Chapter 53

444 12 2
                                    

Chapter 53

LEA KRISTINE'S POV

Ilang segundo naka-tayo si Lea sa harapan ng 201 room. Pinindot niya muli ang doorbell at bumukas ang pintuan at bumunggad ang magandang babae suot ang white dress.

"Hi, good morning." Matamis niyang bati sa kaharap. "I'm Lea Kristine Sandoval, nandito ako para kay Lorraine." Niluwagan ni Lorraine ang pag bubukas ng pintuan.

"Pasok ka, Lea." Nauna nang pumasok si Lorraine loob samantala naman naka-sunod lamang ako sakanya at ang aking tingin hindi maalis na inoobserbahan ang condo unit nito. Ang sarap pag masdan ang white and brown color combination sa loob ng silid nito at kahit maliit lamang ang espasyo, masasabi kaagad ni Lea na malinis at na-maintain ang kagandahan ng silid.

Matangkad si Lorraine sa akin at base pa lang sa mukha nito, matanda ito sa akin ng limang taon. Marunong din akong tumingin at mag obserba sa mga tao; nang una ko pa lang nakita si Lorraine, masasabi ko talagang mabait ito.

"Pasensiya na kong medyo makalat pa ang condo ko, hindi pa kasi ako tapos mag ayos." May nakita naman ako ng konting kalat sa silid nito, pero hindi naman gaanon karami.

"Okay lang."

"Maupo ka muna." Paanyaya nito na mapa daan sila sa living area. Pinili ni Lorraine na maupo sa single couch at naupo na lang ako sa kaharap nito. "Gusto mo ba ng juice or coffee?"

"Huwag na, hindi naman ako mag tatagal."
Tumango na lang ito. "Nag-usap tayong dalawa sa phone, at isa ako sa mga kaibigan ni Jeric at Melissa. Hindi sila makapunta dito, kaya't ako na lang ang nandito." Bago pinuntahan si Lorraine tinawagan ko muna ito sa cellphone, sakto naman na wala naman itong gagawin ngayon kaya't sinadya ko na talagang puntahan para sabihin ang aking pakay.
Nag hahanap na talaga ako ng matibay na ebidensiya laban kay Mae.
At kong may kinalaman man si Mae sa pag kaka aksidente nito; malakas na iyon na panlaban namin at magagawa ko na ang susunod kong mga plano.
Sa ngayon. Iniipon ko lamang ang nalalaman at ebidensiya na hawak ko.

"Ah, ayos lang sa akin." Anito. "Nabanggit mo sa akin kanina na may gusto kang itanong sa akin. Ano iyon?"

"Naikwento kasi sa akin ni Melissa ang tungkol sa pag kaka aksidente ni Jeric, at handa naman akong tumulong sakanila kong sakaling may foul play talaga sa pag kaka aksidente ni Jeric. Nabanggit ni Melissa na handa ka daw tumulong kaya't narito ako."

"Oo nga."

"May alam ka ba tungkol kay Jeric at Mae?"

"Ang alam ko lang matagal na mag kasintahan si Mae at Jeric at tatlong taon na nila nililihim sa lahat ang kanilang relasyon. Nabanggit pa nga sa akin ni Jeric na patago silang nag kikita na dalawa; at iyon naman ang hindi ko naman sinang-ayunan.. Sa totoo lang Lea, hindi ko pa nakikita sa tanang buhay ko si Mae, madalas lang siya maikwento sa akin ni Jeric pero wala akong alam kong ano siyang klaseng tao." Patuloy na kwento nito samantala nakikinig lamang ako sa susunod niya pang sasabihin. "Nagulat na lang ako isang araw na tumawag sa akin si Jeric gulong-gulo at umiiyak. Balak na makikipag hiwalay ni Mae sakanya at inaalisan na siya ng karapatan sa bata.. Awang-awa ako sa kaibigan ko dahil mahal na mahal niya si Mae, at nag karoon silang away na dalawa ng gabing iyon.. Sinabi ko pa nga kay Jeric, na ayusin nila ang relasyon nila dahil kawawa naman ang magiging anak nila.... Huli ko naka-usap si Jeric, at binanggit niya sa akin na mag kikita silang dalawa ni Mae ng gabi sa kanyang condo para ayusin ang kanilang relasyon.." puno ng lungkot ang mata na kinu-kwento iyon. "Mula ng mag kausap kami sa telepono, wala na akong balita at nagulat na lang ako na kina-umagahan na malaman kong naaksidente siya." Lorraine has tears in her eyes and is hurt by what happened to her best friend.

So naaksidente nga talaga si Jeric sa loob mismo ng condo nito. Kailangan kong mapuntahan ang condo niya para maka hanap pa ng ibang impormasyon. "Do you know where Jeric's condo unit is?"

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon