Chapter 62

538 11 0
                                    

Chapter 62

MAE'S POV

"Kumusta na Louie? Nahanap mo na ba sila?" Hindi pa rin ako tumitigil sa pag hahanap kong saan dinala ni Lea si Jeric at si Melissa.

Natatakot ako sa posibilidad na mangyari kong sakaling magising si Jeric sa pag ka coma at ilaglag niya ako.
Hindi ako makakapayag na makulong at mawala sa lahat nang mga pinag hihirapan ko. Bago paman ako mahuli, kailangan ko na silang despatsahin.
Sila lang naman ang sagabal sa akin!
At naiinis ako dahil nakialam si Lea!

[Hindi ko sila mahanap.] kinapikit ko na lang ng mata sa sandaling marinig iyon kay Louie. Punyeta! Ilang araw ko na sa'yo pinapahanap Louie, pero wala ka pa ring makuhang panibagong lead?
Nauubusan na ako ng oras!

Gusto ko man ilabas ang galit ko kay Louie na bungangaan ito, subalit kailangan kong maging kalmado at baka sakaling hindi niya na ako tulungan. Kailangan ko pa si Louie para maisakatuparan ko ang mga pina-plano kong mga hakbang na pag kilos sa pag hahanap sa mag kapatid. [Minamanmanan ko na rin si Lea pero wala ako ngayon na nakikita na kahina-hinalang kilos. Bahay at trabaho lamang ang ginagawa niya at wala rin siyang pinupuntahan na iba. Mukhang natunugan niyang naka-manman ako sakanya.]

"Gumawa ka nang paraan, Louie. Hindi pwedeng ganun lang na mag sayang tayo ng mga oras." Asik ko ng mahinang tinig. "Kailangan natin mahanap ang mag kapatid sa lalong madaling panahon. Manmanan mo rin si Mrs. Martinez o kaya ibang taong malalapit kay Lea. Panigurado ako, na may alam sila kong asan si Jeric at Melissa,"

[Sige, babalitaan na lang kita Mae.] sunod ko na lang narinig ang pag putol ng pag uusap naming dalawa ni Louie at mabibigat ang aking pag hingga na nilapag ang cellphone ko sa table at pinapasadahan ng tingin ang mga kumakain sa restaurant kong asan ako ngayon.

Hayop ka talaga Lea!

Saan mo ba sila dinala?

Naging matatalim ang mata ko sa galit na hindi ko pa rin sila nakita.

Nanatili pa ako sa restaurant ng ilang minuto bago ko napag pasyahan na gumala sandali para libangin ang sarili ko sa loob ng Mall. Marami nang mga nangyaring hindi maganda sa akin at gusto kong makapag isip-isip muna ng mga dapat kong gawin sa susunod kong mga plano.
Pumunta ako sa isang famous clothing brand at inassist kaagad ako ng mga staff na naroon.

Sa kalagitnaan ng aking pag pipili, hindi akalain na may mahagip akong familiar na bulto na papasok pa lang kong saan ako namimili.

Naging matalim ang aking mga mata ng makilala kong sino iyon, walang iba kundi si Lea.
Sinu-swerte ka nga naman.
Dito pa talaga kami mag tatagpo na dalawa.

Suot ang marangyang kasuotan at hindi maalis ang mata ko sa simpleng pag galaw nito. Di hamak na mas maganda ako sakanya at mamahalin ang aking suot na damit.
Wala ka pa rin sa kalingkingan ko Lea!

Hindi na ako mag tatanong kong nahagip ako ni Lea ng kanyang mata sa pag mamasid ng ilang mga naka display doon na mga damit. Panigurado nakita niya din naman ako:

"Mam, may naka pili na po ba kayo?" Lumapit sa akin ang isang babae, na staff rin doon.

"Oo naka-pili na ako. Kukunin ko na lahat ito, and here's my card." Inabot ko sa staff ang limang pares ng aking mga napili kasabay na ang card para siya na mismo mag bayad sa counter ng aking mga pinamili.

"Sige po, Mam." Pangiti-ngiti lamang na tinanggap ng babae ang aking inabot at sinunggitan ko ito sa pangit ng shades ng pink lipstick na gamit nito. Ew! Ang pangit.

Nag lakad na ang staff papunta sa counter para bayaran at balutin na ang aking mga pinamili. Habang nag hihintay sa pag balik ng staff, nilibang ko na lang ang sarili ko sa pag tingin ng mga damit na naka-display at baka sakaling may maidagdag pa ako.

The Revenge of the Battered Wife [COMPLETED]Where stories live. Discover now