"Kung ganun, ano nang status niyong dalawa?" sabi ni Anj.

"S-Status?" Anong status?

Kinuha ni Anj ang apple ni Kev at kinagatan rin ito. "Oo Tin! Status! Yung for example, kapag ininvite mo si Jeff na facebook friend, anong ilalagay mo sa relationship status nyo?" Napahawak ako sa baba ko. Napapaisip ako dito sa sinabi ni Anj.

"Uhm, ano kasi Anj eh, wala namang facebook si Jeff. Kaya hindi ko sya ma-aadd as friend." Kaya nga hindi ko ma-add wala naman hata. Sayang!

Nagkatinginan naman sila ni Kev. Ngumiti si Kev pero nagbuntung-hininga si Anj.

"Ikaw na nga lang babe kumausap dito. Mababatukan ko 'to eh." Hinampas naman ni Anj si Kev.

Hala naman. Wala naman kasi talagang facebook account si Jeff. Nginitian naman ako ni Kev."Well Tin. Alam naman nating mag-asawa na kayo ni Jeff. Pero iba na ang pakikitungo nyo sa isa't-isa ngayon, tama ba?" sabi ni Kev.

Tumango naman ako. Si Kev nagsasalita ng mabagal na parang nakikipag-usap sa kinder. "Nung sinasabi mong hinalikan ka niya—" bakit baa yaw niyong maniwala ni Anj? Pati ba naman si Kev?

"Hinalikan nya talaga ako." Lagi na lang ba ako magdedepensa?

"Right. Bago mangyari yun, sinabi mo ba sa kanya yung nararamadaman mo? Sinabi mo ba na... gusto mo sya?" Nagsalita ulit si Kev/

Napahawak naman ako ulit sa baba ko. "Uhm, wala naman hata akong sinabing ganun." Pero may naramdaman kami este naamoy. Alam mo na.

"Pero siya. Pagkatapos ka niya halikan, may sinabi ba siya na gusto ka nya?" pagpapatuloy ni Kev

"Huh? Wala naman. Sabi lang nya pang-disinfect ganun."

"What? Hay ang gulo. So ano nga Teeny Weeny, kayo na ba ni Jeff?" Singit naman ni Anj.

Kami na nga ba? Well nagkiss naman kami diba? Kami na nga hata siguro?

"Kung hindi kayo kinasal, sigurado wala pa kayong relasyon ngayon. Napakabagal naman kasi ng lalakeng yun. Manghahalik tapos wala namang sasabihin." Sabi ni Kev

"Tama ka dyan babe. At alam mo Tin, dapat nung hinalikan ka ni Jeff, tinanong mo na agad kung kayo na. Kung pwede mo na ba syang ituring na boyfriend mo or what." Sumang-ayon naman tong si Anj. Eh?

Wow. Magiging boyfriend ko si Jeff? wala naman kasi akong idea sa ganito. "G-ganun ba yun?"

"Naman! Ganyan ginawa ko kay Kev 'no. Bigla naman kasi akong hinalikan, kaya tinanong ko kung bakit nya ginawa yun. At ayun, tinanong na nya agad kung pwede nya akong maging girlfriend." Todo explain Anj?

Naghair flip naman ito si Anj. Aba ang haba ng hair.

"Diba babe ikaw ang unang humalik sa'kin? Tapos ikaw din ang nagtanong kung pwedeng tayo na— Aray! Babe naman! Joke lang!" nakangisi si Kev

"Kapal mo talaga forever!!" Ito na naman si Anj, nagiging brutal. Nambabatok na naman.

"Hmm. Sa tingin ko Tin alam ko na kung anong status nyo ngayon ng Jeff na yan eh." Anj said and tucked her forefinger on her chin.

"Talaga? Anong status namin?" Nacucurious naman ako sa status naming ni Jeff.

"M.U." sabi ni Anj

"Huh?"

"Oh my goodness Tin. Don't tell me pati yan hindi mo alam? M.U. as in Mutual Understanding—" Napahino si Anj dahil nagsalita si Kev.

"Malanding Ugnayan—" sabi ni Kev

"Malabong Usapan—" suggestion pa ni Anj

"Medyo Umiibig—" may naisip pa si Kev.

"Magulong Unawaan—" suggest ulit ni Anj

Seducing My HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon