Chapter 56

504 17 0
                                    

Chapter 56

LEA KRISTINE'S POV

Inayos ni Lea ang pag kakasabit nang bag sa balikat ng anak, pansin niya ang pasimpleng pag masid nito sakanya.

"Oh, bakit?"

Umiling lang ito. "Bakit po kayo mag kasama ni Tito Insoo, Mommy?" Ang salita ni Steven ang mag patigil kay Lea sa ginagawa.

"Ah, iyon ba? May inasikaso kasi si Mommy na importante na bagay kasama ni Tito Insoo. Hindi ko na namalayan na naka-tulog na pala ako sakanila, kagabi,"

"Ano naman po iyon Mommy?" Inosente nitong tanong na kina-ngiti na lang ni Lea.

"Sa susunod ko na sasabihin kong ano ang inasikaso namin. Just for now, isipin mo na lang gumagawa kami ni Tito Insoo mo na investigation,"

"You mean Mommy, ganun po sa mga pinapalabas sa movies?" May halong amusement sa tinig nito na kina-tango niya naman.

"Oo parang ganun na nga," pag sang-ayon ko na lang para hindi na ito mag tanong pa kong ano ba talaga ang totoong ginagawa namin ni Insoo. "Top mission itong ginagawa namin at gusto kong secret muna natin ito ha? Huwag mong ipag sabi kahit kanino."

Pinagalaw ni Steven ang kilay at nilagay ang hintuturo sa pagitan ng labi nito. "Oo naman po Mommy, shhh lang po. Hihi."

"Sorry kong hindi ako naka-uwi kagabi. Nag hintay ka ba sa akin?"

"Opo Mommy,"

"Hindi na mauulit iyon," hinawakan na ni Lea ang kamay ng anak. "Halika na, ihahatid na kita sa school at mag explain ako kay teacher kong bakit ka nalate ngayon." Sabay na silang nag lalakad ni Steven papasok sa school nito at wala kana talagang makikitang batang nag lalaro sa labas; naroon na sila sa kani-kanilang mga silid.

"Mommy?"

"Ano iyon?"

"Sa susunod ng araw po ang family day namin. Huwag na kayo po akong mag attend," kina-lingon naman kaagad ni Lea ang anak na ngayon naka-yuko at may lungkot sa mga mata nito.

"Ha? Bakit naman?"

"Tutuksuhin lang naman ako ng mga kaklase ko dahil ikaw na naman po ang kasama ko sa family day.. Lahat po sila kasama ang kanilang mga Daddy, tapos ako walang kasama. Sa bahay na lang po ako Mommy, ayaw ko na pong sumali." hindi mapigilan ni Lea na malungkot sa sinabi ng anak. Alam niya naman na ganun na mga event ang pinaka-gusto ng kanyang anak na daluhan. Excited pa nga itong kinu-kwento ang nalalapit na family day no'ng naka raang linggo at pinag tataka naman kaagad ni Lea na hindi na ito pupunta.

"Eh bakit naman? Akala ko ba pupunta tayo doon gaya ng napag-usapan natin?" Nilingon ni Lea ang anak at kahit anong pag kukumbinsi niya, hindi niya na ito mapapayag. "Hmm! Kapag gumawa ba si Mommy ng paraan, mag aattend na tayo sa family day?" Hindi pa rin niya matiis ang anak kahit anong sabihin. Gusto niya itong maging masaya at gusto kong iparamdam na walang kulang kahit sira na ang pamilya namin.
Ibibigay ko ang lahat para mapasaya lang si Steven.

"Paano po Mommy?"

"Kakausapin ko si Tito Insoo mo, na siya na lang mag attend na Daddy mo sa family day. Gusto mo ba iyon?" Ang suhesyon ko ang unti-unting nag pasigla ng mga mata nito.
Malapit si Steven kay Insoo, at magugustuhan nito na makasama nito ang Tito niya sa mahalagang event sa kanilang school.

Tumango si Steven at kay lawak na ang ngiti sa labi nito.

*****
Matapos ihatid ni Lea ang anak sa skwela, umuwi muna siya sa bahay para maligo at mag palit nang damit at dumiretso na kaagad sa kompaniya para tapusin na ang mga naiwan niyang trabaho doon.
Ilang oras ng naka-upo si Lea sa swivel chair at sa harapan niya ang naka tambak na mga documento na dapat niyang aralin at pirmahan.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant