Chapter 50

722 20 1
                                    

Chapter 50

INSOO'S POV

"Ito na po Sir, ang hini-hinggi niyo." Nilapag ng katulong ang tinimplang kape para kay Insoo sa ibabaw ng glass table. Sinenyasan na ni Insoo na maari na itong umalis at tinuon niya ang atensyon sa magandang tanawin sa palikuran ng kanilang Mansyon. Masarap ang simo'y ng hangin at maraming mga naka-tanim na mga magagandang mga bulaklak na tanim ng kanyang Mama na mag papagaan pa lalo ng kanyang naramdaman.

Perinting sinandal ni Insoo ang likod sa malambot na couch; at hindi direkta natatamaan ng araw ang piniling pwesto na mga oras nang alas dos ng hapon.

Kinuha ni Insoo ang tasa ng kape at marahan na sinimsim iyon; humahagod kaagad sa lalamunan niya ang mainit na kape. Hindi mapigilan na mapa-ngiti na lang si Insoo na maalala ang pangyayari na mag katabi sila ni Lea sa upuan at inalis niya ang naka-kapit na dahon sa parteng buhok nito.
Nakita niya ang pag-pula ng mala rosas na pisngi nito.
At ang matamis nitong ngiti na hindi maalis sa kanyang isipan.

"Ang ganda niya." Hindi mapigilan na mabanggit ang katagang iyon na may ngiti sa labi. "Shit! Ano bang iniisip ko?" Mahina niyang bulong at nilapag ang tasa ng kape sa lamesa.

Sinapo niya ang mukha at hindi maipaliwanag kong bakit ganon na lang ang nasabi niya. At kong ganun na lang ang naiisip niya.

Ano bang nangyayari sa'yo, Insoo?
Fuck!

Noon paman may lihim na siyang pag-tingin kay Lea nong una ko pa lang siya nakita. Hindi ko alam kong ano ang nakita at nagustuhan ko sakanya; pero iba talaga ang pakiramdam ko sa tuwing nakaka-sama ko siya.

Masaya ako na makita siya.
Kahit ilang oras siyang hindi mag salita sa tabi ko; masaya na ako basta't kasama ko lang siya at nakikita ko ang matamis niyang mga ngiti.

Sinubukan ko naman na umiwas at pigilan ang nararamdaman ko para sakanya subalit; hindi ko kaya.
Binihag niya na ang puso ko at ibang-iba si Lea kumpara sa mga dati kong mga naka-relasyon noon. I'm willing to protect her, at all cost, specially to Mark.
Hindi ko hahayaan na maka-lapit at saktan niya muli si Lea at si Steven.

"Mukhang masaya ata ang araw mo ngayon ah? Mukhang hindi naman ang kape na iniinom mo ngayon ang dahilan ng pag-ngiti mo, Insoo." Unting nawala ang matamis na ngiti sa labi ni Insoo na madama ang presinsiya ng Ina na kanina pa pala siya pinapanuod. Shit! Nakaramdaman siya ng munting hiya sa sarili na makita nito ang isang side ng pag katao niya. "Hmm, babae siguro ang dahilan ng pag-ngiti mo, ano?" Pag uusyoso sa tinig nito.

Hindi talaga mataguan ng anumang sekreto ang kanyang Ina at simpleng galaw at pag kilos niya pa lang; nahuhulaan na nito ang nangyayari.

"Ts. Mom." Napa-iling na lang siya ng ulo at kinuha muli ang tasa ng kape at sinimsim ang laman no'n, samantala naman ang kanyang Ina, nanatili lamang naka-tayo sa gilid at naroon ang pahiwatig na titig sakanya.

"I knew it, babae nga ang dahilan kong bakit ngumi-ngiti ka ngayon." Abot langit na lang ang ngiti ng Ginang na tumpak ito sa sinabi. "So, sino siya? Kilala ko ba siya? Siguro, maganda ano?" Parang kaibigan na lang paraan ng pag-uusap nila ng kanilang Ina.

"Stop it Mom, walang ganun." Pag dadahilan niya pa para hindi na ito mag tanong pa sakanya. Ayaw rin sabihin ni Insoo kong sino man ang babae sa kanyang isipan, dahil wala naman na kasiguraduhan.
At isa pa, hindi rin niya alam ni Lea na may gusto ako sakanya.

Gusto niya parati na itago o mag sekreto ni Insoo sa mga bagay-bagay. Gusto niya mag kwento kapag may assurance na talaga na kapag naka-amin na ako nang tunay kong nararamdaman.

"Hindi mo na ako maloloko Insoo, kanit i deny mo. Alam kong babae ang dahilan ng pag-ngiti mo ngayon." Dugtong pa ni Mom na kina-ngiti ko pa lalo. "Nag tatanong sa akin ang Daddy mo kong, may girlfriend ka daw. Simula no'ng mag break kayo ni Nicole, wala kanang pakilala sa amin na bagong napupusuan. Hindi mo naman iniintindi ang magagandang babae nag papa-cute at lumalapit sa'yo."
Marami naman na babae ang lumalapit at karaniwan, sila pa ang nag liligaw sakanya, subalit hindi niya iyon pinapansin.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora