Chapter 1

4.5K 85 0
                                    

Gaymond's POV

Akala ko noong una lalaki lang ang pwedeng makaakit sa atensyon ko... Ngayon naman itong babaeng nasa tabi ko ang nakakaagaw sa atensyon ko kahit sa simpleng bagay lang na gawin nya. Oo bakla ako at nagmahal na rin ng lalaki noon, ang masaklap lang niloko at pera lang ang habol sa akin ng gagong impakitang walang hiyang lalaking yun!!!

Oo nakakabwisit at nakakainis pag-naalala ko yun. Masakit sobra sa umpisa pero sa pagdaan ng panahon nawawala na rin at nalimutan ko na sya dahil din naman iyon sa tulong ng babaeng kasama ko ngayon.

"Lav... Tatambay muna ako sa bahay nyo."

Saad ko sa kanya.

Speaking of Babae... Alam nyo bang ako na bakla ay may jowang girl at hind men... Paano nangyari?...

Hindi ko sya best friend o kung ano man noon, tanging magkaklase lang talaga kaming dalawa. Hanggang sa sya na mismo ang unang lumapit at nakipagkaibigan sakin.

Naging close kami sa isa't isa at hindi ko na namamalayang nagkakagusto na pala sya sa akin. Pero bago pa man matapos ang pasukan humingi sya ng permiso sakin kung pwede ba syang manligaw. Noong una nagdalawang isip ako baka kasi pinagtritripan lang ako ng babaeng yun. Alam ko namang alam nya na tagilid ako... Kaya heto napapayag din matapos kong makita lahat ng efforts nya sakin at sa pagpaparamdam na mahal nya nga talaga ako. Hanggang sa naging kami na nga.

Sya ang todo effort kay aketch Simula sa una palang hanggang ngayon... Nanligaw sya sakin for almost 3 years kahit pinagtabuyan at pinapahiya ko na minsan noong una laging paring nasa tabi ko kapag nangangailangan ako ng tulong at masasandalan pagmay problema ako. At doon ko napatunayan sa sarili kong mahal ko na pala sya.

"Di mo na kailangang magpaalam Labz..."

Nakangiting sabi nya.

This time ako naman ang bumabawi sa kanya. Ako naman ang minsan nage-effort para saming dalawa. Masaya kami dahil tanggap namin ang isa't isa. Both good and bad attitudes namin. Parang soulmate ko nga din sya eh... Charot! Pero sa totoo lang nagiging totoo lang ako kapag sya ang kasama ko hindi katulad sa iba na iba ang pakikitungo ko... Madalas akong masungit pagkaharap ko sya sweet din naman ako pagtinutupak nga lang. Mabait ako sa harap ng ibang tao pero pagdating sa kanya niirita ako ewan ko nga ba kung bakit? Ganun pa man hindi naman kami nagkakatampuhang dalawa. Siguro para sakin hindi ewan ko nalang sa kanya.

"Tara na bumalik na tayo sa classroom natin lav... Baka malate pa tayo."

Saad ko at iniligpit muna ang mga gamit na nagkalat sa lapag at ipinasok na ito sa bag nya. Tinuruan ko lang sya sa assignment at nagreview lang naman kami sa test nya mamaya.

Wala naman akong masyadong pinagkakaabalahan dahil tapos na akong mag-aral sa ilang subjects na nititira sa araw na ito.

"Labz matulog na lang kaya ako sa Clinic? Ayokong kumuha ng test mamaya eh".

Nag-aalinlangang saad nya. Agad ko naman syang binatukan ng mahina lang.

"Wala ka ba talagang utak ha!? Nagsayang lang pala ako ng laway dito kakaturo sayo".

Naiinis kong tanong sa kanya.

"He he he... Nagbibiro lang ako labz. Sige nah maglakad na tayo pabalik ng classroom natin".

Sagot nya at bigla naman syang tumayo. Hay! Matigas talaga ang ulo nya. Tumayo na din ako at kinuha na ang mga gamit nya pati na rin ang sa akin.

"Tara na..."

Saad ko at naglakad na din kami ng sabay pabalik sa classroom namin. Nagrecess lang naman kasi kaming dalawa.

"Labz..."

Tawag nya sakin.

"Bakit lav?"

Tanong ko naman sa kanya.

Sya nga pala hindi ko pa napapakilala ang sarili ko sa inyo. I'm Gaymon Arellano 19 yrs. Old. I'm graduating in college next year pareho kami ni lav. My parents own the university na pinapasukan namin ngayon... This school has a big part in my life... Especially sa aming dalawa ni Lav

"Wag na lang pala... Bilisan nalang natin baka malate pa tayo".

Saad nya. Kita mo ng babaeng toh... Loka-loka talaga!!!

My girlfriend's name is Lavine Felicity Delo Santos 18 yrs. Old. Dalawang taon narin ang pinagsamahan naming dalawa.

And at last narating na din namin ang room nya. Pinapasok ko na agad sya sa loob ng kwarto nya at ako naman ay nagtungo na din sa aking kwarto. Magkaiba kami ng section nasa first section ako samantalang sya ay nasa second section kaya magkatabi lang naman ang mga kwarto namin.

Thanks for reading...

The Gay I'll Never ForgetWhere stories live. Discover now