Chapter 59

567 15 1
                                    

Chapter 59

LEA KRISTINE'S POV

Hindi malaman ni Lea kong makakaramdam ba siya nang inis at gulat sa pag dating ni Mark.

Naka pormahan itong black shoes, black trouser pants at ang pang itaas naman na suot ang uniforme kong ano ang suot nila pareho ni Steven. Sa kabilang kamay suot naman ang itim na rolex watch.

Ang ilang mga magulang at mga bata sa naturang event, hindi mapigilan nila ang sarili na mapa titig kay Mark. Manghang-mangha siguro sila na maka kita ng guwapo at anak ng mayaman sa event.

Sinilip ni Lea ang anak na ngayon naka-titig lamang kay Mark, walang plano na kausapin o lapitan man lang ito.

"Hi," Tinaas ni Mark ang kaliwang kamay para batiin kaming dalawa na kina-pula naman ng mukha ko sa galit. Lumapit ako kay Mark at hinigit ko na ito palayo, para makapag usap sila nang masinsinan na hindi maririnig ng kanyang anak.

Pangiti-ngiti lamang si Mark na nag patanggay na lang sa pag hila ko; na kina-inis ko pa lalo sa galit. Ang kapal naman ng pag mumukha niya na pumunta dito!

Dinala ni Lea si Mark sa malayo sa anak at saka binitawan ang kamay ni Mark para mag tuos silang dalawa. "Nanadya ka ba talaga? Anong ginagawa mo dito?" Hindi na maitago ni Lea ang pag kainis na hanggang dito, mangugulo pa rin ito.

Wala talaga itong kadala-dala na matagal na ko na siyang pinag babawalan, pero heto't patuloy na sinisira ang magandang araw ko.
Bwisit talaga.

Umayos nang pag kakatayo si Mark sa harapan ko, hindi man lang ito nasindak sa matatalim na titig ko sakanya.

"Nandito lang ako para mag attend ng family day ng anak natin." Nanunuya na napa buga na lang ako ng hangin. Ang kapal! Ngayon ka pa umasta na mabuting Ama? "Huwag mong sabihin na hanggang dito ipag tutulakan mo pa rin akong umalis Lea.. Kong nandoon tayo sa bahay mo, gagalangin at rerespituhin ko pang ipag tulakan mo akong umalis. Pero nandito tayo sa school nang anak natin, hindi mo ako mapipigilan." Humingga ako ng sobrang lalim at sinasagad na nito ang natitira kong pasensiya sakanya.

Gusto ko man mag taas ng boses, pero iniiwasan ko na mag gawa ng eskandalo sa family day at ipahiya ang anak ko sa maraming tao.
Pasalamat ka Mark, at maraming tao kundi baka kanina pa kita pinatulan!

"Ang kapal naman ng pag mumukha mo, ano? Hindi kita inimbitahan na pumunta dito. Umalis kana, baka maubos pa ang pasensiya ko sa'yo," mahina subalit may pag babanta ko na wika.

"Come on Lea. Hindi naman kayo makakasali sa games at activities sa event na ito, kong walang mag re-representa na Daddy sa anak natin. You'll need me." Hindi na talaga kita matantya Mark! Ganito kana talaga kakapal?

"Sino bang nag sabi sa'yo, na kailangan ka namin?" Lalo pang lumawak ang ngisi sa labi ni Mark na may ibig ipahiwatig. Akala mo kailangan ka namin ngayon?
Hindi sa lahat ng pag kakataon, aayon lahat sa gusto mo Mark! "We don't need you here. Umalis kana at huwag kanang manggugulo pa—-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang marinig ang matinis na sigaw ni Steven palapit sa kinaroroonan namin ni Mark.

"Mommy, mommy!" Naputol ang tensyon sa pagitan namin ni Mark at kinabaling ng tingin si Steven na hindi na maitago ang saya at excitement na mukhang may ibabalita ito.
Humawak sa kamay ko si Steven at pinag swing pa ang kamay namin na dalawa. "Nandito na siya Mommy. Nandito na po si Tito Insoo," sa likuran ni Steven, lumabas ang guwapong mukha ni Insoo na kararating lamang.

He was wearing a silk black pants at sa pang-itaas naman suot ang parehong uniforme na suot naming tatlo.

Sinilip ko naman ang expression ni Mark at lalong dumilim ang mukha nito na hindi inaasahan ang pag dating ni Insoo.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now