Pseudo 17: Candice Natividad

74 0 0
                                    

Pseudo 17: Candice Natividad

Huminto kami sa tapat ng isang magandang bahay. It was on the edge of a cliff. Half of it is on the stable ground and half is not but strong woods are supporting it. I smile. Ngayon lang ako nakakita ng ganitong bahay. Hindi ito gaanong malaki at hindi rin naman maliit. Sa kalahating parte na sinusurpotahan ng mga poste ay may balcony. Katapat nun ang dagat. Konting-konti nalang talaga maglalaway na ko.

"Close your mouth. I don't want your drool spill all over the place," sabi niya sabay tapik sa baba ko.

"Kaninong bahay 'to?" mangha kong tanong at pinili ko nalang balewalain ang sinabi niya. Not a Candice thing to do but I just did.

"Kay Race. Resthouse," tipid niyang sagot.

"Talaga? Dapat pala pinakasalan ko nalang si Race 'noh? Tapos dito kami titira. Magkakaron ng pamilya. Ang ganda rito. Sure the kids will enjoy in this place. After all, sino bang hindi? It's really amazing in here. 18 years na kong nabubuhay sa ibabaw ng mundo. Lahat ng bagay nakukuha ko but I don't know that a very fascinating place like this does exists! Grabe, kung alam ko lang talaga!" It was partly true and partly not. First, ayokong maikasal at this very young age. Lalong-lalong hindi kay Race. Second, I don't imagine having kids. Kahit kanino. Not even with Vio. I just don't picture myself as a mother. Pero someday, siguro. But the thruth among all is that I feel like I want to spend my life living in here. Walang mga plastik na kapitbahay. Walang maiingay na sasakyang dumaraan. At higit sa lahat malaya ka. 'Yun nga lang, puro tunog ng kuliglig o hampas ng mga dahon ng puno ang maririnig mo tuwing gabi which I prefer better than the other.

"You can't be serious," bore niyang sabi sakin. Umupo siya sa couch sa may living room. Facing the calm ocean water.

Tinaasan ko siya ng kilay. "What if I am?"

He landed his sinfully gorgeous eyes on me. Studying me intently. Lukot na lukot ang mukha niya. Mas lukot pa noong nasa kweba kami at tinanong niya kung concern ako sa kanya. Pumikit siya at bumigat ang paghinga niya. Ayoko na! Hindi ko na kaya. I let my giggle spread all around the house. Dumilat siya at takang tumingin sakin.

His jaw suspend in mid air. Lihim akong napangiti. Napansin kong ganoon siya tuwing wala nang masabi. Ano ka ngayon, Luiz Hale?

"You sucks at making jokes, you know?" naiinis na sabi niya. He brushed his hands on his face. Relieved that I was just kidding.

"So what? At least natuwa ako sa expression mo! Very entertaining!" Sinundan ko ng tawa ang sinabi ko which made him groan in irritation na lalo kong ikinatawa.

"Well, ang ganda talaga rito." Umupo ako sa couch katabi niya at tinignan ang asul na dagat. Asul na asul ito at kalmadong-kalmado. Ang sarap titigan maghapon.

"Yeah,"

"Pa'no nga pala si Fuschia? Alam ba niyang kasama mo ko?" tanong ko dahil siguradong umuusok na ang ilong nun malaman lang nawawala si Luiz. What more pa kaya kapag nalaman niyang magkasama kami? Baka sumabog na 'yun.

"Sira ka ba? Syempre hindi ko sinabi," he smirked after he said those. Peste.

"Nyenyenye! Malamang kasi fiancee mo 'yun 'noh. She supposed to know what your where abouts are."

"Bakit, ganun ba kayo ni Race?"

Kumunot ang noo ko. "Hindi. Bakit naman namin kailangan malaman ang where abouts ng isa't isa? In fact, we barely see each other. And when I say barely, 2 minutes in a week," smug kong sabi. I even managed to snort though it sounds odd to me.

"Barely is when you didn't see each other. At all."

"So, hindi kayo nagkikita ni Fuschia? Poor you," asar ko sa kanya.

The Pseudo Bride (Revising + Translating)Where stories live. Discover now