ang pila mismo palapit sa entrance.

"Mommy?" Naputol ang tensyon sa ugnayan naming dalawa na bumaling ito ng tingin sa amin ni Mark at tinitigan kaming dalawa. "It's everytning alright po? Nag aaway na naman po ba kayo?" Ang salita ni Steven ang mag patigil sa amin ni Mark.
Binigyan ko si Mark ng pasimple ngunit galit na paraan na titig. Panira talaga ang kupal na ito.

"Oh no, no sweetheart. Nag uusap lang kaming dalawa, right Mark?" Bumaling ako ng tingin kay Mark para sumang-ayon ito sa sinabi ko. Ang matalim kong titig, ang nag udyok kay Mark na sumang-ayon.

"Ahh. Yes." Tugon ni Mark.

"Sige po, but promise me po, na huwag kayong mag-aaway ngayon po ha? Matagal ko na po talagang gusto na, mamasyal tayong tatlo na mag kakasama na masaya at hindi po kayo nag aaway. Can you do that for me po?" Pakiusap ni Steven na hindi na ako sumagot pa.

Hindi ko alam kong sinusubok niya ba talaga ako sa hiling niya sa akin, na napaka imposible naman na hindi kami mag banggayan ngayon ni Mark lalo't kina-iinisan ko siya.

Gusto ko man tumutol, pero wala naman akong magagawa kundi pag bigyan ang anak ko sa kahilingan nito sa akin.

"Okay, I promise. Hindi kami mag aaway at hindi ko siya paalisin." Siguro ko pag titiisan ko na lang na makasama si Mark kahit labag man sa aking kalooban. Ilang oras naman kaming mag kakasama ngayon, at hindi na mauulit pa ito, kaya makikisama na lang ako.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon