Pseudo 13: Candice Natividad

124 0 0
                                    

UNEDITED. REALLY.

Pseudo 13: Candice Natividad

Tuesday na ngayon. At anong meron sa Tuesday? Palawan Tour, yes! Kaya nga alas dos palang ng madaling araw ay gising na ko. Chineck ko 'yung mga dadalhin ko kahit na paulit-ulit ko na itong tinignan kagabi. Hindi naman ako excited di ba?

Ang sabi raw kasi ay sa isang tagong isla kami pupunta. 'Yung hindi madalas na pinupuntahan ng mga turista. Ano nga bang tawag sa islang 'yun? Hmm.. Ah! Isla ng Rikitit. Tama, Isla ng Rikitit ang tawag sa islang iyon sabi sa bulletin board. Kaya nga excited ako, e kasi hindi ko pa 'yung napupuntahan di gaya ng Puerto Princesa o kaya sa El Nido. Kapag ganun kasi, wala ng thrill. Atsaka narinig ko sa mga dakilang chismakers na binansagan din 'yung islang iyon as 'mini siquijor'. Lalo nga akong na-excite, e!

Bumaba muna ko para naman makakain ako ng breakfast kahit papaano. 3 am palang naman. 4 am dapat nasa school na.

Napansin kong bukas ang ilaw sa kusina na dapat patay sa ganitong mga oras. May magnanakaw ba? Pero imposible. High maintained ang security namin dito. Saka ano 'yun? 'Yung magnanakaw, magnanakaw nalang bubuksan pa iyong ilaw? Astig. Saka sa kusina agad? Ano 'yun dead hungry o gutom lang talaga?

Dire-diretso na kong naglakad papunta sa kusina pero agad din akong napahinto. Si.. Race pala. Nakatulala siya habang hawak ang baso ng tubig. Tulalang-tulala siya at parang lumilipad sa ibang mundo ang isip. Dumaan na nga ako likod niya ay hindi niya parin ako napansin. Nakakuha na ko ng cereal at gatas ay hindi niya parin ako napansin. San bang alien world naglalakbay ito? O.. alam niyang nandito ako pero hindi niya ko pinapansin? Edi maganda! Magkakasundo kami kung pareho kaming hindi magpapansinan. Pabor iyon sa side ko.

Binitbit ko na ang cereal at gatas ko. Bago ako maglakad ay siniko ko ang basong hawak niya na nasuspend sa mid-air. Ayun pagsiko ko, basag 'yung baso. Nagising siya galing sa pagkatulala.

"Shit!" 'yun agad ang reaksyon niya dahil natapunan siya ng malamig na tubig. Mabilis ako tumakbo paakyat sa hagdan. Ayan napapala. Hindi mo kasi ako sinama sa alien world mo, e. Chos.

Kumain ako ng cereal at uminom ng gatas sa harap ng laptop ko. Ichecheck ko lang 'yung website ng school para sa mga announcements sa tour. Ang tour kasi ay para sa buong college students. Tapos iba pa 'yung per degree program. Ang dami kasing arte ng school, e. Nag-log in ako tapos binasa ko 'yung mga forum at nakisali narin ako, opkors.

S_M_P: Omygaaaaash! I'm excited na sa tour! diexforever: Aq rn! Sna mrmi taung gwin dun! redhorse: Sni nila mrmi taung ggwin dun! Dba may two-day seminar tpos pwd taung mgtour sa buong isla! diexforever: oo nga pla! 2ngkol san b ung seminar?

Sumingit ako sa convo nila. E, forum kaya 'to. So, dapat nakikisali ako.

SweetCandy: 'Yung seminar, e tungkol sa kung paano ka lalasunin @diexforever S_M_P: Waaaaah! Ate Candice! MKHKSTNGN: Hala! Sumali sa forum si Ate Candice! Isangbaril: OMG! Si Ate Candice ba 'yan?! Mamamataynamainggit: CANDIIIIIIIIIIICE! IDOL!!

Neh? Sino ba ang mga ire? At anong meron kung nakisingit ako sa forum na ito? Ang alam ko maganda lang ako, e.

diexforever: Okay lang po Ate Candice kung ikaw ang lalason sakin. Willing po ako! *u*

Ay, ang taray! Willing mamatay kung ako ang papatay? Masaya 'yun, a! Inperness. Nakisali lang ako sa mga chismisan nila. Kung anu-ano pinag-uusapan. Na kesyo raw bumili ng bagong bag worth P100,000 para lang sa tour na ito. Na kesyo raw umorder pa ng sapatos sa Paris at ang tagal daw dumating. Na kesyo raw ang baon, e 50k plus tatlong maletang pagkain. Mga echosera.

Shoppaholic101: I make buy my pyjamas worth 35k, you know? I want it to be memorable kasi, e so that many will make tabi sakin magsleep. Weh: Talaga? Ang yaman mo naman! diexforever: Sge tabi na tau! S_M_P: Ayoko ng may katabi matulog, e. SMP kasi me. SweetCandy: Pakipatay si Shoppaholic101. May libreng candy galing sakin ang magdadala ng ulo niya sa bahay ko.

The Pseudo Bride (Revising + Translating)Where stories live. Discover now