Chapter 1: Toxic Manila

Start from the beginning
                                    

I sighed deeply. Ang kanina na magandang mood ko pagkalapag ng eroplano ay biglang pumangit dahil sa tawag ni mommy. I really don't want to go. Kahit polluted at mahirap ang buhay sa Pilipinas, mas gusto ko pa rin dito. I have my life here.

Nakita ko pa na napatingin sa rear view mirror ang taxi driver at tila gusto pang matawa. Hindi rin naman siya chismoso.

Nakalumbaba kong binalik ang tingin sa bintana at binalewala na lang ang nakakasuyang mukha ng driver. Iniisip ko ang pwede ko pang idahilan o solusyon para lang hindi ako matuloy sa pag-alis.

Dahil alas diyes na ng umaga at hindi rush hour ng gano'ng oras ay mabilis naman akong nakarating sa bahay. Buti na lang talaga at hindi kasali sa plano ng mga magulang ko na ibenta ang bahay namin. Kahit naman kasi napili nilang mag-migrate ay pumupunta pa rin sila sa Pilipinas para magbakasyon. Sa katunayan ay dalawang beses na silang nagbakasyon dito sa loob ng halos anim na taon nila sa America.

Bitbit ang isang maliit na maleta ay pumasok na ako sa loob ng bahay. Kahit walang nakatira rito ay malinis at maayos pa rin ang itsura sa loob, may caretaker kasi na nagmi-mentina rito isang beses isang linggo na ako ang napapasahod. Mabuti na lang at mabait ang katulong ng kapit-bahay namin na si Aling Hilda kaya napakiusapan ko. Madali lang din naman linisan ang bahay dahil wala namang nakatira para magulo ito.

I miss my home. Kahit nakasanayan ko na ang buhay ko sa Ilo-ilo ay iba pa rin talaga sa lugar na kinalakihan mo na. It's more familiar. It's more calming. It's more....homely.

Inakyat ko ang maletang dala ko diretso sa kwarto. Tuwang-tuwa naman akong lumundag sa kama ko at parang batang nagpagulung-gulong.

"I miss this." Usal ko.

Hindi kasi gaanong kalaki ang kama ko sa Ilo-ilo dahil maliit na apartment lang ang niri-rent ko since mag-isa lang naman ako at mostly nasa opisina ako kaysa nasa bahay.

Marahil ay dahil sa pagod dahil na rin nag-overtime ako para walang maiwan na maraming trabaho kahit naka-leave ay hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako nang tuluyan.


_________



I woke up around four in the afternoon. Dahil nakalimutan kong mag-on ng aircon ay medyo pinawis ako sa pagtulog kaya diretso ako sa banyo para maligo.

Pagkatapos maligo ay naisipan kong mag-grocery since one week din ang bakasyon ko rito kaya kakailanganin kong lagyan ng laman ang ref at kakain na rin ng dinner sa labas kasi wala nga akong makain sa bahay.

Naisipan ko na imbes mag-taxi ay gamitin ang kotse ko. Hindi ko kasi magawang ibenta ito dahil na rin sa may sentimental value ito para sa akin, kahit na ba hindi ko naman ito madadala ng Ilo-ilo. I was just lucky to have a very kind bestfriend. Nag-volunteer si Andi paandarin ang kotse ko three times a month para hindi masira, naiintindihan niya kasi kung bakit ayaw kong ibenta ito.

Pinasadaan ko ng hawak ang aking Mazda CX-3 bago tuluyang pumasok sa loob nito. Nakita ko na puno pa naman ang tangke ng gas at nang i-start ko na ay okay din ang tunog nito at halatang maganda ang kondisyon ng makina.

I can't stop cursing while I'm on my way to the mall. Masyadong mabagal ang traffic na hindi ko tuloy mapigilan ang mapamura sa inip. Alas singko na kasi ng hapon kaya rush hour talaga.

This is the only thing I don't miss here in Manila, the traffic. Umuubos kasi ito ng oras pati na ng gas. Imbes marami ka pang magawa sa isang araw ay mas malaki pa ang gugugulin mong panahon sa daan.

I quickly became impatient because I really don't experience this kind of heavy traffic in Ilo-ilo, I'm not used to it anymore. Oo at may mabagal na traffic rin naman ang Ilo-ilo since city din naman ito pero wala talagang tatalo rito sa Manila.

Trapped In (COMPLETED)Where stories live. Discover now