Chapter 55

506 9 2
                                    

Chapter 55

LEA KRISTINE'S POV

"Bakit ngayon ka lang? Sino ba ang kasama mo at ngayon ka lang umuwi?" Ang malamig na boses sa isang tabi ang nag pahinto sa akin.
Kina-baling ko naman ng tingin para hanapin iyon, at kusa akong napa-kurap ng mata ng makita si Mark.

Mark?

Anong ginagawa niya dito?

Kay lamig ang kanyang mata at nabahiran na rin ng galit. Para itong magulang na nag papagalit ng anak na hindi umuwi, mag damag.

"Lea." Boses naman ni Insoo na lumabas sa sasakyan. Nakita ko ang pag galaw ng mata ni Mark na sinundan ng tingin si Insoo na palabas ng sasakyan nito. Hindi pa gaanong nakapag- palit ng damit si Insoo at suot pa rin ang pang bahay.

Kitang-kita ko ang pag dilim ng mukha ni Mark nang mahulaan nito na mag kasama kaming dalawa mag damag ni Insoo. Umaapoy ang mata nitong nanlilisik na hindi nagustuhan kong ano man ang nasaksihan ngayon.

Aaminin ko sa aking sarili na kinabahan na rin ako sa kakaibang pag titig ni Mark kay Insoo. Kong wala siguro sila, baka kanina pa nag salpukan na mag suntukan sila sa harapan namin.

"Mommy, hindi pa ba tayo aalis? Late na po ako eh." Ang boses ni Steven ang mag pabalik sa akin sa realidad. Naka-limutan ko kaagad na kaya pala ako nag mamadali na umuwi dahil kailangan ko pa siyang hatidin sa skwela.

"Insoo, pwede bang ikaw na lang ang humatid sa amin?," mas nanaisin ko pang sumama kay Insoo, kaysa kay Mark.
Hassle din kong mag commute pa silang dalawa ni Steven lalo't late na rin naman.
Hindi ko kakayanin na humingga sa iisang sasakyan at kasama si Mark.

"Sige wala naman akong gagawin. Ihahatid ko na kayo ngayon." Sinang-ayunan naman ni Insoo, dahil alam nito na hindi naman talaga ako sasama sa manloloko nitong pinsan.

"Talaga po Tito, ikaw ang makakasama namin ngayon? Yehey!" Nag papalakpak pa si Steven sa tuwa at excited na makasama muli ang paborito nitong Tito. Sa isang tabi naman nanunuod lamang sa amin si Mark; makikita mo talaga ang pag apoy ng mata nito sa galit at selos na hindi namin pinansin ang presinsiya lamang nito.

"Sige na, pumasok na kayo sa sasakyan." Pag papasunod ni Insoo at lumapit na ito kay Manang para kunin na ang bag ni Steven. Bago paman makuha ni Insoo ang bag ni Steven, naunahan na kaagad itong hawakan ni Mark.

Tumitig si Mark ng blangkong expression kay Insoo.

"What are you doing Mark? Ma-lalate na ang anak mo sa skwela, kaya't bitawan mo na ang bag niya." Hinigit naman ni Insoo palapit sakanya ang bag ngunit hindi pa rin ito binibitawan ni Mark.

"Ikaw ang unang bumitaw. Ako na ang mag hahatid sakanilang dalawa," lumawak pa lalo ang ngisi sa labi ni Insoo na higitin ni Mark palapit sakanya ang bag.
Namuo na kaagad ang tensyon sa pagitan nilang dalawa na walang gustong mag patalo.

"Hindi mo ba narinig ang sinabi ni Lea? Siya na mismo ang nag desisyon na ako na ang mag hahatid sakanila, kaya't bitawan mo!" Tumalim ang titig ni Insoo sa pinsan at ganun din si Mark.

"Sino ka pa ba para mag himasok, Insoo? Baka nakaka-limutan mong asawa ako ni Lea. Bitawan mo na ang bag kong ayaw mong may pag kalalagyan ka!" Ang matalim na banta ni Mark na hindi man lang nasindak si Insoo.

"Tinatanong mo kong sino ako para mag himasok? Kaibigan lang naman ako ni Lea." Sagot naman pabalik ni Insoo at hindi na si Lea makatiis na pinapanuod ang dalawa na nag tatalo kaya't pumagitna na siya sa dalawa para putulin na ang tensyon sa kanilang dalawa.

"Sandali nga lang." Asik ko dahil naririndi na rin akong pakinggan ang kanilang pag tatalo na dalawa. Nakaka-inis na. "You know what? Mag co-commute na lang kaming dalawa ni Steven," singhal ko sa dalawa, at bago pa makapag salita ang dalawa, inagaw ko na sa kanilang kamay ang bag ni Steven.

"Halika na Steven." Tinalikuran ko na ang dalawa at nag lakad na palayo para iwan sila.

"What?" Mark.

"Sandali, Lea." Patuloy na tawag ng dalawa at hindi ko na sila nilingon pa. Nilakihan ko na ang hakbang ng paa namin ni Steven. Tinaas ko na ang kaliwa kong kamay para tumawag ng taxi at mabilis din naman na huminto sa tapat namin.

"Sandali, Lea. Ako na ang mag hahatid sainyo," pahabol na pag kukumbinsi ni Mark na hinahabol pa talaga kami ng anak niya. Bwisit. Hindi mo ba kami tatantanan Mark?
Nakaka-rindi kana ah.

Pumasok na sila ni Steven sa loob nang sasakyan at bago paman kami mahabol ni Mark, sinarhan ko na ang pintuan nang sasakyan ng malakas. "Wait, Lea. Sandal——" kusa nang umandar ang sasakyan palayo at naiwan si Mark na inis na inis sa nangyari na hindi na nito nahabol ang mag-ina.

MARK SAMUEL'S POV

"Shit Fuck!" Matinis na lang napa suklay si Mark sa sariling buhok sa frustrate na sinusundan ng tingin ang taxi na sinasakyan ng kanyang mag-ina. Tangina talaga.
Lalo pang naragdagan ang galit sa dibdib ni Mark na makitang lumakad si Insoo na naka-pamulsa at papanhik sa sasakyan nito.

Umakyat ang galit sa dibdib ni Mark na maalala na mag kasama ang dalawa sa sasakyan kanina.
Mag kasama silang nag palipas ng gabi mag damag.
Aaminin ni Mark sa sarili na nag aalala na tumawag sakanya ang katulong na hindi nga umuwi si Lea mag damag.

Kagabi pa niya hinahanap si Lea at mag damag rin itong tinatawagan.

Wala na siyang sapat na tulog dahil hinahanap lamang ito dahil nag aalala na siya at kong saan na siya pumunta kong saan-saan.
Tapos malalaman niya lang na mag kasama silang dalawa ni Insoo?
That's bullshit!

Sa karami-rami pang tao sa pinsan niya pa.

"Bakit kayo mag kasama ni Lea?" Ang matalim na salita ni Mark ang mag pahinto kay Insoo sa pag lalakad. Umanggat naman ito ng tingin at pangisi-ngisi pa. Fuck.
Gusto niya na itong suntukin pero pinipigilan lamang ni Mark ang sarili na mag timpi dito.

"Wala ako sa lugar para sumagot ng mga katangunan mo Mark." Huh! Sige lang!
Sagut-sagutin mo pa ako Mark!

Umiling pa si Insoo at tatalikuran pa siya nito nang hinigit niya ang kamay nito paharap sakanya.

"Putangina! Huwag mo akong tinatalikuran habang kinakausap kita, Insoo!" Matalim na asik ni Mark dito at matapang naman na tumitig sakanya ito na wala itong naramdaman na takot man lang. "Naka-usap ko ang katulong na buong mag damag na hindi umuwi ang asawa ko sa bahay. Hindi naman ganun si Lea na mag papalipas ng gabi sa bahay ng isang lalaki!"

"Hindi ko alam kong dapat pa ba akong matuwa or mainis na lang sa sinasabi mo Mark."

Nilapit pa ni Mark ang sarili kay Insoo. "Layuan mo ang asawa ko dahil hindi ko gusto na lumalapit ka sakanya. Binabalaan kita!"

"Eh ano naman kong mag kasama kaming dalawa ng asawa mo? Alam ko kong saan ako dapat lumugar Mark, at hindi mo dapat ako dapat pag sabihan pa..." mahinahon na sagot pabalik naman ni Insoo . "Sa pag kakaalam ko matagal na kayong dalawa na hiwalay ni Lea at may sarili kana rin na pamilya. Dapat hindi kana nangingialam pa, Mark." Gago! Ako pa talaga ang pag sasabihan mo?

"Tangina talaga! Huwag mong ubusin ang pasensiya ko sa'yo Insoo." Dinuro ni Mark ang dibdib ni Insoo at kasabay ang lalong panlilisik ng mata nito. "Oo hiwalay na kaming dalawa ni Lea, baka nakaka-limutan mong asawa ko pa rin siya at may karapatan ako sa mag-ina ko."

"Karapatan?" Natatawang napa-buga na lang ng hangin si Insoo. "Sandali, nag seselos ka ba nababaling na ang atensyon ng asawa mo sa iba? Oh baka naman, natatapakan na ang pag kalalaki mo na ngayo'y hindi na humahabol pa sa'yo si Lea kagaya nang dati, Mark." Kina-kuyom naman ng kamao ni Mark ang sinabi nito at nag titimpi na masuntok ito sa labis na galit.

"Fuck you!"

"Marami na ang nag bago Mark, at hindi na kagaya ng dati. Kong gusto mong malaman kong bakit mag kasama kaming dalawa ng asawa mo, bakit hindi mo tanungin si Lea?" Tinapik pa ni Insoo ang balikat ng pinsan at binunggo pa itong nilampasan si Mark at pumasok na sasakyan.
Sinundan na lang ng tingin ni Mark ang sasakyan ni Insoo paalis at buong higpit na na naka-kuyom ang kamao niya sa galit.

Babalikan kita!
Tandaan mo ito Insoo,
Hindi pa ako tapos sa'yo!

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon