Chapter 8 - An Engagement

Start from the beginning
                                    


Sa paraan pa lang ng pagtitig niya ay parang sasabog na ang dibdib ko. Ano bang nangyayari? Hindi naman ako nagkakaganito dati ah?


"That's the first. Hope you won't regret staying over."


Nang mahimasmasan ay agad akong dumistansya sa kanya at nang akma siyang lalapit ay agad akong pumasok sa silid at isinara ang pinto niyon.


Hindi ako makapaniwala sa nangyari. Bakit? Anong bang nagawa ko? Inutos lang naman ng Hari na dito ako pansamantalang tumira. Bakit kontra siya?


Narinig kong tumawa siya sa labas.


"From now on, be on guard whenever I'm around or... I'll do it again. Or worse." narinig kong saad niya habang tumawa-tawa pa sa kabila ng pinto saka umalis.


Naluha nalang ako ng hindi ko alam. Lungkot? Hindi iyon ang nararamdaman ko. Takot? Oo. Takot. Natatakot ako sa kanya. Mas nakakatakot pa kaysa sa hari. Akala ko pa naman iba siya sa hari dahil sa ginawa niyang pagtulong sa akin noong nakaraang araw na hanapan ng maisusuot dahil sa damit kong pinunit ng hari. Binigyan din niya ako ng bulaklak kaya akala ko talaga...pero nagkamali ako.



---------------------



Ilang oras ang nagdaan at matagal nang wala ang prinsepe sa may pinto ay nakarinig ako ng tatlong mahihinang katok sa pintoan kaya tumayo ako at binuksan iyon.


"Ah, Crisilda..." tiningnan lamang niya ako ng puno nan pagtataka. May kasama din siyang dalawang babaeng nakauniporme na mga tagapagsilbi. Hindi pamilyar sa akin ang mga mukha ng mga ito marahil mga bagong tagapagsilbi.


"Tutulungan kitang magbihis." Ani nito saka pumasok na sa kwarto kahit hindi ko pa pinahihintulutan.


"Bakit?" nagtataka kung tanong dito.


"E-aanunsyo na ng hari kung kailan ang kasal nila ni Lady Ivory."


"Ganun ba? Bakit hindi yata tayo nasabihan ng mas maaga?"


"Hindi ka na tagapagsilbi kaya malamang hindi ka nasabihan."


"Hindi ako sanay sa ganito. Baka pwede siguro na hindi na ako pumunta." Ani ko dito.


"Mariing ipinag-utos ng hari na dumalo ka. Nagtataka ako. Anong gayuma ba ang ginamit mo at biglang naging iba ang estado mo sa buhay."


"Ha? Anong ibig mong sabihin?"


"Pinag-uusapan ka ngayon ng halos lahat ng mga tagapagsilbi."


"A-ano naman ang mga sinasabi?"


Loving His Highness - Victor (TO BE PUBLISHED UNDER RISINGSTAR PUBLISHING)Where stories live. Discover now